Sandra's POVNAKANGITI ang aking labi habang minamasdan ang ngiti sa labi ni Levi. Kasalukuyan siyang naglalaro sa park gamit ang kanyang bisikleta. Naka-alalay naman sina nanay at tatay sa kanya habang kami ni Gab ay nakaupo sa loob ng malaking tent na inayos namin kanina."Mommy, tingnan mo ko. Kaya ko na walang hawak!" masayang sigaw ni Levi habang nagpapasikat sa amin."Diyos ko po, Levi! Humawak ka nga!" nag-aalalang sigaw naman ni nanay."Mami La, I can do this. Brave na po ako!" matigas ang ulong saad ni Levi."Careful, Levi!" sigaw ko mula sa kinaroroonan namin ni Gab."I will, mom!"Muli akong tumawa nang ipadyak ni Levi ang kanyang paa at nagsimula na namang magpatakbo ng kanyang bisikleta. Halos-hingal takbo namang humahabol sina nanay at tatay sa kanya. Matigas talaga ang ulo nitong anak ko pagdating sa paglalaro. Napapailing na lang ako sa habang minamasdan siya, saka pinipigilan ang sunod-sunod kong pagtawa."Pasaway talaga itong si Levi," hindi naiwasan kong bulong."Ma
Sandra's POVNABABALOT ng kakaibang amoy ang paligid. Napakunot ang aking noo dahil sa amoy ng gamot na nananatili sa aking ilong."Anak, gising ka na ba?" narinig kong sabi ni nanay.Maya-maya lang, unti-unti kong ginalaw ang aking katawan at marahang binuksan ang talukap ng aking mga mata."N-Nay?" nauutal kong wika saka hirap magsalita.Marahan kong nilubot ang aking paningin. Noong una ay malabo hanggang sa unti-unti itong lumilinaw."Bakit ako nasa ospital?" muli kong tanong.""Hinimatay ka kanina, Anak. Bakit ba ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni nanay.Maya-maya lang, sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Niluwa ng pintong iyon ang doktor sa ospital na ito. Lumapit siya sa amin habang hawak ang ilang papel sa kanyang clipboard paper."Good day, Ms. Sandy. I'm your assigned doctor. You feeling better?" tanong sa akin ng doktor.Nang tuluyan siyang makalapit sa aming kinaroroonan. Hinawakan niya ang balikat ni nanay na nooy nababakas ang pag-aalala sa mukha.
Sandra's POVNANG masigurado ng doktor na maayos na ang lagay ko at pinirmahan na niya ang mga papeles sa ospital, pinayagan na rin kaming umuwi.Napabuntonghininga na lang ako nang makarating kami sa bahay. Ilang araw palang kaming narito ngunit sunod-sunod na ang mga nangyayari. Sunod-sunod na rin ang mga bagay na nalalaman ko na sa tingin ko, pagsisisihan ko sa huli.Kinuha ko ang mga papeles na nakapatong sa aking kama, saka muling lumabas ng aking silid."Anak, sigurado ka bang papasok ka na sa trabaho? Baka naman kung mapaano ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni nanay."Opo, nay. Ayos na po ako at sa tingin ko, lalo lang akong made-deppress kung mananatili ako rito sa bahay, dahil wala rin naman akong ibang gagawin kung hindi ang mag-isip," paliwanag ko sa kanila.Lumapit sa akin si nanay at hinawakan ang aking kamay. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala niya sa akin at ramdam ko ito."Anak, hindi ba sinabi na namin na kung ano man ang mga bagay na iniisip mo, pwede mo itong
Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i
Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h
Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a