HINANAP ko si Yevhen matapos kong pakalmahin ang aking sarili. Kung saan-saan ako nagpupunta, pero sa stage ko lang pala siya makikita habang ibinibigay na nila ni Chairman Villamayor ang donations para sa iba't ibang non-governmental organizations.Bumuga ako nang malakas na hangin bago ako tumigil at tumindig ako sa lugar kung saan malayo sa kaniya upang mapagmasdan ko siya nang mabuti.Puta. Bakit unti-unti na nga yata siyang gumugwapo sa paningin ko?!“Ako dapat ang nasa itaas, Kim. Ako ang nag-asikaso ng lahat.” Biglang napataas ang aking isang kilay at tila nanlaki rin ang aking mga tainga nang mayroong magsalita sa aking likuran.Napailing na lamang ako at napangisi dahil alam ko nang si Sir Xavier at si Kimberly iyon kahit hindi ko pa lingunin.Siya ang nagprisinta kay Chairman, natural na siya talaga ang mag-aasikaso, at dahil si Yevhen ang CEO, natural din na boss ko ang nasa stage. Bakit ba walang common sense ang lalaking ito?“This will be our next plan. Ipagkalat mo sa
INIS na inis ako kay Yevhen. Ni hindi niya man lang naramdaman na ayaw kong nirereto ako kung kanikanino. Tsk. Kahit sa kaibigan niya pa!Putragis! “Birthday ko ngayon, e,” monologo ko bago ako tamad na tamad na bumangon mula sa aking pagkakahiga.Hinatid niya ako kagabi galing sa charity ball. Inungkat niyang muli ang tungkol sa kaarawan naming dalawa ngunit dahil galit ko ay binuo ko na ang aking desisyon na huwag siyang imbitahin.Ngayon tuloy ay nag-iisa ako at walang kasamang mag-celebrate ng 25th birthday ko. Pero sa kabilang banda, maganda rin naman pala. Putragis! Pwedeng-pwede akong mambabae! Tumatawa at kinikilig akong nag-ayos ng aking sarili. Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit-panlalaki bago ako nagpisik ng pabango.“Chikababes, here I come,” pakanta kong sambit pagkatapos ay kinuha ko ang aking maliit na kulay itim na bag saka ako nagsapatos at mabilis na lumabas ng condo unit habang sumisipol-sipol pa.Tumigil ako sa tapat ng elevator at namulsa matapos kong p
SERYOSO siya. G-gusto niya talagang makipag-sex at. . . sa akin pa! Anak ng tokwa naman. Bakit ako?! Pareho lang kami ng gusto—kimchi!“Maria.” Nagulantang ako at wala sa sariling napatayo nang tuwid matapos kong marinig ang kaniyang boses. Kadarating niya lang sa opisina at mayroon pa siyang sukbit na bag sa likod.“S-Sir, ipagtitimpla na kita ng kape,” wika ko bago ko nagmamadaling inayos ang aking mga gamit para makapunta na agad sa pantry room.“How's your weekend?” he gently asked while he was walking towards my desk. Nang makarating siya sa aking harapan ay pinilit ko na lang na ngumiti, kaysa sagutin ang kaniyang tanong.Putragis! Nakakaasiwa siyang kausap ngayon.“Tungkol sa nasabi ko sa'yo noong isang araw—” Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at hindi ko na siya pinayagang tapusin ang kaniyang dayalogo.“A-ah! May ibinebenta nga pala sa akin si Eva, Sir. Diyan ka muna,” pagpapalusot ko bago ako mabilis na lumakad. Napatigil lang ako nang bigla niyang hinila ang aking pal
HINDI pa rin niya ako pinatatahimik at patuloy pa rin siya sa pagpapasaring sa akin nitong mga sumunod na araw.Putragis! Naguguluhan na tuloy ako kung totoo bang may babae na siyang nakuha o nagsisinungaling lang siya sa akin.“S-Sir, ito na po 'yong final jewelry design ng Product and Design Department, tapos ito naman po 'yong listahan suggestions ng mga executive staff tungkol sa gagawing foundation party sa December,” kabado at mahaba kong salaysay bago ko isa-isang inilapag ang mga folder sa kaniyang mesa.Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Nakangiti siyang humarap sa akin bago siya sumandal sa likod ng kaniyang upuan.“May gagawin ka ba mamayang gabi?” pag-uusisa niyang kaagad ko nang pinagdudahan. “Wala pa naman si Kuya, hindi ba? Why don't you drop by my house then make me some food?” “Sir, kung inaakala mong makaka-score ka sa akin dahil sa style mong bulok, hindi iyon mangyayari,” matapang kong sagot bago ko inayos ang aking tindig. Napatawa naman siya bago siya tum
