Ngumiti ng maliit si Wilbur, at may maliit na apoy na nagliyab sa dulo ng daliri niya.Tinuro niya ang daliri na ito sa noo ng babae, at ang apoy ay tila tumagos sa balat at pumasok sa isip ng babae bago ito naglaho.Biglang nagkaroon ng bago at iba’t ibang energy sa katawan ng babae.Ang energy ay tila mayroong nakakatakot na kapangyarihan, ang uri na pwedeng sumabog sa kahit anong oras at papatay sa kanya.Sumigaw ang babae, “Spirit energy? Isa kang spirit cultivator?”Bilang isang cultivator, alam niya kung gaano kalakas ang mga spirit cultivator. May sapat na kapangyarihan sila para kontrolin ang energy ng langit at lupa, at ang mga aura cultivator ay wala lang kumpara sa kanila.Pagkatapos ay may napagtanto ang babae.Ginagamit lang ni Wilbur ang maliit na parte ng energy niya at hindi niya pa ginagamit ang tunay na kakayahan niya.Pagkatapos, ngumiti si Wilbur. “Alam mo na ngayon. Sa totoo lang, kinuha kita para patayin ang lalaking yun para lang makuha niya ang nararapat
Gayunpaman, sa opinyon niya, ang paghihiganti ni Wilbur ay mas malupit.Isang billionaire si Blake bago nangyari ang lahat ng ito. Syempre, may malaking halaga ng pera pa rin siya ngayon.Ngunit kumpara sa katayuan na katayuan niya at ang kapangyarihan na meron siya noon, ang katayuan niya ngayon ay walang kwenta, at hindi niya ito matatanggap.Ito ang rason kung bakit tumawag siya ng isang assassin sa oras na lumabas siya ng kulungan at nilagay niya sa hit list si Wilbur.Ang sumunod na ginawa niya ay ang takutin si Faye na ibalik ang Woods Corporate sa kanya.Hindi pwede mawala sa kanya ang kumpanya niya. Walang kahit sino ang kukuha nito mula sa kanya.“T*ngina! Maghintay lang kayo! Sa oras na mamatay si Wilbur Penn, babagsak kayong lahat. Yvonne, Faye, lahat kayo!” Nagmura ng malakas si Blake na para bang ang lahat ng nangyari sa kanya ay hindi niya kasalanan.Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya ng parang baliw. “Ah, Wilbur Penn. Hindi mo siguro inaasahan na may gagawin
Tumingin ang babae sa blonde na lalaki. “Tandaan mo na wag mo siyang pagsamantalahan. Tutal, isa pa rin siya na tulad natin.”“Okay, Big Sis.” Tumawa ng kakaiba ang blonde na lalaki.Umaga na.Umupo sa sala si Wilbur habang nilalaro ang isang token sa kanyang kamay, sinusubukan niyang alamin ang misteryosong energy dito.Pagkatapos, bumaba si Faye. “Good morning, Boss.”“Alam, hindi mo ako kailangan tawagin na ganito,” Ang sabi ni Wilbur, umiling siya.Sumagot si Faye, “May mga hangganan pa rin po kinakailangan pagdating sa trabaho. Oo nga po pala, maayos na po ang kotse niyo.”Binigay niya ang susi ng kotse kay Wilbur.Ang kotse ni Wilbur ay may sira noong nakaharap niya sina Jose at Duran, at umaasa siay sa mga taxi nitong nakaraang mga araw.Tumango si Wilbur. “Salamat.”“Sa susunod po ulit, Boss. Nasa labas po si Master Jose. Tandaan niyo po na kumain.” Umalis ng bahay si Faye pagkatapos nito, ang heels niya ay tumutunog sa sahig.Nagbuntong hininga si Wilbur habang umal
“At ano naman kung higit ako sa batas? Ano ang meron?” Ang sabi ng lalaki, may malupit na ngiti sa kanyang mukha.Agad na nairita si Wilbur sa sagot ng lalaki.Nakikipag “usap” sana siya sa lalaki nang mabilis na lumapit ang may ari ng cafe. “Wag kayong magalit, lahat kayo! Pakiusap, huminahon kayo ng konti.”“Hindi pa siya nagbabayad,” Pinaalala ni Wilbur sa may ari.Ang may ari ay tumingin ng makahulugan ang may ari kay Wilbur, lumingon siya para ngumiti sa tatlo. “Have a nice day, at bumalik po ulit kayo.”Tinaas ni Wilbur ang mga kilay niya. Ngunit ang tatlo ay mainit ang ulo at sinabi nila kay Wilbur, “Kita mo, hindi ako nagbayad at walang problema. May problema ka ba tungkol dito?”Kumunot ang noo ni Wilbur, tumingin siya sa may ari ng cafe.Nagbuntong hininga ang may ari ng cafe, binulong niya kay Wilbur, “Ang lalaking yan ay mula sa food safety department. Siya ang namamahala dito sa parte ng bayan. Hindi dapat siya ginagalit.”So ito pala ang kaso.Ngunit galit pa rin
