Share

Chapter 5

CHAPTER 05

TEXANA WEST's POV|

"Haist! May binugbog daw si Dawn na kaklase niya. Alam mo, manang-mana talaga sa'yo si Dawn," Kamot ulo na sambit ni Kalem kaya napangisi ako.

"Malamang ako nanay no'n e. Magulat ka kung nagmana 'yon kay Kath." Usal ko kaya napangiwi siya.

"Pilosopo ka talaga 'no honey wife? Tsk!" Nakasimangot na aniya kaya mas lalo akong napangisi tsaka hinagod ang buhok ko bago nagsalita.

"At ikaw pikunin pa rin." Sagot ko kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Master, may nag-iwan po nito sa labas ng gate." Sabay kaming napalingon sa tauhan namin na biglang dumating.

"Box? Ano namang laman n'yan?" Kunot noong tanong ni Kalem habang nakatitig sa dala-dala nitong medyo maliit na kulay pulang box.

"Hindi ko po alam, Master." Sagot nito kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at lumapit dito.

Kinuha ko ang box na dala nito tsaka ipinatong sa lamesa at binuksan pero agad din na napabuntong-hininga matapos makita ang laman nito.

I knew it.

"W-what the h-hell!?" Gulat na sambit ni Kalem tsaka mabilis na tumalikod at tinakpan ang bibig niya habang nakahawak sa kan'yang sikmura.

Puso ng tao lang naman kasi ang laman ng kahon. Hindi na ako nagulat dahil unang kita ko palang doon ay kinutuban na ako ng hindi maganda. Isa pa, I can clearly smell a scent of blood coming from it.

"Do you know who left that?" Baling ni Kalem sa mga tauhan namin.

"H-hindi po namin a-alam, Master." Utal na sagot naman ng mga ito.

"HINDI NIYO ALAM?! Tapos ipinasok niyo 'yan dito?! Paano kung bomba ang laman n'yan? Edi patay tayong lahat!" Galit niyang sigaw kaya napailing ako.

Umaandar na naman ang pagiging mainitin ng ulo niya.

"Huwag sila ang sisihin mo, Kalem." Usal ko tsaka inilapit ang mukha sa puso upang pagmasdan ito ng maayos.

Napapikit naman si Kalem. Until now he's still not used of seeing these kind of things.

"K.M?" Kunot noo kong sabi nang makita ang letra na naka-ukit sa puso.

"Anong K.M, Honey wife?" Kunot noong tanong ni Kalem na napadilat pero umiling lang ako.

"Nothing," Sagot ko kasabay nang pagtunog ng telepono namin sa bahay dahilan para magkatinginan kami.

"Let me answer it." Saad ko nang akmang si Kalem ang sasagot.

Ibinigay niya naman iyon sa akin.

"You are the one who left this heart, aren't you?" Agad kong bungad ngunit katahimikan lamang ang naging sagot ng nasa kabilang linya subalit kalaunan ay isang tawa naman ang bumasag dito.

“Hahaha! How did you immediately realized that it was me?”

"Because you called in a perfect timing,"

“As expected from the well-known Mafia Queen. Did you like my gift, Texana West Acosta Dela Vega?” Mapaglarong sabi nito at hindi naman na ako nagulat pa na alam niya kung sino ako.

Ang hirap tukuyin kung babae ba siya o lalaki dahil mukhang may gamit siyang voice changer.

"What do you want?" Malamig kong tanong kaya muli itong tumawa ng mapang-asar.

“Hmm...Ano nga ba'ng gusto ko? Aha! All I want is to see you suffers and those important to you because of me.” Tila baliw nitong sambit.

“Humanda ka dahil uunti-untiin ko ang mga taong malalapit sa'yo at pagkatapos n'yan ay ikaw naman ang isusunod ko. Bright idea, isn't it?” Nang-uuyam na patuloy nito kaya naikuyom niya ang kamao.

