I hope we're all doing good po. Let's not forget to be nice to everyone. Thank you so much! By the way, hello, Ma'amsh Eu Rie! Stay healthy and happy! ♥️
TINAWAGAN ko na si Yevhen upang pababain at sunduin ako nang umabot na ako ng tatlong minuto sa kapapaliwanag sa dalawang babaeng staff sa lobby. Napahiya tuloy sila nang mabilis na dumating ang boss nila na sinalubong pa ako ng halik at yakap. Pero naiirita pa rin ako! Ang lambing-lambing pa rin kasi ng putragis. Parang wala siyang lihim na itinatago. “Are you tired? Hungry? Ano'ng gusto mo?” sunod-sunod niyang tanong matapos naming makapasok sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ko naman siya pinansin, sa halip ay naglibot na lang ako ng tingin at naglakad-lakad sa kabuuan ng opisina. Parang walang nag-iba. Kung paano ang ayos noong umalis ako noon ay ganoon pa rin ngayon. “Why didn't you call me, love? Sana nasundo kita sa inyo,” komento niya bago niya ibinaba ang aking maleta sa tabi ng couch. Nang hindi pa rin ako sumagot ay nilapitan niya na ako at saka niya ako niyakap nang patalikod. Nakagat ko tuloy ang aking pang-ibabang labi nang wala sa oras. “Ang bango
HANGGANG sa makauwi kami ni Yevhen sa bahay ay takang-taka pa rin ako sa naging bagong pakikitungo sa akin ni Chairman. Tang ina. Hindi ko maintindihan. Posible kayang magbago ang isang tao? “Love, what’s bothering you?” biglang tanong ni Yevhen na kagagaling lang sa banyo. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa kawalan habang nakaupo ako sa ibabaw ng aming kama. Pero kasi naman! Paano’ng hindi ko iisipin ang nangyari kanina? E, parang tuwang-tuwa sa akin si Chairman pati na 'yong ibang board members na kamag-anak din nila! T-tanggap na nga kaya ako sa pamilya? “Maria, are we okay? May kasalanan na naman ba ako na hindi ko alam?” sunod-sunod niya muling pag-uusisa bago siya lumapit at tumabi sa akin sa kama. Umayos tuloy ako ng upo bago ko siya hinarap. “Nakasalubong ko si Chairman kanina noong lumabas ako ng opisina mo,” pagsasabi ko ng totoo, dahilan upang matigilan siya at sandaling mapipilan. “D-did he try to tell you something?” He looked so nervous as he reached
SI Sir Xavier ang dumating. At mukhang seryoso ang kanilang pinag-usapan kaya naman ang gabing akala ko’y gagawa kami ng maliliit na Yevhen at Masien ay hindi nangyari. Simula rin ng makausap niya ang kaniyang pinsan ay naging abala na siya sa opisina. Tang ina. Nilalambing niya naman ako, pero hindi sapat iyon. Siguro kung isa, dalawa, o tatlong beses niya akong bitinin ay okay lang, pero. . . pero isang linggo niya na akong natitiis! “Maria, I’m really sorry. I was drowning in paper works. Hindi ko alam na ala-una na pala ng madaling araw,” kaagad niyang paumanhin nang makauwi siya sa bahay. Kaninang-kanina ko pa siya hinihintay sa salas. Ilang beses na nga yata akong naka-idlip at nagising ngunit ngayong madaling araw lang siya nakauwi. Matipid ko na lang siyang nginitian kahit tang ina, nakakatampo na. Hindi naman kasi ganito ang ine-expect kong mangyayari. Akala ko ay kapag nagsama na kami sa iisang bubong na kaming dalawa lamang ay magagawa na namin ang lahat, pero hind
“HINDI ko iiwan si Yevhen.” Umiling-iling ako at paulit-ulit kong ipinangako ang mga katagang iyon habang papalabas ako ng MARIA Corporation. Iyon nga lang ay bago pa man ako tuluyang makaalis ay nanghina na ang aking mga tuhod at nanikip na ang aking dibdib. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Naiipit si Yevhen nang dahil sa akin. Tang ina. “Are you okay, Masien?” Awtomatiko bumilis ang tibok ng aking puso at mabilis din na napaayos ako ng tindig nang marinig ko ang boses na iyon. “C-Chairman,” bati ko nang makita kong naglalakad sila ng kaniyang secretary patungo sa aking pwesto. Kapapasok lang nila sa building at nagkasalubong na naman kaming dalawa. Lihim tuloy na nangangatal ang aking mga daliri habang pinipilit kong ngumiti at magbigay-galang. “Let’s go to my office. Nakikita kang umiiyak ng mga empleyado,” pahayag ng matanda nang makalapit sila sa akin. Wala sa sarili naman na napahawak ako sa aking mga pisngi. Napamura ako sa aking isip. Tumutulo na pala ang aking mga lu
Maria Sienna Rosales De Dios“MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan.Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam.Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero.“Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako.Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya.Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho.Putragis! Ang sarap kaya
NAPAHIYA ako! Mali. Mali.Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan.“Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya. “Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga.Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim.Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin.“Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya.Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya.“Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nag
PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . . Putragis! Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig. Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan. “Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bak
PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis! Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!” Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na