Sandra's POV
"Yes, Hon. Ngayong gabi lang. Tutal naman ikakasal na tayo next week. Nag-book ako ng room, sunduin mo na lang ako roon after ng work mo."Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ng aking puso sa mga oras na ito. Sa wakas ay ikakasal na rin ako sa lalaking pinakamamahal ko – si Mico Salvador."Sige, Hon. I love you," matamis kong pagbitiw sa salitang iyon bago ko ibaba ang telepono.Habang ako ay nakatanaw sa labas ng bintana, ang mga ilaw ng nakakasalubong naming sasakyan ay nagbibigay liwanag sa aking mukha na ngayon ay may ngiti. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest ng upuan dito sa loob ng taxi na sinasakyan ko, saka ako sandaling nagpahinga.Ngayong gabi ay nagdesisyon akong pumunta sa isang bar at mag-party. Nais kong sulitin ang huling linggo ng aking pagkadalaga dahil sabi nga nila, sa oras na ikaw ay mag-asawa, magsisimula nang magbago ang lahat sa buhay mo, kaya nagdesisyon akong sulitin ang gabing ito bago ikasal."Ma'am, nandito na po tayo."Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig kong magsalita ang driver ng taxi. Ngumiti ako sa kanya at binigay ang bayad."Salamat, kuya!" pagpapaalam ko saka lumabas mula sa loob.Napangiti ako nang makita ang naggagandahang ilaw sa paligid at nagkakasiyahang mga tao sa loob ng bar. Pansamantala kong nalimutan ang problema habang nakasilay ang ngiti sa aking labi.Dali-dali akong pumasok sa loob ng bar at nakisaya sa mga taong nandoon. Uminom ako ng alak at sumayaw sa dance floor. May mga lalaking lumalapit sa akin ngunit agad akong lumalayo sa kanila."Sorry, I'm taken," anunsyo ko sa mga lalaking nagtatangkang lumandi, saka ako lumalayo sa mga ito."Wooh! Let's party!" sigawan ng mga tao sabay sa pagtaas nila sa baso na nasa kanilang kamay.Nakisigaw ako at nakisaya. Indeed, it was a great night at hindi ako nagsisising maranasan ito.Sa paglalim ng gabi, doon ko naramdaman ang pagkahilo dahil sa mga nainom ko. Nagkamali yata ako ng tantya sa mga bagay. Tila marami akong nainom dahil ramdam ko ang paggalaw ng sahig na aking tinatayuan.Sandali akong umupo sa sofa na nandoon at sinandal ang likod. Tiningnan ko ang cellphone ko at alas-dose na pala ng gabi, baka tapos na rin ang trabaho ni Mico at hinihintay na ako sa hotel.Marahan akong tumayo at kahit nahihilo, pilit kong nilakad ang aking mga paa. Sa kabilang building lang naman kasi ang hotel na kinuha ko.Pagewang-gewang pa akong naglakad sa hallway ng hotel, hanggang sa maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa silid. Agad akong humiga sa kama ngunit kahit nakahiga, ramdam ko pa rin ang paggalaw ng paligid dahil sa espirito ng alak. Naparami talaga ang inom ko at halos wala na ako sa sarili. Maya-maya lang, tuluyan akong nakatulog.***Isang mainit na palad ang nararamdaman kong gumagapang sa aking katawan. Sandali palang akong nakatutulog kaya ramdam ko pa rin ang epekto ng alak.Binukas ko nang kaunti ang talukap ng aking mga mata at tumambad sa akin ang isang lalaki na nasa ibabaw ko. Hindi ko man maaninag ang mukha niya dahil against the light ang ilaw at may kadiliman ang kwarto, isa pa, nahihilo ako at malabo ang paningin. Ngunit alam ko pa rin na ito ang fiancé kong si Mico. Wala namang ibang nakakaalam ng room number ko."Kanina ka pa ba, Hon?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot.Tila hindi niya ako narinig dahil muli kong naramdaman ang paglakbay ng kamay niya sa aking katawan. Alam ko ang nais gawin ni Mico at tila nararamdaman ko na rin ang init na nagsisimulang lumabas sa akin. Ngunit nangako kami sa isa't isa na iingatan ang pagkabirhen ko hanggang sa araw ng kasal.Maya-maya lang, naramdaman ko ang mga labi ni Mico sa ibabaw ng aking dibdib, tila sinakop ng kakaibang pakiramdam ang aking isip at tuluyan akong nawala sa sarili.Kung ito ang nais ng aking fiancé, hindi ko ito tututulan. Ibibigay ko ang sarili sa lalaking mahal ko.Nagsimulang lumalim ang gabi at tuluyan na ring naging isa ang aming katawan. Ibinigay ko ang sarili sa lalaking nakatakda kong pakasalan, isang bagay na hindi ko pinagsisisihan.Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Marahil ay dala na rin ng epekto ng alak kaya agad na rin akong nilamon ng antok.***KINABUKASAN, tumama ang liwanag na sumisilip mula sa bintana, dahilan upang magising ang aking diwa. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng aking mga mata, noong una ay malabo ang aking paningin hanggang sa unti-unti itong lumilinaw.Nang tuluyan kong makita ang mukha ng lalaking katabi ko, mabilis na tumibok ang aking puso at nanlaki ang mata.Agad akong napatayo at kinuha ang kumot upang itakip sa aking katawan."S-Sino ka?!" sigaw ko sa lalaki, dahilan upang siya ay magising.Umupo siya at kumusot ng mata, saka ito tumingin sa akin."Ikaw ang sino? Humiga ka na lang sa kama ko nang walang pahintulot," aniya.Napasulyap ako sa kama at nakita ang bahid ng dugo na nandoon. Noon ko naramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. Nagsimulang gumapang ang maaalat na luha sa aking pisngi. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinaghahampas ang kanyang dibdib."Hayop ka! Anong ginawa mo sa 'kin?!""Hey! Stop it!"Marahas niyang pinigilan ang aking kamay at hinawakan ito nang mahigpit. Nais ko siyang saktan ngunit malakas ang kapit niya sa kamay ko."Room service."Sabay kaming napalingon ng lalaking kasama ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Maging ang babaeng nagbukas ay nagulat sa kanyang nakita."S-Sorry sa istorbo, Sir," aniya saka akmang isasarado ang pinto.Ngunit hindi pa man niya ito naisasara, isang lalaki ang aksidenteng napasilip sa loob ng aming kinaroroonan."Sandy?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang isang pamilyar na tinig."A-Anong ibig sabihin nito?"Agad akong tumingin sa pinanggagalingan ng tinig at tumambad sa akin ang naguguluhang mukha ni Mico. nakatayo siya sa may pinto habang dahan-dahang lumalakad papasok sa loob ng silid kung saan ako naroroon. Mabilis akong lumapit sa kanya habang mahigpit na hawak ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan."M-Mico, let me explain," wika ko sabay sa pagpatak ng mga luha."Sino siya? Bakit ka nandito sa ibang kwarto? That's why you're not in your room last night?"Pilit na kinakalma ni Mico ang sarili ngunit halata sa kanyang tinig ang panginginig sa galit."I-It was a mistake, Mico," basag ang tinig kong saad.Hinawakan ko ang kanyang kamay at nilagay sa aking pisngi, saka pilit kong pinapaliwanag ang lahat. Ngunit napasulyap si Mico sa kama at nanlaki ang mga mata. Nakita niya ang pulang marka na naiwan sa puting tela.Ito ang unang beses na makita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. Tila nilamon siya ng galit at wala na siyang naririnig sa mga bagay na sinasabi ko."Aah!"Malakas akong napasigaw nang marahas niyang tanggaling ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi, dahilan upang matumba ako sa sahig."Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa 'kin to!"Muli akong napatingin kay Mico nang marinig ang sigaw niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa aking isip ang sitwasyong kinalalagyan ko. Ngunit habang naririnig ko ang sigaw ni Mico, sunod-sunod naman ang pagpatak ng luha sa aking mata. Hindi ko mahanap ang sasabihin dahil maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari."M-Mico, n-nagkakamali ka," nauutal kong wika saka pilit na inaabot ang kamay niya."We're done!"Ang mga salitang iyon ay ang huling katagang narinig ko mula sa lalaking nakatakda sana akong pakasalan.Mabilis na lumakad si Mico palayo sa aking kinaroroonan, saka ito lumabas ng silid. Wala akong nagawa kung hindi ang tanawin siya mula sa kinauupuan ko. Nanginginig ang aking mga paa at tila walang lakas."What a scene," walang ganang wika ng lalaking kasama ko ngayon sa kwarto.Lumakad siya at kinuha ang mga damit ko na nasa sahig, saka ito nilapag sa aking harapan."I guessed this was a mistake, ha?" aniya