"ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?"
Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos.
Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat.
Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon.
"Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala.
"Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na lang po ako mamaya," tugon ko nang hindi man lang siya nililingon. Bitbit ang sandals sa aking kamay ay naglakad ako papuntang kwarto.
"Aba! Malaki talagang magbigay ng tip ang grupo ni Lance! Mabuti naman at nasasanay ka na sa linya ng trabaho mo!" Bakas ang saya sa boses ni auntie. Para bang kilalang-kilala niya ang mga lalaking 'yon at madalas talaga silang nasa bar para mag-inuman at siguro'y mambabae para maaliw.
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni auntie dahil masyado na akong pagod para makipag-usap pa sa kanya. Nagpaalam akong magpapahinga na saka dumiretso sa aking silid. Sinarado ko ang pinto pagkapasok at walang kalakas-lakas na umupo sa gilid ng kama.
Natulala na lamang ako sa kawalan. Ilang segundo pa ay bumalik sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ng Zendejas na 'yon. Pumikit ako at lumunok ng husto.
Mali 'yon, Elle. . . Bakit ka nagpaubaya? Bakit hindi ka tumanggi gayong nasa wisyo ka naman para maiwasan 'yon?
Ang mga tanong na 'yon ang mas lalong nagpagulo sa sistema ko. Ni hindi ko mahagilap ang tamang sagot. Ang alam ko lamang ay naging mahina ako.
Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha at huminga nang malalim. Nagsisisi ako sa nangyari ngunit hindi maialis sa isip ang mukha ng lalaking 'yon!
"Elle, huwag mo nang uulitin 'yon. . . Ang tanga mo para hindi tanggihan ang lalaking 'yon. . ." sabi ko sa sarili ko.
Sa totoo lang ay ang bigat ng kalooban ko. Kasalanan na ngang kinalimutan ko ang prinsipyo at dignidad ko para kumita ng pera sa mabilisang paraan, heto at nagdagdag pa ako ng panibagong kasalanan.
Oo nga at hindi naman niya talaga ako ginalaw pero ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ko ang makipag-make out sa isang lalaking ni hindi ko naman kilala. Unang beses ko 'yon at hindi ko rin alam kung anong uri ng demonyo ang bumulong sa akin para magpaubaya na lang nang gano'ng kadali.
Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Bumaba ang tingin ko sa dala kong bag. Binuksan ko ang loob no'n at saka nakita ang perang binigay niya sa akin bilang tip sa serbisyo ko.
Bumuntong hininga na lamang ako at nanghihinang binilang ang pera.
Kwarenta mil.
Sarkastiko akong ngumiti at tinitigan ang mga pera sa aking kamay.
Ganito ba talaga? Mabilis ang pera sa pagkapit sa patalim? Ni hindi ako nahirapan na kumita nang ganito kalaki. . . Hinayaan ko lamang siyang halikan ako, hawakan at saglit na gamitin. . . Nakakatawa kung iisipin. Ako na rin itong nasarapan sa ginawa niya. . . Sa huli, ako pa 'tong swerte at nagkapera ng malaki.
Nanginig ang mga laman ko. Pinikit ko ang aking mga mata at mariing tinikom ang bibig.
Oo nga at mas madali ang pera kapag gano'n pero huwag mo nang uulitin, Elle. Hindi ka isang puta.
Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago idilat ang mga mata. Binuksan ko ang cabinet sa gilid ng kama. Naroon pa rin ang tatlong libo na kinita ko no'ng unang gabi ko sa trabaho. Nilagay ko roon ang kinita kong kwarenta mil at saka nagpasyang maligo para linisin ang katawan ko.
Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko.
Sagad sa dumi dahil kumapit sa nakakasukang trabaho. . .
°°°°
SUMAPIT ang panibagong gabi. Kagaya ng mga naunang gabi, hinatid ulit ni auntie Levi sa kwarto ang susuotin ko para sa trabaho. Ngayon naman ay isang itim na spaghetti strap dress ang pinasuot niya sa akin. May mga bagong gintong kwintas at porselas din siyang binigay sa akin na bumagay din sa damit.
