“Get out!” Parang kulog sa lakas ang tinig ng binata ng walang awa niyang sigawan ang kanyang private nurse na naghatid ng pagkain at mga gamot sa loob ng kanyang kwarto. Halos manginig sa matinding takot ang lahat ng mga kasambahay dahil sa bagsik ng binata. Malaki ang pinagbago ni Alistair, higit itong naging masungit at mabilis na mag-init ang kanyang ulo lalo na kapag nahuhuli niya ang isang tao na nakatingin sa kanya. Dahil para sa binata ay isang kalapastanganan iyon sa kanyang kondisyon.Halos wala ng makapasok sa loob ng kanyang kwarto dahil lagi na lang siyng pabulyâw kung magsalita o mag-utos. Umiiyak na lumabas ng silid ang Nurse habang patuloy sa panginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding takot sa binata. Napalingon ang lahat sa may hagdan ng maramdaman nila ang presensya ni Doña Amanda na kasalukuyang pumapanhik ng hagdan.“Anong nangyayari dito?” Nagtataka na tanong ng ginang sa mga kasambahay na nakahilera sa labas ng kwarto nang kanyang anak. Pawang mga nakayuk
“Napaka Gwapo talaga ng aking anak, mabuti na lang at nagmana ka sa akin.” Ani ni Matilda, ang ina ni Marco.“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito, Iho, siguraduhin mo na tuluyan ng mapupunta sa iyo ang buong kumpanya.” Maya-maya’y seryosong saad nito habang inaayos ang kurbata ng kanyang anak bago hinaplos ng palad nito ang kaliwang pisngi ng binata.Maagang naulila si Marco sa Ama at tanging silang mag-ina na lang ang nagdadamayan, mataas ang pangarap ni Matilda para sa kanyang anak kaya hinangad nito ang mas mataas na posisyon. Bata pa lang ay itinatak na niya sa isip ng kanyang anak na dapat ay sa kanya mapunta ang kumpanya ng kanilang Abuelo.“Huwag kang mag-alala, Mama, dahil ngayong araw mismo ay mangyayari ang nais mo.” Nakangiting sagot nito bago matamis na nginitian ang kanyang ina. Makikita sa magandang bukas ng kanyang mukha na tila inaasahan na niyang makamit ang labis na inaasam at iyon ay ang maging CEO ng isang dambuhalang kumpanya na kasalukuyang hawak ngayon n
Halos isang oras na ang lumipas ay nanatili pa rin sa loob ng conference room si Alistair, namumula na ng husto ang buong mukha nito dahil sa matinding galit. Labis siyang nasaktan sa naging pahayag ni Marco dahil sinampal siya nito ng isang malaking katotohanan na wala na siyang kakayahan na magkaroon ng anak.“Iho, huwag mong pansinin ang sinabi ni Marco dahil alam naman natin na sa una palang ay mainit na ang dugo ninyo sa isa’t-isa...” malumanay na pahayag ng kanyang ama bago idinantay ang isang kamay nito sa kanang balikat niya.“Totoo naman ang sinabi niya, Papa, maaaring mawala ang lahat sa akin, dahil wala na akong kakayahan na magkaroon ng anak. Kilala ko si Lolo, apo rin niya si Marco at batid ko na may tsansa na mapunta kay Marco ang kumpanya.” Walang gana kong saad habang nakatitig sa kawalan. Ngayon ko nararamdaman ang pagiging inutil ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Papa bago ito nagsalita.“Kung anuman ang maging desisyon ng iyong Lolo ay tanggapin
“Maganda na ba ‘yan sa paningin n’yo?” Matigas na tanong ni Alistair sa kanyang mga empleyado habang tahimik na nakayuko ang mga ito. Hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ng kanilang boss. “For almost one month ay ito lang ang maipapakita ninyo sa akin? All of you are wasting my time on this nonsense!” Parang kulog ang boses ng binata na siyang nagdulot ng takot sa dibdib ng bawat empleyado na nakatayo sa kanyang harapan. Pagkatapos sabihin iyon ay galit na ibinato niya ang may nasa sampung papel na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng drawing para sa mga bagong project ng kanilang kumpanya. Ang nais niya ay unique at walang katulad ang mga disenyo, simple man ngunit high class ang dating. Labis na naiinis ang binata dahil walang nakapasa kahit isa sa kanyang standard mula sa mga gawa ng kanyang empleyado.“May isang linggo pa kayo para bumuo ng mga bagong disenyo at kung hindi ninyo magawa ang mga pinagagawa ko sa inyo, then asahan n’yo na rin na ito na ang huling araw ni
