Tumingin si Wilbur kay Edward. “Wala kang laban sa kanya, pero ako meron. Gusto ko makita kung may lakas ng loob siyang hawakan ako.”Walang masabi ang mga classmate.Walang kahit sino sa kanila na inaasahang si Wilbur, na siyang tahimik kanina pa, ay may lakas ng loob.Alam ng kahit sino na hindi kayang awayin ni Edward si Mr. Torrent, ngunit heto si Wilbur, ito ang ginagawa.Hinila ni Nancy ang damit ni Wilbur, sinubukan niya itong patahimikin.Lumingon si Wilbur at ngumiti siya kay Nancy, kinumbinsi niya ito na huminahon bago siya tumingin kay Steve.Sa ilang sandali, natakot ng konti si Steve sa kumpiyansa ni Wilbur.Bumalik lang ang tapang niya sa sumunod na sandali, sinigaw niya, “Walang hiya ka! Gusto mo bang mamatay?”Kalmadong sinabi ni WIlbur, “Alam mo, baka hindi ako ang mamatay. Mukhang hindi naman malaking bagay ang mga Torrent.”Sumingkit ang mga mata ni Steve. “Hindi lang pambubugbog ang matatanggap mo sa pag insulto sa Torrent clan. Ito ang masasabi ko sayo.”
Tumingin si Will kay Steve, na siyang yumuko sa kanya bago sinabi, “Sir, dadalhin ko po sana ang taong bumugbog kay Mr. Sage, pero ininsulto po ng tangang ito ang Torrent clan, kay siya muna po ang dinala ko. Pwede niyo muna po siyang turuan ng leksyon bago tayo bumalik sa pagtuturo sa mga lalaking yun ng isang leksyon.”Dumilim ang ekspresyon ni Will pagkatapos marinig ang mga salitang yun. Tumitig siya ng malamig kay Wilbur. “Gusto mo sigurong mamatay, ininsulto mo ang pangalan ng Torrent clan ng ganito?”“Heh,” Tumawa si Wilbur. “Ano ba ang maganda sa Torrent clan? Isang grupo lang kayo ng mga sipsip na sumusunod sa utos ng iba.”Naiintindihan ni Wilbur na ang Torrent clan na tinutukoy ni Steven ay ang isa sa three big clans ng Seechertown.Wala lang ang Torrent clan kumpara sa pamilya Owens.Nagpapanggap lang silang malakas sa mga taong nasa ibabaw nila.Agad na nagalit si Will sa sinabi ni Wilbur. Tumitig siya ng malamig kay Wilbur at kumaway siya. Muling may nagtipon na sam
Nang makita na ito ay isang call mula sa tatay niya, sinagot niya ang phone call.“Dad?”Tumunog ang boses ni Gerard, puno ng kapangyarihan. “Will, umuwi ka na ngayon. Ang clan ay magkakaroon ng mahalagang meeting.”“Ah… Uhm… Dad, may kailangan akong asikasuhin ngayon at medyo mahalaga ito.” Hindi naman talaga mahalaga kay Will ang mga clan meeting na yun kung sa totoo lang.Muling tinaas ni Gerard ang boses niya. “Mahalaga ang meeting na ito. Ang Seechertown ay may bagong pinuno, at kailangan ay nandito ka para malaman ito.”“Ano ang nangyari, Dad?” Ang tanong ni Will, nalilito siya.Nagbuntong hininga si Gerard. “May taong pambihira ang lakas at kakayahan ang tumalo kay Jeremy kagabi. Nangako ng katapatan si Jeremy sa lalaking yun kagabi, at iannounce niya sa lahat ng mga clan na magbigay ng respeto sa kanya kapag nakita nila ang lalaking yun.”“Ano?”Halos bumagsak ang phone ni Will, at tumingin siya kay Wilbur. Sinasabi kaya ng lalaking ito katotohanan, at siya talaga ang l
Nang matapos ang call ni Will, huminga siya ng malalim bago siya lumapit ng mabagal kay Wilbur at yumuko siya ng malalim. “Patawad po, Mr. Penn. Wala akong alam at ginalit ko po kayo. Pwede niyo po akong parusahan sa anong gusto niyo.”Nabigla ang lahat sa ginawa ni Will.Si Sammy, Steve, at ang lahat ng mga lalaki sa kwarto ay napanganga.Kahit si Nancy ay nabigla. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bakit biglang nagbago ang pag uugali ni Will?Si Wilbur lang ang may alam kung ano ang nangyari dahil sa pambihirang pandinig niya.Narinig niya ang bawat salita sa pag uusap ni Will at ng tatay nito.Nakita ito ni Wilbur at kumunot ang noo niya. “Hindi na kita papahirapan. Dahil humingi ka ng tawad, pagbibigyan kita.”“Salamat po, sir. Sandali lang po. Pupunta po ang tatay ko dito para personal na humingi ng tawad sa inyo,” Ang maingat na sinabi ni Will.Nabigla ulit ang lahat sa mga sinabi ni Will. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyari para sa isang tao na tulad ni