Inayos ko ang sarili ko at piniling itali ang buhok. Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha at nang makuntento ay nagsuot na ng stilleto heels.
Nang matapos sa pag-aayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Para akong nalulunod at natutulala dahil hindi ko na makilala ang babaeng nasa salamin. Kumpara sa Elle na taga Sta. Barbara, ang Elle na nakikita ko ngayon ay mas kakaiba. . . Bagay na hindi ko masikmura.
Mariin akong pumikit nang maalala ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. . .
Bakit ba hindi ko maalis ang lalaking 'yon sa isip ko?
Umiling na lamang ako at sa huli ay dinampot ang bag sa kama para makaalis na kami ni auntie.
"Tumawag sa akin ang nanay mo. Tulog ka yata nang tumawag siya sa 'yo kaya sa akin nangumusta," sambit ni Auntie habang naglalakad kami papuntang terminal ng taxi.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng bawat lalaking makakasalubong namin. Hindi ko nagustuhan 'yon kaya naman yumuko na lamang ako.
"T-Talaga po? Ano pong sabi niyo kay nanay?" tanong ko, may bahid ng pag-aalala ang boses ko.
Alam ko namang tumawag sa akin si nanay kaninang tanghali at masakit man, sinadya kong hindi iyon sagutin dahil natatakot ako na kapag nagtanong siya tungkol sa trabaho ko ay baka bumagsak na lang ang mga luha ko. Natatakot ako na baaka masabi ko ang totoo. Hindi ko naman kayang maglihim kay nanay at alam din niya kung nagsisinungaling ako.
Ayaw kong mahuli. Hangga't maaari, ililihim ko 'tong trabahong pinasukan ko para makaipon ng pera.
"Of course, I said you were doing fine. Sinabi ko sa kanya na magaling ka sa trabaho at nasasanay na sa kalakaran dito sa Maynila," tugon ni Auntie at saka kumindat pa sa akin. "Huwag kang mag-alala, Elle. Hindi ko naman sinabi ss nanay mo na entertainer ka sa bar. Ang sabi sa kanya ay nagtatrabaho ka bilang waitress."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na pinagtakpan ako ni auntie Levi pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Siya lang ang pwedeng tumulong sa akin at totoo naman ang sinabi niyang mabilis ang pera sa bar. . . Tumango na lamang ako at sinundan siya nang sumakay ito sa naparang taxi.
Isa lang ang nasa isip ko habang nasa byahe. Iyon ay ang makaipon ng pera at makatakas sa maduming trabahong pinasukan ko.
Suminghap ako nang maalala ang nangyari sa amin no'ng lalaki kagabi pero agad ko ring tinigil ang pag-alala sa kung paano niya ako hinalikan at hinawakan. Bakit ba panay ang sagi niya sa isip ko?
Umiling na lamang ako.
°°°°
PAGKARATING sa bar ay dumiretso kami ni auntie Levi sa counter. May isang lalaking bartender ang naro'n at kinakausap si auntie. Pinanood ko lamang sila habang naghihintay. Parang kinikilig na bata ang tiyahin ko sa kausap. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Ang totoo niyan ay dalaga pa si auntie. Kumpara kay nanay na maagang nagpakasal kay tatay, si Levitia Carreon naman ay nanatiling dalaga kahit lagpas kwarenta na ang edad. Maganda siya at may nakakaakit na katawan. Hindi ko alam kung wala lang talagang nanliligaw sa kanya o sadyang ayaw niyang mag-commit sa isang relasyon. Umiling na lamang ako.
"Elle, try this!" tawag niya sa akin at iniabot ang isang shot glass na may lamang kulay asul na alak. Tinanggap ko naman 'yon.
May munting apoy ang alak kaya napakunot ang noo ko. Narinig ko naman ang pagtawa nina auntie pati no'ng lalaking bartender.
"Hipan po muna saka mo inumin!"
"Safe po ba 'to?" nag-aalala kong tanong.
"My goodness, Elle! Safe 'yan at masarap!" kumindat pa si auntie sa akin.
