Hindi ito binanggit ni Faye dahil hindi rin ito binanggit ni Wilbur.Nang malaman kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin ay ang pinakamagandang bagay para sa isang tauhan, kaibigan, o kahit kasintahan.Ngumiti si Faye sa mga sinabi ni Wilbur. “Ang Sealake Island ay may halaga po na at least five hundred million dollars. Isa po itong magandang deal.”“Biglaan lang ito. Hindi ko ito inaasahan,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.Sa oras na yun, tumigil na si Faye sa pag aalala. Nag kwentuhan silang dalawa habang inubos nila ang pagkain bago maghugas si Faye ng mga hugasin.Umupo si Wilbur sa sofa at nagsindi siya ng sigarilyo. Tumitig siya kay Faye sa kusina, malalim ang kanyang iniisip.Hindi nagtagal, natapos na si Faye at pumunta siya sa sala.Sa oras na umupo siya, nadulas siya at bumagsak siya papunta sa direksyon ni Wilbur.“Ayy!” Ang sigaw ni Faye, bumagsak siya papunta kay Wilbur.Nabigla ng ilang sandali si Wilbur bago niya inabot ang isa sa mga braso ni Faye upang map
Nakita ni Wilbur na ito ay isang call mula kay Nancy at sinagot niya ang phone.“Wilbur, nasaan ka? Kailangan mo ba magpasundo sa akin?” Tumunog ang boses ni Nancy sa kabilang linya.Agad na sinabi ni Wilbur, “Ah, oo nga pala. Pupunta na ako dyan.”“Ayos! Dumating ka sa oras, okay?” Ang sabi ni Nancy bago niya ibaba ang phone.Tumawa ng mahina si Wilbur. Sa totoo lang, masaya siya para makita ang dating mga classmate niya pagkatapos ng matagal. Wala siyang maraming kaibigan, at mahirap pa rin na kausapin ang mga classmates niya pagkatapos ng mahabang panahon.Nakuha niya ang unang kotse niya at nagmaneho siya papunta sa Winston Entertainment.Ang Winston Entertainment ay isang recreational establishment na may food at entertainment services, ito ay itinuturing na sikat sa Seechertown.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Wilbur sa lugar. Pumasok siya sa hall at nakita niya na naghihintay si Nancy sa sofa na para bang hinihintay siya nito.Nakita ni Nancy si Wilbur at tuma
Mayabang ang ekspresyon ni Cindy, nakakapit siya sa braso ni Edward habang umupo silang dalawa. Si Edward ay may mapagmataas at mayabang na ugali.Kumunot ang noo ni Wilbur, napuno ng irita ang kanyang dibdib.Klaro na doma;a mo Cimdu ang boyfriend niya para ipagmayabang lang. Isa itong pagtitipon, hindi isang paligsahan.Pagkatapos, ngumiti si Cindy at sinabi niay, “Guys, wag na kayong tumitig! Mataas ang katayuan ni Edward, pero boyfriend ko siya. Hindi kailangan kumilos ng awkward.”Mabait ang mga salitang ito, ngunit iba ang implikasyon.Walang masabi ang lahat. Sa huli, may tao na tumayo at nagbigay ng isang baso ng wine sa lahat. Ang mga taong hindi umiinom ay binigyan ng tsaa.Pagkatapos nito, si Ryan Swan, ang dating class president, ay nagtaas ng kanyang baso. “Isa itong bihirang okasyon na tayo ay may oras para magtipon tipon. Mag toast tayo para dito. Maaga pa ang gabi.”Tinaas ng lahat ang kanilang mga base, at pati na rin si Wilbur. Si Nancy at ang ilang mga babaeng
Tumayo ng nagmamadali si Nancy. “Wag tayong magalit, guys. Nandito lang tayo para magsaya.”Ngunit sinabi ni Edward, “Sino ka para sabihin ito sa akin? Pumunta ako dito dahil lang kay Cirdy, kung hindi ay hindi niyo ako makakasama sa iisang kwarto!”Medyo malupit ang mga sinabi ni Edward, at halata sa ekspresyon ng lahat na hindi sila natutuwa.Gayunpaman, dahil sa katayuan ni Edward, walang kahit sino ang pwedeng magsalita.Ang lahat ng nagtatrabaho sa Seechertown ay hindi pwedeng galitin ang isang tao na tulad ng anak ng district manager.Itinaas ng isang classmate ang kanyang baso. “Mr. Channing, huminahon kayo. Heto, iinom ako kasama ka.”“Oh? At ikaw ay?” Ang mayabang na sinabi ni Edward.Agad na sinabi ng classmate, “Ang pangalan ko ay Frank Cedar. Kakalipat ko lang sa Weston District para sa trabaho. Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. Channing.”Nakangiti si Frank, inubos niya agad ang baso niya.Nagbuntong hininga ang lahat. Syempre, may ganitong tao sa bawat pagtitipo
