ELLIE"ANO?! PAANO nangyari na nawawala si Mikhay? Nasaan sina Julius?" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi sa akin ni Yvette sa kabilang linya. Nawawala ang anak ko! Umiiyak si Yvette at putol-putol na halos ang pagsasalita dahil mukhang kanina pa umiiyak."Ma'am mabilis po ang pangyayari. May kumausap daw po kina Julius sandali kanina tapos paglingom po nila hindi na nila makita si Mikhay. Kinuha ko lang din po iyong naiwan na notebook ni Mikhay sa loob ng silid niya. Iyon nga po pagbalik ko, hinahanap na nina Julius si Mikhay. Ma'am, sorry po talaga..."Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong tinakasan ng hininga sa pag-aalala kay Mikhay. Sobra akong natatakot para sa anak ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Ikakamatay ko!"Bakit niyo kasi iniwan ang anak ko? Hintayin mo ako diyan!" Napaiyak ako sa pinaghalong takot at galit dahil sa nangyari. Sino naman kaya ang kukuha sa anak ko? Hindi naman ako mayaman at lalong wala akong kaaway.
ELLIE"MOMMY I'M scared." Yumakap sa baywang ko ang anak ko habang nakaupo siya sa kama at ako naman ay nakatayo sa harap niya. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya.Yumuko ako at hinalikan siya sa ulo. "Don't be scared, baby. Mommy is here.""Is daddy going to pick up us here?"Napalunok ako sa tanong ng anak ko. Lumuhod ako sa harap niya para makita ang kaniyang mukha. Hinaplos ko ang magkabila niyang pisngi at ngitian siya. May naiwan pang bakas ng luha sa kaniyang mata kaya pinahid ko rin iyon."Y-es. Daddy will be here later." I said kahit alam kong imposible na makita kami ni Judah kahit pumunta siya rito.Any moment by now I know he'll arrive here. Hindi ko lang kayang isipin kung ano ang mangyayari mamaya. Siguradong malaking gulo iyon sa pagitan ni Uno at ni Judah. Uno changed a lot. Akala ko, he is still the man that I used to know but I was wrong. The way he looked at me, the way he spoke to me — all of that has changed. Para siyang laging galit at ang lalim nang iniisip
ELLIEHALOS HINDI ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyayari ngayon sa amin ni Mikhay. Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Dilat na dilat pa rin ang diwa ko kahit wala ako halos tulog.Things happened too fast. I couldn't even imagine that we would end up here together with Uno. For the longest time, I never thought that Uno and I would see each other again."Mommy, I'm hungry. Where's daddy?" My eyes automatically locked on my daughters' face."Uhm... nasa work pa siya baby." Kaya hindi rin ako bumabangon pa dahil hindi ko alam kung gising na ba si Uno. But I need to get up for my daughter. Gutom na siya. "C'mon. Let's go downstairs. Mommy will prepare a food for you."Naiilang akong bumaba dahil sa suot ko na damit ni Uno. But I need to set aside my feelings. Kailangan ko rin makausap si Uno para makabili ng gamit namin ni Mikhay.Niligpit ko muna ang pinaghigaan namin ni Mikhay at nagtooth brush muna bago kami lumabas ng silid.It's already six thirty in the morn
ELLIENAPATAYO AKO sa higaan at lumapit sa pintuan nang makarinig ako na may pumipihit ng seradura ng pinto. Nakalock ang silid namin. Alas dos pa lang ng madaling araw. Hindi pa nga rin ako dalawin ng antok dahil simula kanina na umalis sina Uno at Sandra ay hindi pa sila bumabalik. Ni hindi rin nagawang magpaalam ni Uno sa amin ng anak ko. Alam kong nasaktan ko siya at galit siya.Pero hindi naman niya ako masisisi. Hindi madali ang lahat. Hindi madaling paniwalaan ang mga sinabi niya. Ang isip ko ay nahahati. Pero ang puso ko ay gustong maniwala kay Uno. Natatakot lang ako. Natatakot lang ako na masaktan ulit. Natatakot lang ako na malaman ang totoo dahil mahal ko rin si Judah. Pero kung totoo iyon, hindi ko alam kung ano kaya ko siyang patawarin.Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Uno na mapupungay ang mga mata nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakakilos."Sabihin mong mahal mo pa rin ako, Ellie. Please, babe?" Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil. Pagkatapos ay pin
