Share

Chapter 48

“Lael, wait!” Pagtawag ni Jeush kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

Nang makarating sa elevator ay mabilis koi tong isinara. Buti nalang talaga at walang ibang naroon. Puro hikbi lang ang ginawa ko. ‘Di man lang ako nakapaghanda na ganito pala katindi ang sakit na mararamdaman ko. Sana man lang nagawa kong ihanda ang sarili ko sa pagbabalik niya.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang binabaybay ko ang daan palabas ng kompanya. Pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan ko ngunit ipinagsawalang bahala ko lang iyon. Ang nais ko lang gawin ay makaalis sa lugar na ito.

My heart is pounding in tears. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko ‘wag lang maabutan ni Jeush.

Habang papalabas ay nanginginig ang mga kamay na nag-dial ako sa cellphone. Mabuti nalang at mabilis na sinagot si Marie ang tawag ko.

“B-Besh.” Nanginginig na wika ko pa na ikinasinghap nito sa kabilang linya.

“Reah, umiiyak ka ba? Anong nagyari sa’yo? Nasaan ka ngayon?” Nag-aalalang tanong pa nito. I wipe my tears a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status