"And do you think I'll just let you hurt them? F*ck yourself, ASSHOLE! I won't let you touch them." Madiin kong sabi pero tinawanan lang ako nito ulit.

“Well, Let's see.” Huling litanya nito bago maputol ang linya.

I tried to call him again pero wala ng sumagot.

Damn!

"Sino 'yon, hon?" Tanong ni Kalem na bakas ang pagkabahala sa mukha kaya napabuntong-hininga ako tsaka siya nilingon.

"I don't know. Ipatawag mo sila Rain. Kailangan nating mag-usap-usap dahil mukhang seryoso ang taong 'yon sa sinabi niya." Seryoso kong sabi kaya tumango siya bago umalis samantalang binalingan ko naman ng tingin ang mga tauhan namin.

"Some of you go to where jack lives and tell him to locate the caller's location if he can." Utos ko sa kanila kaya nag-bow ang mga ito bago mabilis na umalis.

Napahilot nalang ako sa sentido ko tsaka bumuntong-hininga.

This is giving me a headache.

"I already called them, honey wife. Papunta na silang lahat. Are you okay?" Nag-aalalang turan ni Kalem kaya tipid akong ngumiti tsaka tumango.

Akala ko tapos na ang lahat nang matalo namin si Alice at Lenard but I guess I'm wrong dahil mukhang may panibago na naman kaming kalaban.

But what is their purpose this time? What is it that they are after? Was it for power again?

Damn it!

Hindi na talaga sila naubos.

Ilang minuto ang lumipas at nagsi-datingan na rin sila Kath kaya sinenyasan ko silang sumunod sa akin papunta sa meeting room.

"So, what's this meeting for?" Agad na tanong ni Storm pagkaupo palang namin.

Mababakas mo sa mukha niya ang curiosity sa biglaan na pagpapatawag ko ng meeting.

"Someone sent a fresh human heart here. Tumawag din ang taong nagpadala no'n at sinabing iisa-isahin niya ang malalapit kay West kaya ngayon ipinatawag namin kayo para mapag-usapan ang tungkol doon." Seryosong sagot naman ni Kalem.

"W-what!? Who is the person that sent it?" Ani Kath na bakas sa mukha ang takot.

"We don't have any idea as of now. Mukhang may nagpaplano na naman na kalabanin tayo." Sagot ko kasabay nang pagbalot ng katahimikan sa paligid namin.

They keep silent but I know that deep inside they're all scared just like ME.

"This is not good. Dapat mahanap na natin kung sino man ang taong 'yon bago niya pa magawa ang mga plano niya." Pagbasag ni Rain sa katahimikan at sinang-ayunan naman namin ang sinabi niya.

"Ang tanong ay paano?" Napalingon kami sa pintuan ng meeting room matapos no'ng bumukas at ibungad si Jack.

"Nice to see you all again guys," Aniya tsaka naupo sa tabi ko. "But sad to say, I can't trace the location of that bullshit caller. It's look like she/he already know that we'll gonna try to locate him so he made a preparation to be not trace." Patuloy niya pa kaya kanya-kanya kaming napabuntong-hininga.

"I see," Nasambit ko nalang.

Dan, Vico and their family are already living in America same to Winston and Angelo. While joker are now living with his parents in Japan.

So, I don't need to worry about them because I am sure that they are safe. But my problem is these people whom still connected to my family.

"Kath, Inform Ace about this so he can protect his family." Baling ko kay kath na agad namang tumango since magpinsan sila ni Ace.

Wala kasi rito si Ace dahil busy ito sa pag-ma-manage ng company nila.

"Sa ngayon hindi pa natin alam kung paano natin mahahanap ang

kalaban pero soon paniguradong mahahanap din natin siya. Ang mahalaga ngayon ay palagi kayong maging alisto sa paligid niyo," Sambit ko.