Huminga ako nang malalim at ginawa na lamang ang gusto ng tiyahin ko. Hinipan ko muna ito para mawala ang apoy at nang mawala ay inamoy ko naman ang ito. Masyadong matapang dahilan para mapalunok ako.
Dahil na rin sa pangungulit ni nila ay ininom ko na ang alak ng tuluyan. Napahawak ako sa lalamunan ko at napaawang ang labi.
Pakiramdam ko ay nasusunog ang lalamunan ko sa init na hatid ng alak. Napakatapang no'n at sobrang pait! Mabilis na bumaba ang kakaibang init hanggang sa aking tiyan.
Tumawa sina auntie at ang bartender samantalang hindi ko naman maintindihan ang pakiramdam ng katawan ko. Bigla akong nag-init at pinagpawisan dahil sa alak na 'yon!
"How is it, my pamangkin? Ang sarap, 'no?" Humagikhik pa si auntie Levi.
Umiling na lamang ako at nag-iwas ng tingin. Dumako ang mga mata ko sa paligid. Mukhang kaunti lang ang customers namin ngayon. Tiningnan ko isa-isa ang bawat mesa sa bandang gitna pero wala akong pamilyar na mukha na nakita.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ko ba hinahanap ang lalaking 'yon? Dapat nga ay magpasalamat ako na wala siya rito!
Napatingin ako sa itaas kung saan ang second floor. May mga customers na nakasandal sa railings at mga nagsasayaw pero wala pa rin akong nakitang pamilyar na mukha.
Napapikit ako at hinilot ang aking sintido.
Para kang tanga, Elle.
"Elle, chill ka lang muna, ha? Wala pa tayong big time customers kaya hintay ka lang diyan," sambit pa ni auntie Levi kaya bumaling ako sa kanya. "Hoy, Bart! Bigyan mo pa nga ng alak 'tong pamangkin ko. Para mas lumakas ang loob!"
"Sure, Levi. Ikaw pa ba ang pahihindian ko?" matamis na tugon no'ng bartender.
Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero halatang may gusto 'yong lalaki sa tiyahin kong pasaway.
Naupo na lang ako sa isa sa mga upuan sa counter at tinanggap ulit ang alak na binigay sa akin. Oo nga at hindi masarap ang lasa no'n at masakit sa tiyan pero tama si auntie na kailangan ko nito para lumakas ang loob ko.
Baka sakaling kapag nalasing ako ay kumapal na rin ang mukha ko. Mas makapal ang mukha, mas malaking pera.
Ininom ko ang pangalawang alak. Para hindi ako mabugnot ay nakipagkwentuhan na lang ako kina auntie at sa bartender na nag-ngangalang Bart. Magkaibigan pala sila. Si Bart ang nagpasok sa tiyahin ko rito sa bar. Matagal na rin silang nagtatrabaho rito at dahil malaki ang kitaan, kahit na may mga ipon na ay hindi nila magawang umalis.
Naisip ko kung matutulad ako kay auntie. Gugustuhin ko rin bang manatili sa trabahong 'to para makaahon sa hirap? Kakalimutan ko ba ang dangal para sa pag-asenso ng buhay?
Mapait akong ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ayaw ko na lang magsalita dahil baka hindi ko rin mapanindigan kagaya nang kung paano ko binasura ang prinsipyo ko para lang sa pera.
Binigyan ulit ako ni Bart ng alak na ininom ko rin agad. Parang nasasanay na ang tiyan at panlasa ko sa alak dahil unti-unti ko nang nagugustuhan 'yon.
"Oh, baka nalalasing ka na, Elle. Hindi ka pa nagsisimula." ani Bart.
Nawala saglit si auntie Levi. Nagpaalam dahil kakausapin daw niya ang boss sa bar na 'to.
"Hindi, 'no. . ." tugon ko at nginitian siya.
Siguro dala na rin ng alak kaya naman ay ramdam ko ang pagkagaan ng isip at katawan ko. Para akong lumulutang sa era. May kakaibang init din akong nararamdaman sa aking katawan dahilan para magpaypay ako gamit ang aking kamay.
"Sure ka ba? Parang lasing ka na 'ata!"
