Share

Chapter 37

Dinala ako ni Lorenzo sa art gallery at art museum. Pagkatapos ay kumain kami sa mahahaling restaurant. Pagkatapos namin kumain ay dinala niya ako sa mga tourist spot katulad na lang ng magandang lake na hindi ko pa nabibisita.

Mabilis na lumipas ang oras at hapon na. Nandito kami ngayon sa harap ng dagat ni Lorenzo habang magkahawak kamay. Sabay namin pinanuod ang paglubog ng araw na sobrang ganda pero nakaramdam din ako ng kalungkutan dahil panandalian lamang masisilayan ang kagandahan nito.

"Alam mo ba na hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito," bigla niyang sabi sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko mapagilan na mapangiti at kiligin dahil sa atake ng kanyang mga salita. Hindi pa doon nagtatapos ang kanyang sinabi at nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita habang humarap sa akin at hinawakan ang parehong kamay ko.

"Jay, salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong sinabi mo na mahal mo ako. Binigyan mo ako ng lak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status