Share

Chapter 4

CHAPTER 04

|THIRD PERSON's POV|

PEKENG umubo ang guro nila Zior kaya napakurap sila at sa wakas ay nabalik sa realidad.

“Tapos na ang palabas. Sit down and focus in the class.” Litanya nito tsaka tumingin sa grupo nila Steve.

“Kayo, pumunta kayo sa clinic.” Aniya sa mga ito at hindi naman sila tumutol subalit bago tuluyang umalis ay sinamaan pa muna ng tingin ng mga kasamahan ni Steve ang kanilang mga kaklase na napabungisngis dahil sa mga itsura nila.

Akala mo'y pinagtulungan sila ng napakaraming kalaban gayo'ng isang babae lang naman ang nakaharap nila pero hindi sila umubra.

“They deserved it. Buti nga sa kanila at sa wakas ay nakakita na rin sila ng katapat nila.” Sambit ng mga lalaki nilang kaklase na nayayabangan sa grupo nila Steve.

Hindi pa rin sila makapaniwala sa nasaksihan pero ang lupit ng mga moves ni Dawn.

“Btw, ngayon ko lang nakita si Dawn. Shessh! Kahit ang pangalan niya ang ganda. Anyway, bagong kaklase ba natin siya? Ang cool niya ah.” Mangha na sambit pa nila dahil iba ito sa normal na mga babae sa campus nila na nakikita nila araw-araw.

“Sa tingin ko nga ay transferee siya. May boyfriend na kaya siya?”

“Meron man o wala ay 'wag ka ng umasa, bro. Halata naman na hindi siya interesado. Baka gusto mong magaya kayla steve.”

Napangiwi ang mga ito.

“Hindi bale nalang. Wala pala akong pag-asa. Isa pa, medyo nakakatakot din siya e.”

“Kaya nga.”

“Pasikat!” Sambit naman ng ilang kababaihan na naiinis ngayon kay Dawn dahil sinaktan din nito ang kanilang crush na si Steve at nakuha pa nito ang interest ng kanilang iniidolo.

Kahit kasi barumbado ito ay hindi maitatanggi na g'wapo ito kaya marami rin ang nagkakagusto rito.

“Quiet!” Sigaw ng kanilang guro kaya napatahimik sila sa pagbubulungan habang tahimik lang si Zior na nakatulala sa harapan.

Hindi maalis sa isipan niya ang nasaksihan kanina.

Sang-ayon siya sa mga kaklase na lalaki. Ang astig nga ni Dawn kanina.

Napahawak siya sa batok at napangiwi.

Kanino siya nag-aalala kanina?

Bigla siyang nahiya dahil minaliit niya si Dawn dahil akala niya'y mahina ito. Gayo'ng wala palang k'wenta ang pag-aalala niya rito dahil hindi nito kailangan ng tulong. Baka nga siya pa ang mangailangan ng tulong nito kung nagkataon.

Pero sino bang mag-aakala na marunong itong lumaban? Hindi niya naman kasalanan na hindi niya alam. Tsaka magmamagandang loob lang naman siya pero mabuti nalang at hindi niya itinuloy dahil mapapahiya lang pala siya.

Ngumuso siya.

Pero hindi ba talaga natakot ang babaeng 'yon? Tsaka sino ba siya? Mukhang marunong siya ng martial arts at parang sanay na rin siya sa ganitong sitwasyon dahil kung umasta siya kanina ay akala mo hindi na big deal para sa kan'ya ang ganitong pangyayari.

Maraming beses na ba itong napunta sa ganitong sitwasyon?

“Nakukuryos ako...”

Nasampal niya ang pisnge matapos iyong masambit.

Nababaliw na ba siya? Bakit naman gugustuhin niya iyong malaman? Hindi naman sila close at wala naman silang koneksyon sa isa't isa.

Aish!

Bakit ba kasi naging magkaklase pa sila?

Ang daming section sa school nila pero bakit sa section niya pa talaga ito napunta? Tadhana ba ito?

Napangiwi siya. Imposible.

She gulped nang maalala ang nangyari kayla Steve.

Mukhang mas mabuti na huwag niya ng kalabanin si Dawn. Kakalimutan niya nalang 'yong ginawa nito kanina dahil baka magaya siya kayla Steve kung kakalabanin niya pa ito. Ayaw niya nga. Kag'wapuhan na nga lang ang mayro'n siya ay mababangasan pa. hehe.