"Never let your guard down. Protect yourselves and your family at kung may mapansin man kayong kakaiba ay sabihin niyo kaagad sa akin." Patuloy ko pa kaya sabay-sabay silang tumango.

"Take care of yourself too." I just nodded bago sila isa-isang nagpaalam na aalis na.

Tumayo na rin ako tsaka nag-unat-unat.

"Where are you going, hon? Want me to come with you?" Ani Kalem kaya mabilis akong umiling.

"Stay here. I will just gonna visit dad and your father to Inform them about these. Anyway, call your friends as well and tell them to take care of themselves too." Sambit ko tsaka siya hinalikan sa noo.

"Don't worry, Babalik din ako kaagad."

"Fine. Mag-iingat ka. Give me a call once you arrived there." Aniya kaya ngumiti ako at tumango bago lumabas ng mansion namin at sumakay sa motor ko.

Binuhay ko ang makina nito bago mabilis na pinaharurot paalis.

Now that a new enemy has appeared. Paniguradong hindi magiging madali ang lahat.

.

.

|THIRD PERSON POV|

HINDI maalis-alis ang ngiti sa labi ni Steve habang nakahiga ito sa clinic bed at sa kanang kamay ay may hawak na ice pack na nakadampi sa kan'yang ilong.

Sa kabila ng ginawa sa kan'ya ni Dawn ay hindi niya magawang magalit dito bagkus pa nga ay na amazed siya rito dahil iba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya. Cliché man pero 'yan ang totoo.

"Dawn huh? I'm excited to know more about you milady," Aniya tsaka bumangon at nag-unat-unat.

He's really curious to know more about the first woman who caught his attention.

Sino kaya ito? At saan ito naggaling? What is her real identity?

"I'll make you mine no matter what." He said while smirking

.

.

"Yeah, yeah. Another enemy I guess." Sambit ni Kalem sa ka-video call niya na si Harold at Mike.

Sinabi niya sa mga ito ang nangyari at hindi naman maiwasan ng mga ito na hindi kilabutan sa nalaman.

“How about you report this to the police?” Suhesyon ni Mike.

“Do you have a Brain, Mike? Gusto mo bang malaman ng pulisya na Mafia sila?” Nakangiwing sambit ni Harold kaya napakamot sa ulo si Mike tsaka nag-peace sign.

“Oo nga pala, sorry naman! But seriously, dude. Maybe I can help you findi that mysterious sender since I'm in the polic—”

"No, I don't want you guys to be involved in this mess. I just want to inform you. Besides we know west, she has her own way to solve this but of course, with the help of her handsome husband." Aniya tsaka kinindatan ang dalawa.

“I agree to your first statement but not in the last.” Sabay na sabi ng dalawang kaibigan kaya napa-tsked nalang siya dahilan para sabay na matawa ang mga ito.

"Whatever! Mag-ingat nalang kayo."

“Hahaha, Fine, fine! G'wapo ka na dre, okay na? Mag-ingat ka rin d'yan. Maybe soon, I'll go there to visit you with my wife and son" Ani Harold na nasa ibang bansa dahil nandoon ang Asawa nitong si kiyomi.

"Sure. It's been a while since we last saw each other in person, right?"

“Yeah. The last time we met this asshole is about a couple of years already, I think?” Sambit naman ni Mike.

Huli kasi nila itong nakita ay no'ng 12 birthday ni Dawn at Fawn where they also met his son named Sayron but not his wife dahil busy daw ang Asawa nito na hindi pa nila nakikita ni minsan.

Curious tuloy sila kung sino at anong klaseng babae ang nakabihag sa puso ng playboy nilang kaibigan.

“By the way mga dre, sa susunod nalang ulit. May duty pa ako, you know...” Paalam ni mike.

"Sige, dre. Ingat ka and if you have a spare time, come and visit me here. I'm sure Fawn will be happy to see you again."