na nakangisi pa, tila natatawa sa mga bagay na nasaksihan niya kanina."Bakit mo ko pinagsamantalahan?" wika ko saka mariing kinuyom ang kamay."Pinagsamantalahan?" tugon niya saka ngumisi.Matapos iyon, kinuha niya ang kanyang cellphone, nag-dial ng numero at may tinawagan. Ilang sandali lang, matapos ang tawag na iyon, ilang lalaking naka-suit ang dumating sa loob ng silid at hinawakan ang aking braso."Bitiwan nyo ko!" pagpalag ko sa mga ito."Get your clothes and leave my room," malamig na utos ng lalaking iyon.Nagsimula siyang lumakad patungo sa washroom. Inalalayan naman ako ng mga lalaking naka-suit palabas ng silid at hinatid ako sa tamang silid kung saan dapat ako natulog kagabi.Pakiramdam ko ay gusto ko nang lamunin ng lupa at mawala na lang sa mundong ito. Nawala na ang bagay na iniingatan ko, nawala pa ang lalaking pinakamamahal ko.Sandra's POVNAMAMANHID ang aking tuhod at halos masunog na ang balat dahil sa init ng araw, ngunit ang mga bagay na ito ay hindi ko ininda.Nakaluhod ako ngayon sa harapan ng main building ng kompanya ng aking fiancé na si Mico. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga tao ngunit wala na akong pakialam, kailangan kong magpaliwanag. Kailangan kong humingi ng tawad sa lalaking mahal ko."Siya 'yong fiancé ni Sir Mico, hindi ba?""Oo, yata? Nabaliw na ba siya? Bakit siya nakaluhod sa semento, ang init-init?"Narinig ko ang bulungan ng mga empleyado na ngayon ay lumalakad papasok ng gusali. Halos lahat sila ay napapatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Kahit ganoon, mariin na lang akong lumunok at binabaliwala ang mga bagay na kanilang sinasabi."Tumayo ka nga diyan! Ano bang kalokohan ang ginagawa mo?" bulyaw ni Mico na ngayon ay naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha nang sa wakas ay makita ko siya. Sinubukan kong tumayo ngunit nang
Sandra's POVMARIIN kong tinakpan ang aking labi nang makita ang dalawang pulang guhit na nasa pregnancy kit. Nagsimulang gumapang ang maaalat na luha sa aking pisngi nang makita ko ito."F*ck! Hindi to totoo, 'di ba?" inis kong wika sa sarili sabay sa mariing pagsuklay sa aking buhok. "Anong gagawin ko?"Yumuko ako sa loob ng cubicle kung saan ako naroroon. Pakiramdam ko ay binagsakan na ako ng langit at lupa. Tila sinusubok ang aking tatag dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon."Be, ano nang balita?" tanong ni Jennie sabay sa pagkatok niya sa pinto ng banyo."Be... positive," basag ang tinig kong tugon sa kanya.Humagulgol ako ng iyak nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. 'Paano ko to sasabihin kanila nanay? Paano ko ito paninindigan? Hindi naman kami mayaman at siguradong ikagagalit na naman ito ni tatay.'Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Jennie. Maya-maya lang, nagdesisyon na rin akong lumabas mula sa loob ng banyo.Sa aking pag
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw at nang tuluyan kong makumpirma na ang lalaking iyon nga ang ama ng aking anak. Kasama si nanay, naglakas loob akong sabihin ang bagay na ito kay tatay."Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman bangag ka na naman, Sandra?" natatawa-tawa pang wika ni tatay sa akin.Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sofa at tinitingnan ang litrato ni Lucas na ngayon ay naka-flash sa screen ng laptop na nakapatong sa lamesa."Tay, sigurado po ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa mukha ng lalaking 'yon," pagklaro ko sa kanya."E, 'di kung gano'n, puntahan na natin 'yan at singilin. Bilyonaryo pala ang tatay ng batang 'yan, e," natutuwang wika ni tatay saka tumayo.Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso saka siya pinigilan."Tay, naman," wika ko sa kanya."Oh, bakit? Hindi ba dapat lang singilin natin siya sa danyos na ginawa niya? 'Yan, oh! Nag-iisang tagapagmana pa 'yang bata na nasa tiyan mo."May halong inis ang tinig ni tatay. Hindi ko naman siya masis
