Ngumiti si Wilbur. Nilapit ni Faron ang lighter niya at tinulungan niya si Wilbur na magsindi ng sigarilyo.“Salamat.” Tumango si Wilbur.Hindi nanigarilyo si Faron. Itinabi niya ang pack ng sigarilyo at ngumiti siya, sinabi niya, “Wag ka maging estranghero sa akin, pre.”“Mr. Campbell, natutuwa ako.” Hindi alam ni Wilbur kung tatawa at iiyak siya. Bakit si Faron ay may ganitong klase ng pagkatao?Kung iisipin si Faron ay may ugali dapat na tulad ni Orin. Dapat ay ambisyoso at mature niya. Bakit siya parang isang tambay?Tila hindi ito problema para kay Faron. Tumawa siya at sinabi niya, “Sinabi sa akin ni Mr. Grayson na isa kang diyos, pre. Susunod na ako sayo simula ngayon. Utusan mo lang ako sa kahit anong bagay, pero…”“Ano yun?” Ang tanong ni Wilbur.Misteryosong sinabi ni Faron, “Dapat mo akong turuan ng mga paraan mo.”“Turuan ng alin?”“Anuman yun. Anumang kakayahan mo sa pakikipaglaban na gusto mong ituro.”Tumawa ng malakas si Wilbur. Hindi niya inaasahan na interes
Ngumiti si Benjamin at sinabi niya, “Wag kang mag alala. May uutusan ako na maghatid sa kanya pabalik.”Gumaan ang loob ni Wilbur nang marinig niya ito. Nagpaalam siya kay Mr. Grayson at umuwi na siya.Bihira na wala si Faye sa bahay. Naisip ni Wilbur na nagtatrabaho lang siguro si Faye tungkol sa pinag usapan nila kanina, kaya pumunta siya sa kwarto niya at natulog siya.Sa sumunod na umaga, nagutom siya ng sobra noong gumising siya.Patuloy ang pag inom niya kasama si Faron, kaya hindi siya masyadong kumain kagabi. Sa sobrang gutom niya ay halos hindi siya makatayo.Hindi pa gising si Faye, kaya nag drive siya papunta sa restaurant at umorder siya ng maraming pagkain. Handa na siyang kumain hanggang sa kuntento na ang puso niya.Nakatanggap siya ng phone call pagkatapos niyang umorder ng pagkain. Sinagot niya ang call.“Pre, nasaan ka?”Nabigla si Wilbur. Hindi siya makapaniwala na ito ay si Faron.“Mag aagahan ako. Ano ang meron?”“Hintayin mo ako, pre. Hindi pa rin ako ku
Walang alam si Faron sa sitwasyon, kaya wala siyang sinabi. Tinulak niya ang mag bun papunta kay Ethan.Nagbuntong hininga si Wilbur dahil walang tigil si Ethan sa pag iyak. Sinabi niya, “Kumain muna tayo at mag usap tayo pagkatapos.”Pinunasan ni Ethan ang mga luha niya at tumango siya ng tahimik. Pagkatapos, nagsimula siyang kumain dahil gutom na gutom siya.Ang ilang mga customer ay tumingin sa kanila ng mapanghusga, “Ano ito? Bakit siya nag imbita ng pulubi para kumain?”Agad na nainis si Wilbur. Tumingin siya ng masama sa babae at sinabi niya, “Tropa ko ito. Hindi isang pulubi. Mag ingat ka sa pananalita mo.”Nabigla sa takot ang babae dahil sa malamig na tingin ni Wilbur. Mabilis siyang tumalikod at tumahimik.Suminghal si Wilbur, at nagpatuloy siyang kumain kasama si Ethan.Nabusog na siya pagkatapos ng ilang sandali. Pinasa sa kanya ni Wilbur ang isang tissue at sinabi, “Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Nagbuntong hininga si Ethan at sinabi niya ang is
Si Ethan ang kapatid niya sa labanan.Malakas na lalaki si Ethan noon, walang takot, at laging nasa pronta.Hindi makapaniwala si Wilbur na ang bully na yun ay trinato si Ethan ng sobrang sama.Walang kahit sino ang nararapat na tiisin ang pagpatay sa mga magulang nila, lalo na ang isang malakas na lalaki na tulad ni Ethan.“Ethan, kasalanan ko ang lahat ng ito. Ipaghihiganti kita,” Ang sabi niya habang kagat ang ngipin.Lumuha si Ethan at sinabi niya, “Boss, hindi niyo ito kasalanan. Masyado akong tanga.”Hindi mapigilan ni Wilbur na magbuntong hininga. Ang mga tropa niya ay mga walang takot na sundalo sa labanan.Gayunpaman, kulang sila sa karanasan sa buhay. Isa itong malupit na lipunan, at masyado siyang walang alam. Iniisip ni Wilbur kung kamusta na ang iba sa buhay nila.Biglang may isang itim na security vehicle na may mga salitang ‘Iron Shield’ sa gilid ang huminto sa harap ng restaurant.May pitong mga lalaki na nakasuot ng itim na security uniform ang lumabas ng sasa
