Panay ang haplos niya sa aking bisig habang nakahilig sa aking balikat. 'Ay sus nagpapalambing. Hinayaan ko na lang, pakunswelo na rin.
"Ako lang ba Beh ang gumagawa sa ‘yo nito? Wala ng iba? Kunwari si Emerson gano'n… Haaay isa akong kawawang single." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Itong si Jamie tinutulak akong umasa, tapos aasa rin ako, sa huli nganga.
Pinangungunahan ko na, ayaw ng masorpresa.
"'Wag nga 'yang pag-usapan," ani ko.
"Bakit naman? Kilig ka?"
Patuya kong inalis ang nakakapit niyang kamay. Nang mabasa ang kilos ko, mas lalo niyang idiniin ang katawan sa akin.
Ano bang nangyayari sa babaing ito? Tinutopak yata.
"Seryoso 'di na'ko natutuwa—aray"
Napangiwi ako nang may marahas na sumagi sa aking kaliwang balikat. Aba hindi man lang lumingon at humingi ng pasensya!
Kaya naman pala...
Tutok ang lalaki makipag-unahan ng puwesto sa tricycle. Nang maka-upo na siya sa bubong nito, umuki
Agosto 31, 2017 Huwebes, 12:48 p.m "Lapit pa nang kaunti Dzai, mata mo lang 'yong nakikita eh." Idinikit ko pa ang sarili kay Mirna, nasasagi na ng aking tiyan ang braso niya. "1 2 3 smile!" Pilit akong ngumiti. Saan ba dapat tumingin? "Ulit! Nakapikit ka Beh oh." Iminuwestra sa 'kin ni Jamie ang cellphone niya. Nyemas ang dugyot ko do’n. Nabibigyang-diin ang kayumanggi kong balat at gulo-gulong buhok. "Burahin mo 'yan, ayoko na." Kanina pa sila nagpi-picture, palitan sa magpo-pose at kukuha ng larawan. Prente lang akong
Nakapangalumbaba kong sinundan ng tingin ang pagsalubong ni Nanay sa paparating sa puwesto namin. Dalawang 'di katandaan na babae at tatlong may edad na lalaki, lahat sila ay nakasuot ng puting pang-itaas, agaw pansin din ang itim na ribbon na nakasabit sa kanilang mga damit.“Magdandang hapon po Ma'am, Sir” masiglang bati ni Nanay.Sumikdo ang aking puso.“Nay… Nakikiramay po kami. Kumusta po kayo? Ako nga pala Nay si Belleza ang Public Schools District Supervisor ng Pagmaya. Kasama ko po ngayon ang Schools Division Superintendent si Sir—”Iniwas ko ang atensyon sa kanila lalo na nang mahuli ng tingin ang interesadong mukha ni Nanay sa mga kaharap niya.‘Wag mo ng palaliman pa Elise. Magagalit ka niyan sa Nanay mo. Alam mo mismo ano ang naidudulot ng galit.Malalim akong napabuntonghininga. Isipin ko na lang na ang importante ay masaya si Nanay.Teka—ano
August 31, 2017 Pagkislap ng flash na nagmula sa kamerang hawak-hawak ng mga media ang pumalibot sa kabuuan ng lugar. Samut-saring mga sigawan, hikbi, at hagulgol ang nagsisilbing ingay rito. Ang umaalingasaw na amoy, ang nagkalat na sira-sirang mga bagay, at ang kawawang mga patay ay hindi nagpigil sa kanila na lumapit at tumangis. May unti-unting nawawalan ng pag-asa, may dahan-dahang lumalayo sa pananampalataya, may nasisirang pangarap, at may gumuguhong mundo. Kaya hindi sapat ang luha at paulit-ulit na pagsigaw upang maipalabas ang sakit. Walang katumbas na salita ang makapapantay sa nararamdaman nila ngayon, wala... Bagaman ang iilan ay hindi nag-atubiling tumulong upang agad-agad na maipadala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan, lalo na ang kanilang mga mahal sa buhay. Dahil ang araw rin na ito ay sumasalamin sa katotohanang, sa gitna ng trahedya, sarili mo at ang iyo
"Hayop ka Noel! Napakawalang hiya mo. Punyeta kang gago ka! Anong pumasok sa kukote mo't pumarito ka sa pamamahay ko!?" umalingawngaw ang boses ni Nanay sa halos patumba na naming bahay. Mula sa masikip na kusina, dali-dali akong tumayo at tumungo sa bungad, sabay punas ng harap at likod na parte ng aking kamay. Sino na naman ba ang kaaway mo Nay? Hindi ko tuloy matapos-tapos 'tong paghuhugas ng pinggan dahil maya't maya utos nang utos, at ngayon naman... Napabuntonghininga na lamang ako, normal na para sa akin ang araw-araw na mayroong kagalit si Nanay. Kaso hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil baka dumating sa punto na magkakasakitan na. Lalo na't madaling mapikon si Nanay. 'Yan nga ang isa sa mga rason kung bakit marami na siyang nakagirian. "Ang boses mo Emelda hinaan mo. Hindi mo ba nakikita na nagdadala ka ng iskandalo? Palibhasa wala ka kasing hiya kaya ka ganyan! Makapunyeta ka sa akin 'kala mo kung sino kang malinis!" Pati