Tumawa ng mahina si Wilbur. “Maghihintay pala ako. Sige na.”Sasabog na galit si Bernie. Hindi niya matanggap na mawala ang pride niya ng ganito, ngunit kailangan niya maging maingat sa lakas ni Wilbur.Ngunit hindi siya naniniwala na si Wilbur ay makapangyarihan.Nilabas ni Bernie ang phone niya at tumawag siya. Pagkatapos ay umupo siya kasama ang kaibigan niya sa isang mesa at naghintay siya.Ang may ari ng cafe ay nakatayo lang at natataranta nang makita ito, ngunit wala siyang magawa.Makalipas ang sampung minuto, may SUV na huminto sa harap ng cafe. May limang malaking mga lalaki na lumabas ng kotse.Ang leader ng grupo ay nagmamadali na pumunta kay Bernie. “Anong problema, Boss?”Nang makita ang mga lalaking yun, agad na nagkaroon ng kumpiyansa si Bernie.Siya ay dating isang gangster bago siya binigyan ng trabaho ng uncle niya at nagkaroon siya ng maraming kaibigan na may kahina hinalang background. Pagkatapos maging isang hygiene inspector, ginamit niya ang awtoridad ni
Ang may ari ay lumapit kay Wilbur at binulong niya, “Pre, wag mo itong gawin sa sarili mo. May malaking mga koneksyon siya. Hindi mo siya kaya.”“Ah, hindi ako nag aalala tungkol dito. Ako ang bahala sa kanilang lahat at sisiguraduhin kong wala nang ibang gagawa ng gulo sayo sa susunod,” Ang kalmadong sinabi Wilbur.Ang alam lang ng may ari ay hindi niya na kayang kausapin si Wilbur para umatras, kaya naman ay tahimik siyang umatras sa isang tabi.Alam niya na si Wilbur ay hindi isang karaniwang tao lang.Kahit na nangyari ang lahat ng ito sa cafe, wala siyang magagawa tungkol dito.Pagkatapos, narinig ni Wilbur ang lahat ng sinabi ni Bernie sa phone gamit ang malakas na pandinig niya.Hindi siya natakot, at gusto niyang turuan ng leksyon si Bernie at ang uncle nito.Habang iniisip ito, tatawag sana si Wilbur kay Faye at papuntahin ang pinakamahalagang tao sa food safety department para makita nito kung anong klaseng mga tao ang nagtatrabaho para sa kanya.Pagkatapos, tumunog a
Mabilis na lumapit si Bernie sa lalaki. “Uncle…. Ah, Mr. Coop! Ang cafe na ito ay nabigo sa kanilang hygiene inspection, kaya pumunta ako para sabihin sa kanila na tumigil sa pagpapatakbo. Pero, hindi nakinig ang may ari sa akin at pinabugbog niya kami sa mga kaibigan niya! Tingnan niyo! Sira ang mga ngipin ko ngayon.”Gumulong ang mga mata ni Harrod Coop, tumingin siya ng masama sa pamangkin niya. Alam niya kung anong klase ng tao ang pamangkin niya, at na hindi nito sinasabi ang katotohanan.Gayunpaman, hindi niya pwedeng hayaan ang pamangkin niya na bugbugin ng wala siyang ginagawa, kung hindi ay ang malupit na nanay ng pamangkin niya ay pahihirapan siya.Kaya naman, tinaas niya ang boses niya na may puno ng awtoridad. “Sino ang nanakit sayo?”Tumuro si Bernie kay Wilbur. “Siya yun!”Lumapit si Harrod kay Wilbur. “Binugbog mo ba ang mga taong ito?”“Yun ang ginawa ko,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Si Harrod ay tumingin sa walang pakialam na ekspresyon ni Wilbur at agad siy
Maliban dito,kapag si Mr. Brigado mismo ang nag inspection kay Harrod.. Ang lahat ng mga ginawa niya nitong mga nakaraang taon ay mabubunyag.Nanginig ang mga binti ni Harrod habang iniisip ito.Hindi alam ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin nang makita siya na ganito.Ngunit, wala pa ring alam si Bernie. “Mr. Coop, sige na! Kunin niyo na siya!”Walang ibang gustong gawin si Harrod kundi ang sampalin sa mukha ang tanga na pamangkin niya.Gayunpaman, ang mahalaga ngayon ay ang maligtas ang sarili niya.Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon siya ng ideya at sumigaw siya, “Bernie Doebrook, ano ang nangyari dito?”Nabigla si Bernie. Tumingin siya kay Harrod at sinabi niya, “Uncle Harrod, sinabi ko na sa inyo ang lahat sa phone.”“Wala kang sinabi sa akin! Sir, kung pwedeng pumunta ka muna dito saglit,” Tinawag ni Harrod ang may ari ng cafe.Nalito ang may ari ng cafe, nanginginig siya habang naglalakad siya patungo kay Harrod.Sinabi ni Harrod ng may mabait na tono, “Sir, sa