"Hindi nga. . ." naiinis kong sagot at tumayo para ipakita sa kanya na hindi ako lasing.
Bahagya akong nawalan ng balanse pero agad din namang nakabawi. Natawa ako at inilingan si Bart.
"Hindi nga ako lasing!" giit ko.
"Wala naman akong sinasabi, Elle." Tumawa pa ito.
Ngumuso ako at tiningnan siyang mabuti. May pilyong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Para bang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita.
"May gusto ka sa tiyahin ko, 'di ba? Ligawan mo na at baka tumanda siyang dalaga," saad ko at humagikgik. "Diyan ka muna. Magbabanyo lang ako."
"Hoy! Mag-ingat ka!" agap niya nang bumangga ako sa isang silya.
"Ssshhh!" tinapat ko ang daliri ko sa aking labi para patahimikin siya. Ngumiti pa ako bago maglakad papuntang restroom.
Tumingala ako sa kisameng nababalot ng neon lights. Hindi mawala-wala ang ngiti ko dahil para akong lumulutang sa ere.
Kumapit ako sa pader habang naglalakad. May mga bumabati sa aking lalaki na galing din sa restroom kaya lang ay hindi ko na sila magawang batiin pabalik dahil masyado na akong lutang.
Pumasok ako sa restroom na para sa mga babae at ginawa roon ang dapat. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at nagtagal sa pagtitig sa sarili sa salamin.
"Ang ganda ko sa damit na 'to. . ." puri ko sa sarili ko at saka bumungisngis.
Yumuko ako at nagpatuloy sa pagbungisngis hanggang sa manginig na lamang ang mga balikat ko nang tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Para na akong baliw dahil magkasabay na saya dahil sa alak at lungkot dahil sa pagka-miss sa pamilya ang kumakain sa akin.
Umiyak ako at inalala ang musmos na mukha ni Lyka. . . at ang masasayang ngiti nina nanay at tatay.
"Nay. . ." Humikbi ako nang mas nanaig ang sakit sa dibdib ko. "Nay. . ."
HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab
PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at sex sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mg
NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda. "Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses. Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman. Teka nga. Bakit nga ba kami narito? Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga
KAHANGA HANGA kung paano nilikha ang bawat makukulay na puno't mga halaman sa mundong ito. Paano nalaman ng dakilang Ama na ang rosas ay magiging perpekto kung ito ay magiging kulay pula? Na ang sunflower ay pinakamaganda kung dilaw at ang tulips ay maaaring maging kaakit-akit sa kulay puti at rosas?Iba't ibang mga uri ng mga bulaklak ang araw araw kong nakikita sa tuwing dadaan sa dangwa papasok ng trabaho. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang kinikilatis ang kagandahan ng mga iyon. Ilang buwan na akong nagtatrabaho sa flower shop ngunit hindi pa din ako matigil sa paghanga sa mga bulaklak na nadadaanan ko."Elle! Ang aga mo, ah!""Magandang umaga po, aling Jen!" bati ko sa ginang na nagmamay-ari ng flower shop kung saan ako nagtatrabaho.Sa labas pa lang ng shop ay busy na si aling Jen habang ang dalawang tauhang lalaki ay nagkakarga ng mga malalaking vase ng Aubretia sa isang truck."Mukhang madami po kayong idedeliver ngayon," puna ko habang nakabaling ang tingin sa mga bulaklak