Halatang may pag aakusa sa tono ni Wilbur.Ngumiti ng awkward si Faron at sinabi niya, “Pre, minsan ay ganito lang ang mga bagay. Kapag nagtulungan ang mga taong ito, mahirap para sa mga higher-ups na harapin sila.”“Ito ay para bang umiiwas sila sa away kaysa ang harapin nila ito,” Ang komento niya ng walang pakialam.Alam ni Faron na masama ang loob ni Wilbur, kaya sinabi niya, “Wag kang mag alala, ako ang bahala dito.”Nilabas ni Faron ang phone niya at agad siyang tumawag.Hindi nagtagal, may taong sumagot. “Faron, bakit ka tumatawag sa akin?”“Uncle Chandler, nasa restaurant po ako sa West street ng Castlebury. Ang isang security company ay gusto po akong arestuhin. Pwede po ba kayo pumunta?”Nabigla si Chandler Anderson nang marinig niya ito.Sino ang may lakas ng loob para arestuhin si Faron? Gusto siguro nilang mamatay.Gusto ni Faron na magpakita ng personal si Chandler.Hindi ito matiis ni Chandler nang tawagan siya ng personal ni Faron. Aabalahin siya ni Orin kapag
Agad na natulala si Aaron.Ano ang nangyayari? May mga special agent ba na sa halip ay siya ang target?Gayunpaman, hindi siya kumilos ng basta basta sa harap ng mga taong yun.Kahit na galing siya sa probinsya, alam niya na ang lalaki na nakasuot ng punting siya ay isang taong makapangyarihan.Lumapit siya ng balisa at sinubukan niyang battiin ang mga ito ng maayos. Gayunpaman, may isang special agent na humampas sa kanya papunta sa sahig gamit ang ilalim ng baril nito.“Kumilos ka ulit sa susunod ng basta basta at mamamatay ka agad.”Tumunog ang malamig na boses ng special agent at pinagpawisan si Aaron dahil dito, at mabilis siyang umatras ng ilang hakbang.Si Chandler din, ay isang deputy minister. Kahit na kapangyarihan niya ay hindi kasing taas ng kay Orin Campbell, ang security sa paligid niya ay hindi lang para sa imahe niya. Hindi madali para sa kahit sino na lumapit sa kanya.“Ano ang nangyayari, Faron?” Sa oras na ito, dumating si Chandler sa tabi ni Faron at tinanon
Gayunpaman, sa mga mata ni Chandler, ang taong namumuno sa Municipal Public Security Brigade ay isang biro lang, at pwede niya pabagsakin ang mga ito sa isang utos lang.Lalo na ngayon at may kinalaman si Faron. Kailangan niya imbestigahan ang lahat ng tungkol sa mga taong ito at hahayaan niyang mabulok ang mga ito sa kulungan dahil personal siyang tinawag ni Faron at ginawa ang planong ito.Ang mga special agent ay sinamahan ang nabagabag na si Aaron at ang mga tauhan nito papunta sa kotse. Tumingin si Chandler kay Faron, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi niya, “Wag kang mag alala. Iimbestigahan ko ng mabuti ang problemang ito at bibigyan ko ng mabuting paliwanag ang kaibigan mo.”“Salamat, Uncle Chandler,” Ang sabi ni Faron.Ang sabi ni Chandler, “Hindi mo na kailangan maging mabait. Kapag may kailangan ka sa akin sa susunod, pwede mo lang akong tawagan, lalo na kapag nakakita ka ng mga kasamaan sa sector. Siguradong paparusahan ko sila ng malubha.”“Okay po, Uncle Chandler.
Umiling si Wilbur at sinabi niya, “Hindi. Wag nating alertuhin ang kalaban. Tayo na mismo ang pupunta.”Pinagdikit ni Faron ang mga kamay niya at sinabi niya, “Naniniwala ako na walang problema na harapin ang mga gangster, pero sa mga taong sumusuporta sa kanila, magiging mahirap para makialam ka. Tutal, mga government official sila at madali lang para sa kanila na gumawa ng gulo para sayo.”Pinag isipan ito ni Wilbur ng ilang sandali, pagkatapos ay sinabi niya, “Tama naman. Ano ang nasa isip mo?”“May isang kaibigan ako. Anak siya ng tropa ng tatay ko. Nagtatrabaho siya ngayon sa Municipal Commission for Discipline Inspection ng Seechertown. Pwede natin siyang isama. Basta’t ang problemang ito ay nakuha ng atensyon mula sa mga local officials, sila na ang bahalang umaksyon. Masisiguro ko na walang kahit sino ang makakatakas sa batas,” Ang sabi ni Faron.Tumango ng mabagal si Wilbur. Marami ang karanasan ni Faron tungkol dito.“Gawin na lang pala natin ang sinabi mo.”Nang makita