Tila nalilito si Maniac, “Senior, isa kang makapangyarihan na Ambience level cultivator. Bakit mo kailangan ng tulong ng isang taong tulad ko?”“Kailangan ko pa rin,” Ang sabi ni Wilbur.Tahimik pa rin si Maniac, bago siya humalukipkip. “Sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong sayo.”Ang pangalan niya ay Maniac, ngunit matino pa rin ang isip niya kapag kaharap ang isang taong tunay na makapangyarihan.“Kilala mo ba si Joel William?”“Si Joel William mula sa Viewspring Corp? Oo, kilala ko siya.”“Kailangan ko ng tulong tungkol sa kanya.”“Ano ang kailangan kong gawin?”“Gagawin mo ang lahat ng makakaya mo para pabagsakin ang teritoryo at mga business niya. Basta’t sa kanya ito, pabagsakin mo ito. Gusto ko siyang makita na bumagsak sa pinakamababang punto.”“Ahh…” Madilim ang ekspresyon ni Maniac.“Anong problema? Takot ka?”Kumunot ang noo ni Maniac. “Hindi naman sa takot ako… Kaya nga lang, siguradong makikialam ang mga awtoridad basta’t ang sitwasyon ay may kinalaman
Maliban dito, noon pa ay palihim na nakikipag kompetensya si Maniac kay Joel.Sa pagitan ng dalawa, si Maniac ay may kontrol sa underground circle at nagpapatakbo siya ng ilang mga business sa black market.Samantala, si Joel naman ang nasa tuktok ng trade industry bilang isang legal na businessman. Dahil dito, ang parehong lalaki ay nasa pantay na katayuan. Ngunit, si Joel ay mas mayaman ng sobra kumpara kay Maniac.Kapag namatay si Joel at bumagsak ang Viewspring Corp, si Maniac ang tanging matitira na pwedeng kumuha ng lahat ng mga negosyo ni Joel. Pagkatapos, siya na ang mamumuno sa parehong panig ng Anya City. Kapag nangyari yun, wala nang kahit sino ang may laban sa kanya.Tumingin si Wilbur kay Maniac. “Kailangan ko ba magsinungaling sayo? Magreport ka sa akin kapag may nangyari. Iniwan ko ang number at address ko sa mesa.”Pinanood ni Maniac habang umalis si Wilbur, at naglakad siya patungo sa nightclub, tila wala siyang pakialam sa sakit ng mga sugat niya.Tunay ang kapa
“Ako ang taong dapat mong katakutan.”“Walang hiya ka!” Ginamit ng lalaki ang kutsilyo, dinala niya ito papunta sa dibdib ni Skyler.Tumawa si Skyler, gumuhit siya ng linya sa ere gamit ang hintuturo niya.Tumalsik ang dugo sa ere, ang kutsilyo at ang kamay na may hawak nito ay bumagsak sa sahig.Napasigaw sa sakit ang lalaking may facemask, hawak niya ang putol na braso niya habang tumiting siya ng gulat kay Skyler.Ngumiti si Skyler. “Bumalik ka at sabihin mo kay Joel William na kailangan niya magpadala ng taong mas makapangyarihan kung gusto niyang saktan si Shelby Mothleen. Hindi ka sapat para gawin ito.”Ang lalaking may facemask ay alam na wala siyang laban sa kaharap niya. Tumalikod agad siya at tumakas.Tumawa si Skyler. Bumalik siya sa night market at bumili siya ng ice cream para sa sarili, kumain siya habang sumunod siya mula sa likod ng mga babae.“Isa itong magandang trabaho, kung magiging totoo ako.” Iniisip ni Skyler kung babayaran siya para dto.Habang iniisip
Tumingin si Wilbur kay Chester. “Wag kang magalit. Kaya ko itong gawin ng mag isa, kaya bakit ko kailangan ng tulong mo?”Nataranta agad si Walter nang marinig niya ang sinabi ni Wilbur. Ginamit niya ang lahat ng koneksyon niya para pumayag si Chester na tumulong kay Wilbur. Ngunit, ginalit ni Wilbur si Chester ng ganun lang. Kapag nagpatuloy ito, baka mas lumala pa ang sakit sa pagkamatay ni Ethan.Mayaman si Wilbur, hindi ba? Bakit hindi siya mahusay gumawa ng desisyon?Malamig na ngumiti si Chester. “Dahil hindi mo gusto ang tulong ko, hindi kita bibigyan ng tulong. Pero kailangan mo akong bayaran sa appearance fee ko.”“Anong ibig mong sabihin?” Ang tanong ni Wilbur, nalilito.Sinabi ni Chester, “Kung tanggapin mo man ang tulong ko o hindi, naniningil ako ng ten million dollars sa bawat pag uusap kung saan inimbita ako. Ito ang patakaran ko, at susundin mo ang mga ito. Naiintindihan mo ba?”“Ganun ba?” Tumingin si Wilbur kay Walter.Pinagpapawisan si Walter. Hindi ito binang