Malakas kong sinisipa ang lahat ng batong mahahagip ng mata ko. Pagkatapos ay guguluhin ang buhok at hihiyaw. Nyemas! Magkahalong pagsisisi at ginhawa ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil sana hindi na lang ako nagsalita, dahil wala namang kwenta kasi kahit katiting hindi siya naapektuhan. At ginhawa dahil kahit papaano nailabas ko 'yong nararamdaman ko. Pero kahit na! Nakakainis at nakakahiya talaga ako kanina! Tantiya ko ay maga-alas sais na nang ako'y umalis doon. Kaya ngayon nag-aagaw na ang dilim at liwanag habang naglalakad ako pauwi. Dugyot na dugyot na ako, 'yong uniform pa namin ay puti, mahihirapan na naman akong labhan ito. Ang sakit na rin ng balikat ko dahil sa matagal na pananatili ng bag. At hanggang ngayon damang-dama ko pa ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak. Nakaka-inis! Ba't ba kasi nagpahigit ako kay Manang Marj—ay isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, wala siyang konsiderasyon, kitang ayaw kong sumama, pipilitin niya a
"Huwag ako Beh, ine-echos mo 'ko e. Masyado naman kasing panteleserye 'yan... Pero 'di nga, totoo?" Nyemas parang ako ang hindi makapaniwala sa tagal niyang naproseso. "Paulit-ulit ka Jamie, nakaka-irita ka na kanina ka pa. Nananadya ka ba o bingi ka lang talaga?" singhal nitong katabi ko. Kung pagtabihin itong si Jamie na medyo tanga at si Mirna na pikon, ewan ko na lang. Mabuti na lang nandito ako para umawat. Naks! Pero kahit ganyan kaming tatlo, hindi kami umabot sa puntong nagkakasakitan na, maliban syempre sa paminsan-minsang pananampal at pambabatok—ekspresyon kumbaga. Nandito kami sa classroom, vacant time sa General Mathematics—na minsan lang mangyari. Dahil maraming ginagawa ang GM teacher namin, pinili niyang 'wag na munang magturo. Hinimok niya kaming gamitin ang oras na 'to para gawin ang mga activities sa ibang subject. Sus, dumaan lang 'yon sa mga tainga namin. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakaupo. Para kaming seryo
Dala marahil ng kahihiyan kaya nagawa kong tumakbo nang ganoon kabilis. Muntik pa akong mangudngud. Nyemas! Panibagong kahihiyan na naman ang nagawa ko. Ni hindi ko mawari kung nasaang lupalop na ako ngayon! Pagkatapos kong marinig lahat ng iyon, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lapitan silang dalawa. At no’ng nakita nila ako, kita ko sa mata ni Mishella ang gulat ngunit sa lalaking kasama niya, wala. Nakatingin lang sa akin gamit ang 'di mabasang emosyon. Palagay ko’y iyon pa ang nagpadagdag sa aking mga luha. Ang reaksyong nangbabalewala. Iyak ako nang iyak habang dinuduro ko sila. Tangina hanggang duro lang ang nagawa ko, hindi kayang lumabas ang mga kinikimkim kong salita. Nilulunod ng aking iyak ang gusto kong sabihin. Nanggigigil akong sumbatan sila pero hindi ko alam kung paano, hindi ko kaya. Ang tanging makapaglalabas ng nararamdaman ko ay luha. Kasabay niyon ang panginginig ng aking mga tuhod at labi dahil lumukob sa buong kata
"Si Noel Santana 'di mo kilala ‘yon? ‘Yong dating asawa niya ba eh nakatira doon sa gilid ng pader ng mga Alkazaren? Asus imposibleng 'di mo kilala ‘yon." "Gano’n ba? Eh Ebeng alam mo namang bagong lipat pa lang kami rito ng ampon ko, kaya 'di pamilyar sa akin iyang si Noel Sa... Sata—ano nga ulit ‘yon?" "Santana, Noel Santana nga Bresyang. Bali-balita na nagpunta siya sa dati niyang asawa na si Emelda. Nakikipagbalikan na raw siya at pinilit na lumuwas sa ibang lugar, kesyo itong si Emelda, mapili at maldita ayon umayaw!" "Totoo? Pero kung sa 'kin lang Ebeng, aba 'di na ako magdadalawang-isip payag na 'ko agad. Tiyak ang pag-alis sa lugar na ito ay susi sa maginhawang buhay kaya ba't naging ganon ang desisyon ni... ‘Yong babae." "May punto ang sinabi mo Bresyang, maging ako ay 'yan din ang gagawin. Pero bahala na sila sa buhay nila, problema na nila 'yon." Isa lang iyan sa i