Share

Chapter 5

Sandra's POV

"H-HINDI mo ba ako natatandaan?"

Tiningnan akong mabuti ni Lucas saka nagsalita.

"No. Should I?"

Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa palapit sa kanya, ngunit agad na akong hinawakan ng mga bodyguard at tila hindi ako hinahayaang makahakbang pa nang isa.

"Miss, diyan ka lang," saad ng isang lalaki.

"A-Ako 'yong nagkamali ng pasok sa kwarto mo noong nakaraan pang linggo tapos–"

"I get it! I get it! Anong kailangan mo?"

Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang tila naalala ako ni Lucas nang banggitin ko iyon. Tinaas niya ang kanyang palad, ito ay nagbigay hudyat sa mga bodyguard na bitiwan ako.

Mariin akong lumunok at kinuyom ang kamay. Pilit akong kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang bagay na ito.

'Nandito na tayo, Sandra. Gagawin ko ang lahat kahit mapahiya pa ako.'

"Sir, tutal naman kinuha mo na ang lahat sa akin, baka naman pwede mo kong bigyan ng pera," Matapang kong wika. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Muli akong lumunok at nagpatuloy sa pagsasalita, "nasa ospital ang nanay ko at kailangan niya ng pera para sa mga session niya."

Huminga naman nang malalim si Lucas, mariing pumikit at hinagod ang kanyang sentido, saka nilagay ang hawak na cellphone sa bulsa niya.

"Look, don't involve me in your problems, okay?"

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, nagsimula siyang lumakad at sinundan siya ng kanyang mga bodyguard. Tila nawalan naman ako ng pag-asa nang mapagtantong ayaw niya akong pakinggan at tila hindi niya ako matutulungan.

Hanggang sa maalala ko ang papel na hawak ko. Nanginginig ang aking kamay nang itaas ko ito sa ere.

"Buntis ako at ikaw ang ama, Lucas Montenegro!" sigaw ko.

Napasinghap ang mga taong nakarinig ng bagay na aking sinabi, saka nagsimulang magbulungan. Huminto sa paglalakad si Lucas at nang lalaki ang mga matang bumalik nang tingin sa akin.

"What? Anong kalokohan ang sinasabi mo?" aniya.

Binuksan ko ang hawak kong envelop saka kinuha ang ultrasound at iba pang papeles na nagpapatunay na buntis ako. Hinagis ko ito sa kanyang harapan dahilan upang ito ay bumagsak sa sahig.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang mga ito. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang hitsura nang masulyapan nito ang fetus na nasa ultrasound.

"Naniniwala ka na ba?"

Impit na tumawa si Lucas na tila hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa maya-maya lang, napasinghap ako nang tapakan niya ang mga papeles na nasa kanyang paahan.

"Pathetic! Nagpapatawa ka ba?" sigaw ni Lucas. "Leave my building, now!" aniya saka diretsong lumakad palayo sa aking kinaroroonan.

Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi habang tinatanaw ko ang kanyang likod palayo sa aking kinaroroonan.

"Lucas! Lucas!" sunod-sunod kong sigaw na halos mapatid na ang aking litid.

Tila nanlambot ang aking mga tuhod dahil sa kawalan ng pag-asa sa mga bagay na nangyayari. Napaupo na lang ako sa sahig habang hinahayaan ang mga taong pagbulungan ako habang tinitingnan sa malayo. Ang iba ay kinukuhanan pa ako ng litrato ngunit wala na akong pakialam dito.

"Ma'am, you can step outside the building po tulad ng utos ni Sir Lucas," wika ng isang guwardiya na lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking braso at inalalayan akong tumayo dahil nakatulala lang ang aking mga mata. Mariin kong pinahiran ang aking luha at huminga nang malalim.

"Kaya kong lumakad, kuya," wika ko sa guard at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Nagsimula akong lumakad at kinuha ang mga papel na nasa sahig – ang ultrasound ng anak ko na kanina ay tinapakan lang ng walang puso niyang ama.

