Share

Chapter 84

Sandra's POV

ALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.

Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.

Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.

Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alice Yano
sana mas maganda pa ang wakas ng love story ni lucas at sandy..
goodnovel comment avatar
Lyn Palermo Reyes
woohhhh ang gndaaaa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status