Nakita ni Gerard si Wilbur at mabilis siyang yumuko sa kanya. “Gerard Torrent, at your service, sir.”Kumaway si Wilbur. “Walang problema.”“Ginalit po ba kayo ni Will, sir? Paparusahan ko po siya,” Ang sabi ni Gerard.Kumunot ang noo ni Wilbur. “Hindi naman ito masyadong masama, kaya hindi mo kailangan itrato ito na malaking problema.”“Will, lumapit ka dito at humingi ka ng tawad,” Ang sabi ni Gerard.Lumapit si Will, opisyal siyang humingi ng tawad. Tumayo si Wilbur. “Sinabi ko na isang maliit na hindi pagkakaunawaan lang ito. Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad. Gusto ko lang na matapos na ito.”Hindi na ito gustong patagalin ni Wilbur at baka hindi siya umabot sa kanyang cultivation schedule.Tumigil na si Gerard sa pag aalala pagkatapos sabihin ni Wilbur na wag na itong palalain pa. Pagkatapos ay lumingon siya sa anak niya. “Bigyan mo ako ng isang card.”Agad na naintindihan ni Will ang ibig sabihin ng tatay niya at mabilis niyang nilabas ang isang golden card at ipin
Nagpatuloy sa pag uusap ang dalawa tungkol sa oras nila sa school.May nararamdaman na komplikadong mga emosyon si Nancy ngayon.Nagkataon lang na nakasalubong niya si Wilbur. Minsan silang naging magkatabi sa klase, at alam ni Nancy na namatay ang mga magulang ni Wilbur noong bata pa ito. Tumira si Wilbur kasama ang lolo niya at hindi sila mayaman.Ito ang rason kung bakit inalagaan ni Nancy si Wilbur sa school. Masasabi na mayroong konting spark sa pagitan ng dalawa.Ngunit dahil pareho pa silang bata, hindi nila maintindihan kung ano ang nararamdaman nila bago sila nagkahiwalay ng landas.Nang makita ni Nancy si Wilbur pagkatapos ang isang dekada, tila nagbago na si Wilbur na para bang may superpower siya.Hindi isang tanga si Nancy.Alam niya mula sa mga sinabi ni Steve na si Mr. Torrent ay makapangyarihan.Ngunit sa oras na magpakita si Wilbur, naging isang masunurin na kuting si Mr. Torrent. Ibig sabihin ay nasa ibang lebel si Wilbur.Gayunpaman, mukhang ayaw ni Wilbur n
Ang sipa ay mabigat at kasing bilis ng kidlat. Nanginig si Nancy mula sa kotse, tinakpan niya ang bibig niya sa takot.Sa oras na yun, ngumisi ng malamig si Wilbur bago siya umatake ng malakas.Ang parehong atake at tumama ng malakas sa ere.Tumama ng malakas ang atake ni Wilbur sa ibaba ng paa ng lalaki. May malakas na pwersa na tumama sa paa ng lalaki, tumalsik ang dugo sa ere.Umungol sa pag iyak ang umatake, napaatras siya ng isang paa habang tumitig siya kay Wilbur na tila hindi makapaniwala.Tumalikod si Wilbur para tumitig kay Jose. “Sinasabi mo ba sa akin na ang mahinang ito ay sinusbukan kang patayin?”Nahihiya na sinabi ni Jose, “Sir, ang cultivation level ko po ay hindi kasing lakas ng sa kanya. Wala akong laban sa kanya.”Gayunpaman, napagtanto na ni Jose kung gaano kalakas si Wilbur.Ang sariling kakayahan ni Jose ay umabol sa aura blow level, ngunit may spectrum din sa level na ito.Ang aura ni Jose ay hindi kasing lakas ng kay Duran. Ito ang rason kung bakit hin
Pagkatapos, sumipa ulit si Wilbur sa tiyan ni Duran.May malakas na tunog habang tumalsik ulit si Duran sa ere. Umubo siya ng maraming dugo bago siya bumagsak sa sahig, walang malay.Habang bumagsak siya sa sahig, may isang token na kasing laki ng isang palad na bumagsak mula sa damit niya at gumulong papunta sa paa ni Wilbur.Kumaway si Wilbur, at ang token ay lumipad papunta sa kamay niya.Mukhang ancient ang token. Ang token ay itim at may mga nakaukit na ulap, may blood-red sword sa gitna nito.Tila may kakaibang energy na lumalabas sa token, sinusubukan nitong pumasok sa katawan ni Wilbur.Ngunit ang tanging kailangan na gawin ni Wilbur ay gumamit ng maliit na pwersa, at nasilya ang token, ang lahat ng energy ay naipit sa loob nito.Pagkatapos itong pag isipan, itinabi ni Wilbur ang token.Tila may kakaiba dito, kaya plano niya na dalhin ito pauwi at aralin ito.Ang lahat ng ito ay nangyari sa isang iglap, at kakabalik lang ni Jose sa sarili niya.Hindi siya makapaniwala