Pinigilan ni Edward ang lalaki. “Ikaw ba ang humipo sa girlfriend ko?”“Ano naman kung ako?” Tila matapang ang lalaki.Nagalit si Edward, “Kung ganun, sa tingin ko ay gusto mong mamatay!”Lumapit si Edward sa lalaki at sinuntok niya ito sa mukha.Nakita ni Frank ang tamang pagkakataon para maging malapit kay Edward at sumunod siya na may malupit na pambubugbog sa lalaki.Hindi makalaban ang lalaki sa dalawang tao at niyakap niya lang ang tuhod niya habang nakahiga sa sahig at umungol siya sa sakit.Sa oras na yun, malamig na sinabi ni Edward, “Yan ang mapapala mo sa paghawak sa babae ko, basura ka.”“Matuto ka ng magandang asal, pwede ba?” Ang dagdag ni Cindy.Umalis sila ng mayabang.Ang lalaki ay tumayo. Tumigi siya habang ang talo ay pumasok sa kwarto nila, kinagat niya ang ngipin niya habang nagmura siya, “Maghintay lang kayo, mga walang hiya.”Pagkatapos itong sabihin, ang lalaki ay bumalik sa kanyang kwarto.Ang lalaki ay nasa room 888, at may higit sa sampung mga lala
Tumawa si Will dahil sa mga salitang ito. “Mr. Sage, halos isang siglo nang nasa Seechertown ang Torrent Clan, at binuo namin ang reputasyon namin sa oras na yun. Ang pinakamatandang anak, si Manny Torrent, ay ang vice secretary ng Seechertown, at maraming ibang miyembro ng clan ay may mahalagang papel sa lungsod. Kahit ang isang tao na tulad ni Lightning Hank ay kailangan maging magalang sa kanya sa lungsod na ito. Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa isang hindi mahalagang tao na tulad ng mga Channing?”Halata na nabalitaan ni Sam ang tungkol sa kapangyarihan ng Torrent Clan. Kung hindi, hindi sana siya makikipag tulungan kay Will. Sinabi niya ang mga salitang yun ng may klarong layunin.Tumawa ng mahina si Sammy sa mga sinabi ni Will. “Makapangyarihan nga ang Torrect Clan. Kung ganun, Mr. Torrent, ano ang gagawin mo tungkol dito?”“Bisita kita, at may taong nanakit sayo. Syempre ay ipagtatanggol kita. Babaliin ko ang mga binti ng kung sino man ang nanakit sayo kanina,” Ang malagim
Pawis na pawis si Edward. Samantala, sinabi ni Cindy, “Sige! Wala naman tayong dapat katakutan. Edward, tawagan mo lang ang dad mo kung may nangyari at magiging ayos na ang lahat.”Hindi alam ni Edward ang kanyang sasabihin, ngunit ang sitwasyon ay kailangan ayusin. Lumingon siya para tumingin kay Steve. “Mr. Zoner, sigurado ako na ayos lang kung pumunta ako ng mag isa, hindi ba?”Sinusubukan ni Edward na ipahiwatig na umaasa siya na pumunta ng mag isa at mag alok ng pera bilang kabayaran.Ang Torrent clan ay magbibigay ng awa a least para sa tatay niya, at ang lahat ng ito ay maaayos ng hindi niya pinapahiya ang sarili niya.Gayunpaman, hindi ito hahayaan ni Steve. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”Pagkatapos, tumayo rin si Frank. “Ano ang binabalak niyo? Hindi niyo ba alam kung sino si Mr. Channing, kausap niyo siya ng ganito?”Klaro na walang ideya si Frank kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng Torrent clan.Lumnigon si Steven para tumingin kay Frank at ngumisi siya. “Kil
Tumingin si Wilbur kay Edward. “Wala kang laban sa kanya, pero ako meron. Gusto ko makita kung may lakas ng loob siyang hawakan ako.”Walang masabi ang mga classmate.Walang kahit sino sa kanila na inaasahang si Wilbur, na siyang tahimik kanina pa, ay may lakas ng loob.Alam ng kahit sino na hindi kayang awayin ni Edward si Mr. Torrent, ngunit heto si Wilbur, ito ang ginagawa.Hinila ni Nancy ang damit ni Wilbur, sinubukan niya itong patahimikin.Lumingon si Wilbur at ngumiti siya kay Nancy, kinumbinsi niya ito na huminahon bago siya tumingin kay Steve.Sa ilang sandali, natakot ng konti si Steve sa kumpiyansa ni Wilbur.Bumalik lang ang tapang niya sa sumunod na sandali, sinigaw niya, “Walang hiya ka! Gusto mo bang mamatay?”Kalmadong sinabi ni WIlbur, “Alam mo, baka hindi ako ang mamatay. Mukhang hindi naman malaking bagay ang mga Torrent.”Sumingkit ang mga mata ni Steve. “Hindi lang pambubugbog ang matatanggap mo sa pag insulto sa Torrent clan. Ito ang masasabi ko sayo.”