'I guessed dito na natatapos ang pagpapakatanga ko,' wika ko sa sarili saka nagpatuloy sa paglalakad at lumabas ng gusali na iyon.

***

Bagsak ang aking balikat nang bumalik ako sa ospital. Nakatulala lang ang aking mga mata at iniisip kung paano at saan na kami kukuha ng pambayad dito.

Sa pagpasok ko sa ward kung saan naroon si nanay, umupo ako sa kahoy na upuang nandoon at nanatiling tulala.

"Oh. Anong nangyari sa lakad mo?" bungad na tanong ni tatay.

"Wala po, tay. Eh. Hindi po siya naniwala."

"Siraulo pala 'yong lalaking 'yon eh!" inis na wika ni tatay. "Ako ang pupunta sa kanya bukas."

Agad akong napatingin kay tatay dahil sa kanyang binabalak.

"Tay! 'Wag na po, baka mas lalong gumulo," pagmamakaawa ko.

"At ano? Hahayaan mo na lang 'yon?"

"Tay, ayoko nang mamalimos ng awa sa iba. Durog na durog na ko, tay."

Naramdaman ko ang paggapang ng luha sa aking pisngi nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Natigilan naman si tatay nang makita niya kung gaano ako naghihinagpis sa mga nangyayari sa akin.

Huminga siya nang malalim saka napakamot na lang ng ulo. Maya-maya lang, lumakad siya at lumapit sa akin, saka umupo sa aking tabi.

"Tahan na..." malambing niyang wika.

Naramdaman ko ang kamay ni tatay sa aking balikat. Sumandal ako sa kanya at kahit paano, nawala ang mabigat na nararamdaman ko.

Lumipas ang dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon. Lubusan kaming nasimot ni tatay, nagdesisyon kaming ilipat si nanay sa ibang ospital ngunit hindi rin kami maaaring i-discharge dahil wala kaming pambayad. Sa mga panahong ito, wala akong ibang magawa kung hindi ang magdasal.

***

Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ni nanay habang si tatay ay sinusubuan siya ng pagkain. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa.

Makalipas ang ilang sandali, sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang pumasok ang doktor sa loob ng aming kinaroroonan.

"Doc, may problema po ba?" nag-aalala kong tanong.

"Wala naman po, Ms. Sandra. May gusto lamang akong sabihin." Mariin akong napalunok at kinabahan sa bagay na ito. "Ms. Sandra, wala na po kayong dapat ikabahala sa hospital bills. Wala na po kayong dapat bayaran at maaari na rin po kayong makalabas ng ospital."

"H-Ha?"

Nagkatinginan kami nina tatay at nanay nang marinig ang balitang iyon. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil dito.

"S-Sino po ang mabuting nagbayad ng bills namin, Doc?"

"Si Sir Montenegro po, ang may-ari ng ospital na to. Nagbilin siya na huwag na kayong singilin at ibigay ang mga kailangan nyo."

Napasinghap ako dahil dito, hindi ako makapaniwala sa sinabi ng doktor at halo-halong tanong ang tumatakbo sa aking isip.

"Seryoso ba 'yan? Kung ganoon, naniwala ba siya sa 'kin?"

Matapos kong sabihin ang bagay na iyon, ilang nakaitim na mga lalaki ang pumasok sa loob ng silid kung saan kami naroroon.

"A-Anong kailangan nila?" kinakabahang tanong ni tatay.

"Ms. Sandra Montes, sumama ka sa 'min. Gusto kayong makausap ni Sir Lucas."

Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso at nanlaki ang mga mata sa gulat.

Alam kong ito ang nais ko. Nais kong makilala niya ang batang nasa sinapupunan ko, ngunit bakit tila, iba ang pakiramdam ko rito?...

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Naku! Kunin nia sau Yong bata sandy wG ka pumayag
goodnovel comment avatar
Edna Velasco Borlasa
pls NXT chapter pa open na
goodnovel comment avatar
Jaden Mylene Sian
update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status