“Sure! Sure! Kahit hindi mo sabihin ay pupunta talaga ako r'yan, not now but I'll go there soon. I badly miss my baby Fawn and Dawn.”

"Come on. If Dawn hears you calling her baby, you are dead."

“Hahaha,  I know right. Good thing that's she not there, Bye, Dre!”

Napailing nalang siya matapos mawala ni Mike sa screen. Obviously, nag-log out na ito.

“Harold! Help me with these damn papers will you?!”

“Sure! Sure! Saglit lang sweetheart! I'll call you back later, dre. My bitchy wife is already mad.”

Tumango nalang siya dahil sa sinabi ni Harold.

Mukhang takot ang kaibigan sa Asawa nito. Kung sa bagay nakakatakot nga naman ang mga babae lalo na 'pag galit sila.

"Mirco," Baling niya kay Mirco na hindi pa umaalis sa kanila since may mga papers pa silang kailangan ayusin.

Mirco is his secretary, remember?

"Bakit boss?"

"Send some of our men to the school where Dawn and Fawn is...Tell them to make sure that my children will be safe until they returned here. Also, look after north too." Sambit niya.

"Copy, boss." Sumaludo pa ito bago umalis kaya naman napabuntong-hininga nalang siya.

He couldn't protect those precious to him before but he will make sure that it won't happen again this time.

Hindi na siya ang dating mahina at lampa na Kalem kaya naman sa pagkakataon na 'to ay hindi niya na hahayaan pang may masaktan na namang mahal niya sa buhay.

He will protect them at all cost!

.

.

SAMANTALA, napangisi nalang ang isang tao habang pinagmamasdan ang litrato ni West kasama ang asawa at kambal nitong anak.

Kapansin-pansin ang pulang bilog na iginuhit sa ulo ng mga ito.

"Nagsisimula palang ang laro," Sambit niya.

"Patikim palang ang ginawa ko, West. Maghintay lang kayo dahil kung nabigo 'sila' na patayin kayo ay sisiguraduhin ko naman na magtatagumpay ako." Aniya pa tsaka ikinuyom ang kan'yang kamao at nanlilisik ang mga mata na pinasadahan ng tingin ang larawan nila West.

"Iisa-isahin ko kayo hanggang sa maubos ang lahi niyo." Puno ng poot na sambit ulit nito.

.

.

Nang makarating sa bahay ng ama ay agad na bumaba si West sa motor niya tsaka nag-message kay Kalem upang ipaalam na ligtas siya roong nakarating. Nang masent ang mensahe ay ibinalik niya na sa bulsa ang cellphone.

"My daughter!" Napangiwi nalang siya matapos siyang salubungin ng mahigpit na yakap ng kan'yang ama nang makita siya nito.

Kahapon lang ay nagkita sila pero kung umasta ito ngayon ay parang ilang taon nilang hindi nakita ang isa't isa.

"Stop treating me like a child, dad." Lukot ang mukha na aniya kaya napatawa ang ama.

Kung meron man nagbago sa ama ay iyon ang ugali nito. He became annoying and jolly just like her uncle luiz na hanggang ngayon ay uncle pa rin ang tawag niya.

Sabi nga nila, mahirap ibahin ang nakasanayan na.

"Good to see you again, West." Biglang sulpot ng kan'yang uncle Luiz na kagaya ng ama ay niyakap din siya.

'Damn these old hags!'

"Are you making fun of me?" Aniya kaya napatawa ang dalawa.

"Stop that you two," Iling na sambit ni naman ni Yukari.

"Come inside, West. You came here because of an important reason, right?" Patuloy pa nito.

Good thing that Yukari is not like her dad.

"Sharp as always," Sambit niya nalang bago pumasok sa loob ng bahay ng mga ito habang nakasunod sa kan'ya ang dalawang ama.

"What brought you here, sis?" napunta ang tingin niya sa hagdanan kung saan kasalukuyan na pababa si Spade.