Pero mabuti nalang pala talaga at hindi na siya nakipagtalo pa rito kanina. Mabuti nalang din at hindi na siya nito pinansin pa kanina.

Jeez!

Kung hinabol niya pa 'to kanina ay paniguradong nasapak at bumulagta na rin siya sa sahig.

Nasapo niya ang mukha at sikmura. Kapag nasapak siya nito paniguradong knock out siya.

Napayakap siya sa sarili. Nakakakilabot. Tumataas ang mga balahibo niya.

Mukhang lampa at mahina si Dawn na akala mo ay kulang sa vitamins pero mukhang sanggano ito.

Mabuti pa ay layuan niya ito kung ayaw niyang masangkot sa gulo o mapahawak.

Napatango-tango siya.

Tama!

.

.

SAMANTALA, Nagpupuyos at namumula sa galit ang mga kasama ni Steve na mabibigat ang hakbang at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao hanggang sa makarating sila sa clinic.

Nanggagalaiti ang mga ito dahil hindi sila nakaganti sa babae. Maganda nga si Dawn subalit magaspang naman ang ugali.

Hindi nila gusto ang ugali nito na hindi masunurin.

Napahiya sila kanina dahil dito. Natalo sila ng isang babae at malaking apak iyon sa kanilang ego bilang mga lalaki na kinatatakutan sa kanilang paaralan.

Paano kapag kumalat sa buong paaralan ang nangyari? Paniguradong pagtatawanan sila ng lahat at mamaliitin kaya naman kailangan nilang gumanti at ipakita na nakatsamba lang ang babae. Ipapamukha nila rito na mas malakas sila kaya dapat ay ilugar nito ang sarili.

“Ang yabang ng babaeng 'yon! Akala mo kung sino!”

“Sinabi mo pa! Siya na nga 'tong nilapitan choosy pa!”

“As If I know ay maland—” Hindi na pinatapos pa ni steve mag-salita si Lito na sinapak ni Dawn sa sikmura kanina dahil agad niya na itong sinapak sa mukha dahilan para matumba ito sa sahig.

“B-boss!” Gulat na turan ni Dino at Cinco tsaka tinulungan tumayo si Lito na hindi naman makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kanilang 'Leader'.

He can't believed na sinaktan siya nito. Sa harap pa talaga ng kasamahan nila!

He clenched his fist.

“Bakit mo 'ko sinapa—”

“Shut your f*cking mouth!” Asik nito sa kan'ya habang matalim na nakatitig sa kan'ya dahilan para maitikom niya ang bibig at mamutla siya tsaka lumunok.

“Don't you dare say bad things about her AGAIN. Leave her alone or else, all of you will be dead, understood?” Dagdag pa nito kaya kahit labag sa kanilang loob ay sabay-sabay silang tumango.

“Good. Now, GET LOSS.” Malamig na sambit nito kaya mabilis silang tumayo at umalis ng clinic.

“Ayos ka lang, Lito?” Tanong ni Cinco at matalim naman itong tiningnan ni Lito.

“Mukha ba 'kong okay?!” Singhal niya rito at napangiwi naman ito tsaka kumamot sa ulo.

“Sabi ko nga, hindi e.”

“Pero ano kayang nangyari roon kay boss? Hindi ba dapat magalit siya dahil sinapak din siya ng babaeng 'yon? Pero bakit pinagtatanggol niya pa 'yon?” Naguguluhang sambit naman ni Dino kaya kumuyom ang kamao ni Lito habang puno ng poot ang mukha nito.

Hindi niya matanggap na sinaktan siya ni Steve dahil lang sa transferee. Mukhang nakuha nga talaga ng hambog na babae ang interest ng lalaki.

“Hindi ba halata? That asshole had fallen fot that bitch!” Gigil na aniya.

“H-hey! Watch your mouth, Lito. Gusto mo bang mabugbog ng tuluyan ni boss?” Ani Cinco na bakas sa mukha ang kaba at pagkabahala.