Kinabukasan ay binulabog ang buong angkan ng mga Welsh dahil sa malaking eskandalo na naka-lathala sa isang news paper.“My ghod! Sinong walang puso ang nagpakalat ng walang kwentang balita na ‘to?” Nanggagalaiti sa galit na tanong ni Doña Amanda bago padabog na inihagis nito sa lamesa ang hawak na news paper. Halos namumula na ang buong mukha nito at pakiramdam niya ay umakyat na yata ang lahat ng dugo niya sa ulo. Maging si Don Manolo ay hindi na maipinta ang mukha ng mabasa ang nilalaman ng balita. “The CEO of the WELSH company has a secret affair with her cousin Melissa Miles, and according to sources Mr. Alistair Welsh is the father of her unborn child.” Ito ang laman ng lahat ng mga tabloid na may kalakip na larawan ng magpinsan na magkahalikan at mabilis itong kumalat sa social media. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono at kaagad itong sinagot ni Doña Amanda.“Melissa, kumusta ka na iha?” Nag-aalala na tanong nito sa kanyang pamangkin, labis siyang nabahala ng marinig na
“Ay!” Malakas na sigaw ng nabiglang si Thalia ng bumangga siya sa katawan ng isang matangkad na lalaki. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa kanyang harapan at huli na para maiwasan pa ito. Nabitawan niya ang hawak na basket kaya nagsabog ang kanyang mga pinamili sa kalsada at halos nabasag na ang lahat ng itlog kaya galit na hinarap niya ang magaling na lalaki.“Ginoo, nakikita mo ba ang perwisyong ginawa mo sa akin? For dios por santo kay lawak ng daan ngunit bakit kung maglakad ka ay tila pag-aari mo ang buong kalsada?” Nanggigigil na pahayag ng dalaga ngunit ang boses nito ay napakalambing na bahagyang may tono kaya kahit na sino yatang makarinig sa pagsasalita ni Thalia marahil ay iisipin nila na hindi siya galit.Nagdilim ang seryosong mukha ng lalaki at nilingon ang galit na dalaga ngunit saglit na natigilan ito at halos hindi na gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ilang segundo pa ang lumipas ay nakaramdam ng labis na pagkainip si Thalia ng hindi man lang sumagot ang lalaki bagk
Alistair Point of view "Isa na lang ang nakikita kong solusyon para matapos na ang lahat ng problemang ito, Alistair." ani ni Mama na siyang bumasag sa katahimikan naming lahat. Seven thirty na ng umaga at kasalukuyan kaming kumakain ng agahan.Nahinto ang akmang paghigop ko sa aking mainit na kape at muling ibinaba ang hawak kong mug bago bumaling kay Mama."What is it, Mama? ani ko habang matamang naghihintay sa susunod na sasabihin nito, maging si Papa ay lumingon sa kanya na tila interesado sa tinuran nito."kailangang maikasal kayo ni Ashley sa lalong madaling panahon, nakausap ko na si Samuel at hindi ka maaaring tumutol dahil nakalagay sa kasunduan ng mga Hernandez at ng Welsh family na sa oras na hindi tayo tumupad ay mapupunta sa kanila ang ating kumpanya. Silyado ang kasunduang iyon Iho, at ang kumpanyang pinag-aagawan ninyo ay kasalukuyang naka time deposit sa bangko ang mga dokumento nito. Sa pagkakatanda ko ay isang buwan na lang ang nalalabing panahon at sa oras na hind
"P-pakiusap, ayoko na, hayaan mo na akong makaalis…" ani ng babaeng pilit na magmakaawa kay Alistair ngunit walang pakialam ang binata at nanatili lang itong nakapatong sa babae habang nakatukod ang kanyang mga tuhod sa kama pati ang mga kamay nito. Nanginginig ng husto ang kanyang katawan at tagaktak na ang pawis sa mukha nito ngunit patuloy pa rin siya sa pag-indayog, sinisikap na maibsan ang init ng kanyang katawan. Halos ito na ang kadalasan niyang ginagawa, ang gawing parausan ang mga babae upang patunayan na hindi siya inutil. Nahihirapan na ang babae sa kanyang ilalim habang nakadapa ito at patuloy na nakikiusap na tigilan na siya nito. Ramdam ng babae ang bigat ng binata at pakiramdam niya anumang oras ay madudurog na ang kanyang mga buto. Pagkatapos ng ilang minuto ay pabagsak na humiga ang binata sa gilid ng babae, inabot ang wet tissue saka tinanggal ang condom mula sa kanyang alaga."Get out." Matigas niyang utos sa babae na parang akala mo ay isang basura lang sa kanyang