“LET'S go, Maria,” pamimilit sa akin ni Yevhen matapos niya akong puntahan sa kinauupuan kong metal chair sa harap ng bartender.Antok na antok ko naman siyang inirapan bago ko ipinagpatuloy ang paglaklak at pagpapakalunod sa pangalawang bote ng alak na hawak ko.Putragis! Tapos na ba siyang mambabae?!Malakas ang tumutugtog na musika at marami ring tao sa aming paligid, ngunit sa akin lang nakatuon ang kaniyang atensiyon.“You’re drunk. May pasok pa tayo bukas,” paalala niya bago niya sinubukang kuhanin sa akin ang bote na mabilis ko namang inilayo sa kaniya.“B-bakit hindi mo na lang i-ipagpatuloy 'yong pakikipag-usap mo sa b-babae mo para. . . p-para hindi mo ako ginugulo rito!” naiinis kong pahayag na nagboses na lasing pagkatapos ay nanghingi pa ako sa bartender ng isa pang bote ng alak.Pinigilan naman siya ni Yevhen kaya naman nagmaktol ako sa kanilang harapan.Ramdam ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Tila gusto na ring pumikit ng talukab ng aking mga mata na pilit ko lang
TULIRO akong umuwi sa condominium. Hindi ko na naman naabutan si Mark, siguro ay napagod na at bumalik na lang ng Laquiero.“Ang tanga ko!” Paulit-ulit kong sinigawan at pinagalitan ang aking sarili. Ibinigay ko kasi ng ganoon-ganoon lang ang permiso ko kay Yevhen.Hindi ko kayang huminahon. Sa halip na kumalma ang aking pakiramdam dahil wala sa siya sa aking tabi ay lalo pang bumilis ang pagtibok ng aking puso.Sumasakit din ang ulo ko. Upang makaiwas ay nag-message na lang ako sa kaniya at sinabing hindi na ako makakapasok ngayong araw. Pumayag naman siya at nag-iwan pa ng isang mensahe na nagdulot ng kakaibang kiliti sa bawat himaymay ng aking pagkatao.From: Sir BakulawTake a rest. We will talk about it tomorrow.Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang sinasabunutan ko ang aking sarili.Hindi ko na siya ni-reply-an.Putragis!Kung mag-se-sex kami bukas, kailangan kong maging presentable.Bigla na lang akong napaupo sa aking kama at napasigaw nang mayroon akong maalala.“Titi
ISANG linggo nang napupurnada ang aming plano. Matapos naming pag-usapan kung kailan at saan namin gagawin ay palagi na lamang mayroong dumarating na problema.Putragis! Parang ayaw yata ng tadhana na mayroong mangyari sa amin ni Yevhen. Nandoon ang pangyayari na papunta na kaming dalawa sa motel, pero mayroong board member na tatawag sa kaniya upang humingi ng tulong.Wala tuloy akong magawa.“Miss Masien, may problema ka ba?” tanong ni Eva sa akin habang kinakain namin ang paninda niyang crackers sa loob ng pantry room. Napatigil naman ako sa pagnguya bago ako nagbuntonghininga.“Para kang babaeng hiniwalayan ng jowa. Nag-away ba kayo ng mapapangasawa mo?” pag-uusyoso niya kaya nakatikim siya sa akin ng masamang tingin kasunod ng pagbato ko sa kaniya ng hawak kong crackers. Napatawa naman siya at lalo pa akong tinukso kay Mark.“Hindi ko mapapangasawa iyon at wala kaming relasyon.” Gusto ko pang makipagtalo, pero wala talaga akong enerhiya.Lalo nang naging kakaiba itong nararamdama
NAGPATULOY ang pagiging malambing sa akin ni Yevhen. Palagi niyang pasikretong hinahawakan ang aking kamay at madalas niya rin akong yakapin sa loob ng kaniyang opisina.Putragis! Hindi ko na siya maintindihan. Kailangan ba talaga 'yong paghawak at pagyakap bago kami magtalik?“Maria, come here for a second,” Yevhen said over the intercom beep on my table. Napapikit naman ako at napairap sa hangin.“Papunta na,” sagot ko bago ko itinago ko ang aking nararamdamang kaba dahil heto na naman kami. Araw-araw ay ganito siya sa tuwing gusto niya ng yakap.Puta. Bakit kasi ang tagal-tagal bago may mangyari sa amin? Nagiging delikado na talaga sitwasyon ko nang dahil sa kaniya, e.Huminga ako nang malalim at inayos ang aking sarili bago ako nagtungo sa loob ng kaniyang opisina na pilit na pilit ang ngiti.Nanibago naman ako dahil hindi ko siya nakita na nakaupo sa kaniyang swivel chair. Ngayon ay, nkatayo siya malapit sa couch habang bumubulong-bulong ng kung ano na hindi ko naman naintindiha