“Boss? Ha! Wala akong pake sa kan'ya! Bugbugin niya kung gusto niya! Kung hindi lang naman mas mayaman ang pamilya niya kaysa sa akin ay hindi ako magiging sunod-sunuran sa gagong 'yon! Gano'n din naman kayo, hindi ba?!” Galit na asik nito kaya natahimik si Dino at Cinco.

Totoo naman kasi ang sinabi nito. Mas mayaman kasi ang pamilya ni Steve kaysa sa kanilang tatlo kaya naman kailangan nilang s******p dito at umakto na mga aso nito kung ayaw nilang isa sila sa maging target nito sa pambubully. Well, na-e-enjoy din naman nila ang ginagawa na pambubully dahil pakiramdam nila ay malakas sila.

“S-so, ano na ang plano mo?” Tanong ni Dino kaya napangisi siya.

“Ano pa ba? I will crush that bastard at isusunod ko ang hambog na babaeng 'yon. But of course, we'll have fun with her first.” Ngising aniya kaya napangisi rin si Dino.

“I-i don't think that's a good idea. We know how good Steve is pagdating sa pakikipaglaban. And that new girl, mukhang hindi siya basta-basta lang. Parang marunong siyang makipaglaban.” Ani Cinco na umiiling.

“Tsk! Self-defense lang ang alam no'n. Isa pa, babae siya mahina at mag-isa. Samantalang tatlo tayo kaya paniguradong sa susunod ay wala na siyang laban sa atin. Naisahan niya lang naman tayo kanina e.”

Sino ba kasing mag-aakala na marunong itong lumaban? Nasurpresa lang sila kaya hindi sila nakalaban dito.

Napangiwi naman si Cinco.

Hindi ba nare-realized ng mga ito that if that's the case, then natalo sila ng simple lang na self-defense?

“B-but if Steve found out about this, he will surely kill us because we ignored his warning!” Patuloy ni Cinco na nanginginig pa ang mga kamay.

“Tsk! Masyado kang duwag! Alam mo ba 'yon? Oo, magaling nga ang gagong 'yon but can he defeat more than 20 person? Hah! I'm afraid, he can't. And don't worry, kaya nga uunahan natin siya 'di ba? Para hindi niya tayo magalaw. Lastly, about that bitch. Don't mind her because she's just a girl.” Aniya na naplano na sa isip ang mga gagawin upang makaganti.

“Oh, right. I heard na kilala raw ng transferee si North.” Ani Dino kaya kumunot ang noo ni Lito.

So, magkakilala ang dalawa? Hindi na nakapagtataka. Kaya pala pareho silang nakakairita.

“Ano naman kung magkakilala sila? Walang magbabago sa plano na gagawin natin.”

“Pero ano'ng gagawin natin sa kan'ya kung sakaling maging sagabal din siya?” Sagot naman ni Dino.

“Good question! But no need to worry about that too. I already had a plan.” Aniya habang may hindi maalis-alis na ngisi sa labi.

“That's great! So, kailan natin gagawin ang plano mo?”

“Soon.  But first, we need to meet the EAGLE GANG.” Sagot niya.

“W-what!? Don't tell us, you are pla—”

“Yeah. We'll use them to take care of that son of a bitch and asshole president.” He answered tsaka ngumisi.

“So, ano? Sasama ba kayo?”

“Oo naman!” Mabilis at walang pag-aalinlangan na sagot ni Dino kaya napatingin sila kay Cinco.

“P'wede kang hindi sumama kung naduduwag k—”

“S-sasama ako!” Putol nito sa sasabihin niya.

Wala namang choice si Cinco dahil kapag tumanggi siya ay paniguradong gugulpihin siya ng mga ito dahil iisipin nila na magsusumbong siya kay Steve kaya bahala na.

“Mabuti! Tara na!” Magkakasama silang lumakad papunta sa parking lot at sumakay sa motor ni Lito na mabilis naman nitong pinaandar paalis sa kanilang paaralan.

"Ano'ng ginagawa niyo rito mga gago?! Ang lakas naman 'ata ng loob niyo na pumunta sa teritoryo namin!" Galit na sambit ng ilan sa m'yembro ng Eagle Gang matapos nilang dumating sa school ng mga ito at bumaba sa kanilang motor.

"R-relax, mga pare. Hindi kami rito pumunta para makipag-away. We just came here to delivered our boss's message." Ani Lito na itinaas pa ang dalawang braso sa ere na akala mo'y sumusuko sa pulisya.