MATAAS ang sikat nang araw kinabukasan. Tapos na ang matinding bagyong humagupit sa baryo ng Sta. Barbara. Bumangon ako at pinagmasdan ang kwarto namin ni Lyka. May iilang tulo pa sa bubong dahil sa bagyo pero hindi tulad ng ibang bahay, heto't nakatayo pa din ang amin.Tulog pa si Lyka nang balingan ko ito ng tingin. Mugto ang mga mata dahil sa takot na hindi na makakapag-aral. Bumuntong hininga ako at natulala na lamang sa pader.Anong gagawin ko?Nasira ang buong palayan dahil sa hagupit ng bagyo kahapon. Ang dapat na perang kikitain sa pag-aani ay nawala ng isang iglap. Ang pinuhunan namin ay nawala na rin. Iyon dapat ang gagamiting pang-enroll ni Lyka sa susunod na buwan.May naipon ako pero hindi iyon sasapat. Kailangan kong makahanap ng pagkakakitaan para mabawi ang nawala sa aming pamilya.Nang bumaba ako sa unang palapag ng bahay ay nakita ko ang walang ganang mga mukha nina nanay at tatay. Nakaupo sila sa hapag, hindi man lang ginagalaw ang tinimplang kape doon.Nang makabab
TANAW ko ang malawak naming palayan mula sa burol na kinatatayuan ko. Bakas pa rin ang naiwang pinsala ng bagyo ngunit alam kong sa loob lang ng ilang buwan ay magiging sagana ulit ang kabuhayan namin.Bumaling ako sa bahay namin. Nakatayo ito sa dulo ng palayan. Ang dalawang palapag at katamtamang pagkakabuo ng bahay ay sapat na sa aming apat. Wala mang magarbong disenyo at mga eleganteng kagamitan ay alam kong mahal ko ang tahanang iyon.Malungkot akong ngumiti. Mamimiss ko ang buong lugar na ito. Sa unang pagkakataon ng buhay ko, mawawalay ako sa tahanan ko. Suminghap ako at pinilit patatagin ang aking kalooban.Umihip ang mabining hangin sa aking tuwid na buhok. Inayos ko ang mga buhok ko at pinirmi ang ilan sa gilid ng aking tainga."Ate!"Mula sa bahay ay lumabas si Lyka kasunod ang mga magulang namin. May dala ang nanay na isang bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Naisip ko tuloy kung may naiwan ba akong gamit kaya tiningnan ko ang hawak kong maleta.Patakbong inakyat ni L
"AUNTIE LEVI, escort po ang trabaho ko dito?"Nagsusumamo ang titig ko kay Auntie. Dahil sa gulat ay hinila ko siya papasok ng restroom para kumpirmahin ang mga narinig ko. Sana'y mali lang ako ng pagka-karinig. Hindi magagawa sa akin ito ni auntie!Nagulat ako nang umirap sa akin si Auntie Levi. Nagpameywang ito at bumuntong hininga, tila ba nakukulitan sa akin."Okay, I got it! Kung ayaw mong maging escort, then I am fine with it. Entertainer ka na lang, okay? Maki-kitable ka sa mga customers natin at aaliwin mo sila. Ayos na ba 'yon sa'yo, Elle?" wika niya sa para bang bagot pa ang tono ng boses.Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni ng aking auntie. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ko kailanman inisip na ganitong trabaho ang ibibigay sa akin ng tiyahin ko!Napailing ako. Hindi iyon ayos! Hindi ako magiging bayarang babae... Hindi ko kayang sikmurain ang gano'ng trabaho.Tumaas ang kilay ni Auntie. Halatang hindi nagustuhan ang pag-iling ko. Nangingilid ang mga lu
RAMDAM ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang patuloy na pinagmamasdan ng lalaking makisig na nakaupo sa gitnang couch.May kung anong dayuhang emosyon akong nararamdaman sa paninitig niya sa akin. Umawang ang aking labi at maingat na suminghap."Ang sabi ko ay akin siya. Ako ang nauna sa kanya, Zendejas. . ." giit ng lalaking nagngangalang Lance.Naiinis nitong tinitigan ang lalaking tinawag niya sa apelyidong Zendejas, pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Diretso at mataman lamang itong nakatingin sa akin."Come here, Elle Calys," aniya sa malalim ngunit mahinahon na boses. Ni hindi man lang pinansin ang lalaki sa kabilang couch."Don't be afraid of Lance, sweetheart. Wala namang bayag 'yan kapag narito ang pinuno namin," saad naman no'ng Brett, pagkatapos ay humalakhak."Fuck you, Lagdameo! Just fuck you!" gigil na mura no'ng Lance.Tumawa lamang ang tatlong lalaki sa kanang couch.Lumunok ako, nagdadalawang-isip sa gustong mangyari no'ng Zendejas. Para akong nalulunod sa mabilis