"Well, I have something important to say and it's good that you are also here." Aniya dahil madalas ay sa condo nito tumutuloy ang kapatid.

Hindi kagaya dati ay medyo naging jolly na rin si Spade at mukhang close na rin ito sa ama hindi kagaya dati na parang ibang tao ito sa kanilang pamilya.

"Well, Dad told me to stay here besides, I also need his advice in solving some problems in Mafia world. Alam mo naman na mas may experience siya sa mga gano'ng bagay kaysa sa akin." Sagot niya tsaka naupo sa tabi ko.

"Well, you're right." Sang-ayon ko.

Mukhang kahit ilang taon na rin simula nang maging mafia boss siya ay hindi pa rin siya gano'n kasanay sa trabaho ng isang Mafia Boss.

I can't blame him since it's not really an easy job lalo pa at maraming asshole na mafia ang kailangan niyang patinuin.

"So, the reason why I came here is to inform you about our new enemy." Seryosong aniya dahilan para matigilan ang mga ito.

"Earlier, someone left a person's heart in front of my house. And that person who left it called and told me that he will kill those people who are precious to me, one by one." Patuloy niya at napabuntong-hininga naman ang mga ito habang seryoso at malalim ang iniiisip.

Mababakas mo rin ang pagkabahala sa mukha ng mga ito.

"Do you have any idea if who it is?" Tanong ng ama at umiling naman siya.

Wala naman siyang maalala na taong may malalim na galit sa kanila maliban sa mag-asawang Mendoza but they already killed them. Kaya naman palaisipan ngayon sa kanila kung sino ang taong 'to na nais silang mapabagsak.

"This is indeed a big problem," Ani Luiz.

"Without a doubt. Anyway, I'll ask some of our men to investigate about this incident. Maybe we could get a lead if who's the person behind this." Suhesyon naman ni Spade na sinang-ayunan nila.

"If we had a new enemy, then not only us would be in danger but also the kids." Ani Yukari na ang tinutukoy ay sila North.

"Don't worry, we trained them. So, atleast we are sure that they can protect themselves." Ani West.

Hindi naman kasi nila inilihim sa tatlo kung anong klaseng pamilya ang meron sila at tinanggap naman iyon ng mga ito nang walang kahit na anong tanong o reklamo.

After they graduated as an elementary student ay tsaka nila sinimulan turuan kung paano makipaglaban ang mga ito.

They are all good at it. Hindi maipagkakaila na galing sila sa pamilyang Acosta but of course, may isang nangibabaw sa kanilang tatlo at iyon ay si Dawn.

Hindi nila alam kung hanggang saan ang lakas at kakayahan nito dahil hindi ito nakikipaglaban ng mano-mano. Malayuan lang ang gusto nito at puro daggers, kunai at shuriken lang ang ginagamit nito.

She can dodge an attack but can't attack back kung harapan ang labanan and they can't do anything about it since she doesn't want to learn.

When she used a gun she can't even handle it properly. They told her that they will help her to use a gun properly pero umayaw ito at nag-focus nalang sa paggamit ng mga patalim.

Dawn is really unpredictable that even her the infamous—Texana West Acosta can't read what's going on inside of her mind.

"I'll return home now. And by the way, is it okay for north to live with my family?" Aniya tsaka tumayo.

"Sure, that would be great." Mabilis na sagot ni Yukari.

"Thanks. Sa bahay na namin siya didiretso mamaya. I'll leave now and please take good care of yourselves, uncle Luiz, Yukari, Spade and dad."

"Sure, We will. Take care of yourself too."

"Want me to send you back?" Ani Spade at umiling naman siya.

"No thanks," Itinaas niya nalang ang kamay bago siya sisipol-sipol na lumabas sa mansion ng mga ito at sumakay sa kan'yang motor bago iyon mabilis na pinaandar paalis.

END OF CHAPTER 05:

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status