"Can we talk to your leader?" Patuloy niya pa.

"You can't, TRASH!" Sagot ng isa sa mga lalaki tsaka nagtawanan ang mga ito.

'These Bastards!' Ngitngit niyang sambit sa isip.

Kung hindi lang niya kailangan ang mga ito para makaganti kay Steve ay hindi siya pupunta sa maruming teritoryo ng mga ito.

"Anong kaguluhan 'to?" Lahat sila ay napalingon sa lalaking bagong dating na ngayon ay maangas na lumalakad palapit sa kanila.

Malaki at matangkad ang lalaki na bato-bato pa ang maskuladong katawan. Moreno ito at kalbo na tadtad ng tattoo ang itaas na bahagi ng katawan.

Nakaakbay ito sa dalawang sexy na babaeng kulang nalang ay maghubad dahil sa ikli ng suot ng mga ito.

Kung hindi sila nagkakamali, ang lalaki ay walang iba kung hindi si JOEY MALACAD. Ang Leader ng Eagle Gang

"Boss! Mabuti at nandito ka na. Tingnan mo at nandito ang mga alipores ni Steve." Imporma rito ng mga tauhan nito.

Sumama naman ang timpla ng mukha nito matapos marinig ang pangalan ng lalaking kinamumuhian niya.

"Anong ginagawa ng mga gagong 'yan dito?" Mariin na aniya kaya napalunok pa muna sila Lito bago sumagot.

"W-we came here to delivered our boss's message," Ani Lito kaya kumunot ang noo nito.

"Ano namang mensahe ng gagong lalaki na 'yon?"

"N-narinig ng boss namin na nag-e-ensayo raw kayo nang husto kaya gusto niyang malaman kung lumakas na ba talaga kayo. Makipagkita raw kayo sa kan'ya kung saan niya kayo unang nilampas—"

"SHUT UP! That's f*cking bastard! He still thinks so highly of himself huh? TELL TO YOUR SON OF A BITCH'S LEADER that I am accepting his invitation! It will be my pleasure to beat him until he DIE!" Nagpupuyos sa galit na sigaw nito.

Palihim naman na gumuhit ang ngisi sa labi ni Lito matapos marinig ang sinabi nito.

"Since atat siya ay BUKAS PAGKATAPOS NG KLASE kami magkikita!" Dagdag pa nito bago badtrip na tumalikod at lumakad paalis kasama ulit ang mga babae nito.

EAGLE GANG is one of those Gang who really hates Steve for being arrogant and of course, for defeating them before in a fight.

They can't accept the fact na kahit mag-isa lang si Steve no'n ay nagawa sila nitong patumbahin kaya naman isa iyong malaking kahihiyan para sa kanila.

Pero s'yempre, iba na ngayon dahil talaga namang nag-training sila ng husto. Lalo pa at isang syndicate ang kumuha sa kanila at nag-sanay and yeah, they are not just some gangster because they're also a members of a syndicate doing illegal businesses.

So this time he'll make sure to crush Steve and make him realized that he's now much more stronger than him.

"Makakarating sa boss namin ang sinabi mo," Ani Lito bago palihim na ngumiti at tumango kay Dino at Cinco bago sila muling sumakay sa kan'yang motor at pinaharurot iyon paalis.

Hindi nila akalain na magiging madali lang ang unang hakbang sa pagpapabagsak nila kay Steve.

Ngayon ay kailangan nalang nilang gumawa ng panibagong k'wento para mapapunta sa iisang lugar si Steve at North.

Lito also hates north dahil pakialamero ito. He got beaten by his dad matapos itong mapapunta ng headmaster sa school ng dahil sa pambubully na ginagawa niya.

Hindi naman malalaman ng Headmaster ang ginagawa niya at lalong hindi nito matatawagan ang kan'yang ama para i-report ang ginawa niya kung hindi lang nangingialam si North. Ano naman kung ito ang student council president ng kanilang paaralan? Why don't he just sit and mind his own business? And stop being a hypocrite?

“Just wait for your downfall, bastard Steve, and asshole North!” Ngising sambit niya dahil sigurado na siya na sa kan'ya ang huling halakhak.

END OF CHAPTER 04

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status