Share

Chapter 30

ELLIE

"ANO?! PAANO nangyari na nawawala si Mikhay? Nasaan sina Julius?" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi sa akin ni Yvette sa kabilang linya. Nawawala ang anak ko! Umiiyak si Yvette at putol-putol na halos ang pagsasalita dahil mukhang kanina pa umiiyak.

"Ma'am mabilis po ang pangyayari. May kumausap daw po kina Julius sandali kanina tapos paglingom po nila hindi na nila makita si Mikhay. Kinuha ko lang din po iyong naiwan na notebook ni Mikhay sa loob ng silid niya. Iyon nga po pagbalik ko, hinahanap na nina Julius si Mikhay. Ma'am, sorry po talaga..."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong tinakasan ng hininga sa pag-aalala kay Mikhay. Sobra akong natatakot para sa anak ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Ikakamatay ko!

"Bakit niyo kasi iniwan ang anak ko? Hintayin mo ako diyan!" Napaiyak ako sa pinaghalong takot at galit dahil sa nangyari.

Sino naman kaya ang kukuha sa anak ko? Hindi naman ako mayaman at lalong wala akong kaaway.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
hahaha...natawa ako sa pagpapalayas kay Reese.OA na din kc, masyadong sawsawera
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status