NIYAKAP AKO ni Uno mula sa likuran. Simula kaninang umaga ay hindi ako bumaba para kumain. Nagdahilan akong masama ang pakiramdam ko. Pinakiusapan ko lang si Aling Sonya na siya muna ang bahala kay Mikhay. Hindi naman nagpumilit si Uno at siya ang nag-alaga kay Mikhay. Naiinis ako dahil nandito palagi si Sandra kahit na sinabi ni Uno sa akin na magkaibigan na lang silang dalawa ni Sandra. Gusto raw bumawi ni Sandra kay Uno kaya tinutulungan siya nito ngayon.Hinalik-halikan niya ang balikat kong lantad dahil sa suot kong sleeveless na dress na hindi aabot sa tuhod. Agad akong pumiksi sa ginawa niya at naglakad papunta sa couch na naroon sa loob ng silid namin at doon umupo. Sumunod siya sa akin at lumuhod sa harap ko, sa pagitan ng hita ko. "Ano ba?!" Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kaniya. Tinabig ko ang kamay niyang nagsimulang humahaplos sa binti ko. "Lumabas ka na nga. Baka hinahap ka na ni Sandra." Hindi ko napigilan ang sarili na sabihin. Iniwas ko ang tingin nang marealize ang
"BABE?" Nasa terrace kami kasalukuyan ni Uno habang si Mikhay ay pinapanuod namin mula sa puwesto na masayang naglalaro sa garden kasama ang isang kasambahay. Nakatayo ako at nakahawak sa railings ng terrace at nakatuon ang tingin sa baba. May malaking puno ng mangga na nagtatakip kaya hindi kami gaanong kita mula sa labas at sa gate pero nakikita namin si Mikhay sa baba at alam niya rin kung nasaan kami ni Uno."You've been quiet since this morning. Is there something wrong?" Niyakap niya ako mula sa likuran ko at sumiksik sa leeg ko. "You can tell me." He planted small kisses on my shoulders and neck.Kahapon ko pa iniisip ang mga napag-usapan namin nina Celestine at Sandra. I'm scared. I am scared of what will happen next. But I trust Uno. Logan is also helping us. Pinilig ko ang ulo ko para kalimutan ang mga nalaman. Ngayon na magkasama na kami ni Uno, wala nang makakapaghiwalay sa amin. Even death can't separate us.I smiled.Naalala ko si Celestine at ang mga sinabi nito na inuu
LUMAPIT AGAD ako sa paghihintuan ng sasakyan ni Sandra pagkakita ko ng sasakyan niya. Inabangan ko na siya para makausap bago niya puntahan si Uno. Hindi ko kasi alam kung tinutulungan ba niya si Uno o gusto niya lang kunin ang loob."Sandra, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ko agad pagkababa niya ng sasakyan. Halos mag-init na naman ang ulo ko sa suot ni Sandra. Hapit na hapit na naman ang suot nitong pulang dress sa kaniyang katawan. Para siyang modelo sa kaniyang ayos. Nag-alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti sa tanong ko."Sure..." Halata ang pagkalito sa kaniyang mga mata pero nagawa pa rin niyang ngumiti kahit papaano.Niyaya ko siya sa lanai. Nagdadalawang isip na sumunod naman siya sa akin. "Bakit nakulong si Uno noon?" agad kong tanong. Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko siyang makausap nang matagal. I just want to know the truth.Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin dahil hindi niya inaaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. Alam ko kasing iniiwasan niy
PINAGLUTO ko si Uno ng paborito niyang pagkain. Gusto kong bumawi sa kaniya. Kahit naging biktima rin ako ng kasamaan nina Judah ay gusto ko pa rin bumawi kay Uno. Nasaktan ako noon pero mabigat ang pinagdaanan ni Uno noon.Gusto ko rin siyang ipakilala nang pormal kay Mikhay. Ilang araw pa lang kami nandito at hindi pa rin sila talaga nagbobonding na mag-ama. Palagi kasing naririnig ni Uno na hinahanap ni Mikhay si Judah bilang daddy niya. She's too young to be involved with our issues with Judah. At natutuwa ako kay Uno dahil hindi niya binigla si Mikhay na kilalanin siya bilang daddy nito. "Magaling pala kayong magluto, Ma'am Ellie. Siguradong madaming makakain si sir Uno. Favorite niya itong lahat na pinaghanda niyo," puring-puri ni Aling Sonya sa mga niluto ko. Sila na ang naghanda pagkatapos kong magluto.I smiled. "Salamat. Siguradong namiss kasi iyan ni Uno kaya pinagluto ko siya." Tinulungan ko na rin sila maghanda. Aakyatin ko rin ang mag-ama ko pagkatapos ng ginagawa ko ri