Nabigla rin si Chester nang makita ang ugali ni Maniac. Kadalasan ay hindi umaatras si Maniac kahit sa harap ni Joel.Sa sandaling yun, sinabi ni Wilbur, “Ah, tama, Maniac. Kilala mo ba itong si Chester Yarl?”“Kilala ko po siya,” Ang sabi ni Maniac.Ngumiti si Wilbur. “Sinabi niya sa akin na magbayad ng kalahating billion dollars para lang kausapin niya si Joel. Tumanggi ako, at humingi siya ng ten million dollars para sa appearance fee. Tinakot niya pa ako na ipakukulong niya ako kapag hindi ako sumunod. Tinatakot niya ako.”Nagbago ang ekspresyon ni Chester, at tumingin sa kanya si Maniac ng may malupit na ngiti.“Sir, ang lalaking ito ay may uncle lang na nagtatrabaho sa isang mababang posisyon sa city government. Halos wala po siyang kapangyarihan. Bukod dito, kamamatay lang ng anak ni Joel. Sa tingin ko ay walang magagawa ang uncle niya para baguhin ang isip ni Joel.”“So sinasabi mo na wala akong mapapala kahit bayaran ko siya?”“Parang ganun na nga po. Kahit ang uncle ni
Sa huli, natapos si Joel na ilabas ang galit niya at umupo siya sa sofa habang mabilis ang paghinga.Lumipas ang mahabang sandali, tila huminahon na siya habang nagsindi siya ng sigarilyo at nag isip ng malalim.Sa huli, tinawag niya, “Jar!”Si Jar Wattmen, ang secretary ni Joel, ay mabilis na pumasok mula sa pinagtataguan niya, nanginig siya mula ulo hanggang paa. “Yes, Mr. William? Ano po ang magagawa ko para sa inyo?”“Tawagan mo si Borghetti. Sabihin mo sa kanya na kailangan ko siyang makita. Mahalaga ito,” Ang sabi ni Joel.Nilabas agad ni Jar ang kanyang phone at sinunod ang inutos sa kanya.Maputla ang ekspresyon ni Joel habang galit niyang sinabi, “Walang hiya ka para gawin ito sa akin, Maniac. Hindi rin ako magiging mabait. Wag mo akong sisihin sa gagawin ko.”Sa oras na yun, sa isang building.May grupo ng mga property owner na nagtipon sa harap ng sales department, nagpoprotesta sila at iwinagayway ang mga flag at dinedemanda na ang mga property nila ay ibalik sa kan
Pagkatapos, higit sa sampung libong mga trabahador ang sumugod sa control room. Agad nilang pinigilan ang mga guard at ang supervisor ay binugbog at halos hinagis mula sa top floor.Naganap ito sa bawat factory at kumpanya na pagmamay ari ng Viewspring Corp, at nagkakagulo sila doon.…Nang gabing yun.Ang isang Audi A6 ay nagpark sa tabi ng isang lawa sa bandang labas ng lungsod.May isang Bentley S500 na lumapit dito, at lumabas si Joel William. Lumapit siya sa Audi, yumuko siya sa itim na bintana.Ang bintana ng Audi ay bumaba ng kalahati.Nagsalita agad si Joel, “Mr. Borghetti, sigurado ako na alam niyo ang nangyayari sa kumpanya nitong nakaraan.”“Hindi masyadong klaro ang mga detalye.”“Yung lintik na si Maniac. Kumuha siya ng mga tao para pahirapan tayo. Nagkakagulo na ang kumpanya ko ngayon.”“Pinapahirapan ka? Paano?”“Tungkol sa ilang mga bagay. Humihingi sila ng mga unit na binayaran nila, ang mga trabahador ko ay nasa isang strike, pinipilit nila na itaas ko ang
Tumingin ng nanunuya si Maniac kay Joel. “May isang taong hindi mo pwedeng guluhin. Ito ay isang bagay na hindi mo pwedeng bayaran para makatakas, kaya kalimutan mo na ito.”Tumayo si Joel nang marinig niya ito. Ang tono niya ay madiin habang sinabi niya, “Hindi ako takot sayo, Maniac! Pwede kitang pigilan noon at kaya ko pa rin ito ngayon.”“Totoo na kaya mo akong labanan noon.” Tumayo si Maniac, tumitig siya kay Joel. “Pero lagot ka na ngayon at magbabayad ka gamit ang dugo mo. Naiintindihan mo?”Huminto si Joel bago niya sinabi, “Ito ay tungkol kay Ethan Osborn, hindi ba?”“No comment.” Sumandal si Maniac sa upuan niya, uminom ulit siya ng whiskey.Ngumiti si Joel. “Wag mong kalimutan ang tungkol kay Mr. Taft, Maniac. Isa kang tanga kung sa tingin mo ay pwede mong patakbuhin ang Anya City habang nandito siya.”Tumalikod si Joel para umalis pagkatapos nito. Medyo nagbago ang ekspresyon ni Maniac.Nang mawala na si Joel, mahinang tinanong ni Haley, “Sino si Mr. Taft? Makapangya