Sandra's POV"H-HINDI mo ba ako natatandaan?"Tiningnan akong mabuti ni Lucas saka nagsalita."No. Should I?"Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa palapit sa kanya, ngunit agad na akong hinawakan ng mga bodyguard at tila hindi ako hinahayaang makahakbang pa nang isa."Miss, diyan ka lang," saad ng isang lalaki."A-Ako 'yong nagkamali ng pasok sa kwarto mo noong nakaraan pang linggo tapos–""I get it! I get it! Anong kailangan mo?"Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang tila naalala ako ni Lucas nang banggitin ko iyon. Tinaas niya ang kanyang palad, ito ay nagbigay hudyat sa mga bodyguard na bitiwan ako.Mariin akong lumunok at kinuyom ang kamay. Pilit akong kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang bagay na ito.'Nandito na tayo, Sandra. Gagawin ko ang lahat kahit mapahiya pa ako.'"Sir, tutal naman kinuha mo na ang lahat sa akin, baka naman pwede mo kong bigyan ng pera," Matapang kong wika. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Muli akong lumun
Sandra's POVMATAPOS naming maayos ang lahat ng dapat asikasuhin sa ospital at mga papeles na kailangan ibigay rito, nagdesisyon na kaming umuwi. Sinigurado kong maayos sina nanay sa bahay, saka ako bukal sa loob na sumama sa mga lalaking tauhan ni Lucas.Sumakay ako sa kotse nila. Halong kaba at pagkagulo ng isip ang bumabalot sa akin ngayon.Maya-maya lang, dumating kami sa kompanya ng mga Montenegro, ito ang parehong gusali na pinuntahan ko noon kung saan hindi ako pinaniwalaan ni Lucas.Sinamahan ako ng mga tao ni Lucas patungo sa elevator at hinatid sa kanyang opisina."Sir Lucas, nandito na po si Sandra," anunsyo ng isang lalaki saka binuksan ang pinto.Kahit may kaba, sinimulan kong ihakbang ang aking paa papasok sa loob ng opisina.Nakita ko si Lucas na nakaupo sa isang leather swivel chair. Nakapalumbaba siya at may matalas na tingin sa akin.Halos tumalon ang aking balikat nang isara ng mga lalaking iyon ang pinto ng opisina.Mariin akong lumunok at muling lumakad palapit sa
Sandra's POVTULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad
Sandra's POVNANGINGINIG ang aking kamay nang sagutin ang tawag na ito."Sandy, how are you?" panimulang wika ni Mico mula sa kabilang linya.Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang tinig niyang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang paglundag nito."M-Mico?" nauutal ko pang wika sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Sa wakas ay nakausap din kita.""M-Mico, pinapatawad mo na ba ko? Na-realize mo na ba na it was just a mistake?""I'm sorry, Sandy. Hindi ako tumawag dahil diyan." Tila umurong ang aking dila nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Tumawag ako dahil gusto kong malaman ang totoo."Mariin akong napalunok habang pinakikinggan ang mga bagay na kanyang sinasabi."Tell me, si Lucas Montenegro ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagtugon sa kanya. Mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata at mariin kong tinakpan ang aking bibig.Sinasabi ko na
Sandra's POVMABILIS kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kanya."M-Magdamit ka nga!" sigaw ko sabay sa pamumula ng aking mukha na animoy kamatis."Kwarto ko to kaya gagawin ko kung anong gusto ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya."K-Kala ko kasi kwarto ko," nauutal kong wika habang naka-face the wall.Narinig ko ang kanyang pagngisi."Kalokohan! Baka gusto mo lang talagang makita ang katawan ko.""Ang kapal mo, ha!"Humarap ako sa kanya dahil sa inis na sana ay hindi ko ginawa, dahil muli kong nasilayan ang kanyang katawan."Ah! Bastos!" sigaw ko.Otomatikong kumuha ng kahit anong gamit ang aking kamay sa may lamesa na katabi ko at akmang ibabato ito sa kanya. Ngunit hindi ko pa man iyon nabibitiwan, nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay upang pigilan ako."Are you crazy? Are you trying to kill me?" inis niyang wika.Noon ko lang napagtanto na flower-vase pala ang aking hawak at kung natuloy ang paghampas ko sa kanya nito, baka