Share

Chapter 18

Sandra's POV

DAHIL sa isang pagkakamali, ang lahat sa akin ay nawala. Ang itinakdang kasal ay hindi natuloy. Nawalan ako ng trabaho at maging ang kalayaan ko ay tila nawala na rin sa akin, dahil alam kong kahit saan ako magpunta, isang maling hakbang ko lang ay malalaman ni Lucas na buhay ako.

Maging ang halos buong pagkatao ko ay nawala. Marahil, pati ang hawak kong buhay ngayon ay hiram na lang. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, isang bagay ang pinagpapasalamat ko sa Diyos. Kahit paano, isang bagay ang tinupad niya sa mga hiling ko – ang mabuhay ang anak ko.

Marahan akong tumingin sa incubator tube na nasa tabi ng aking kama at sinilayan ang mukha ng aking anak na ngayon ay mahimbing na natutulog. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang minamasdan ang maliit na anghel na ito.

'Napakalakas mo, anak. Salamat at hindi ka sumuko.'

Naaalala ko pa noong araw na iyon. Noong nagsimulang manginig ang katawan ng anak ko. Sinigaw ko sa kanya na lumaban siya at hindi naman niya ako binigo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Sarerac Opas
ang ganda ms. A... Sana meron cla Jenn at gab .........
goodnovel comment avatar
Hazel Ann Pajanustan
lyn anong update
goodnovel comment avatar
Princess Jane Alcazar
unblock pls chapet 19
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status