Share

Chapter 3

CHAPTER 03

|DAWN AZURE's POV|

"Bilisan mong kumilos, Fawn." Kunot noo kong sambit habang nakapamulsang pinagmamasdan ang kakambal kong parang pagong kung kumilos sa sobrang bagal.

"Saglit lang, Dawn." Aniya kaya napabuntong-hininga nalang ako at nauna ng lumabas ng bahay at sumakay sa kotse namin.

Maya-maya lang naman ay lumabas na rin ito ng mansion namin at ngingiti-ngiting umupo sa tabi ko.

"Alis na po tayo, Manong." Saad niya sa driver namin na sinimulan naman nang paandarin ang sasakyan.

Na curious kami ni mom kung bakit nasa banko sila kahapon ni North instead of mall and they told us na naiwan pala ni North ang atm card ni mom sa cr.

Stupid, right?

Tahimik lang kaming nasa b'yahe hanggang sa makarating kami sa school na papasukan namin.

"Let's go, Dawn." Masiglang Ani Fawn tsaka hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas ng sasakyan namin.

Highschool na kami ni Fawn ng pumasok kami sa totoong paaralan. Reason? There is no reason, actually.

"Tamad ba kayo? Kaya hindi nagagawa ang mga assignment niyo? Lapit na sa akin. Ako ang gagawa ng assignment niyo sa halagang singkwenta pesos lamang ay paniguradong papasa na kayo!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Tsk! Ang laki-laki ng mundo kaya sinong mag-aakala na magkikita pa ulit kami? Na sa iisang paaralan pa talaga kami mapapabilang.

"Oh, dahan-dahan lang mga kaibigan. Lahat ng assignment niyo ay masasagutan." Nakangiting aniya pa habang kinukuha ang mga notebook ng mga estudyanteng nakapalibot sa kan'ya.

No'ng nakaraang linggo pa pala nagsimula ang pasukan at ngayon lang kami pumasok ni Fawn dahil inasikaso pa ni north ang mga kailangan namin para makapag-enroll since we are transferee at siya ang matagal ng nag-aaral dito since elementary.

North is already 20, college na siya while me and Fawn are 18 and still in senior high.

"Bakit may gan'yan dito? Sa pagkakaalam ko ay puro mayayaman ang nag-aaral dito ah." Ani Fawn pero nagkibit-balikat lang ako tsaka nagsimulang maglakad palapit sa p'westo nila since nakaharang sila sa hallway na naraanan naman talaga namin para makarating sa classroom namin.

Saktong pagtapat ko sa kan'yang likuran ay bigla nalang siyang humarap kaya nagkabungguan kami dahilan para mahulog sa sahig ang mga notebook na hawak niya.

"H-hala!" Napapikit na lamang siya at hinintay na bumagsak sa malamig na sahig pero kusang kumilos ang katawan ko at mabilis na ipinulupot ang braso ko sa bewang niya.

"Woah!" Singhapan ng mga estudyanteng nakatingin sa amin.

Unti-unti naman siyang dumilat kasabay nang panlalaki ng kan'yang mga mata matapos akong makita.

"Dawn." Agad ko siyang nabitawan nang marinig ang boses ni North.

"A-aray!" D***g niya naman nang mapaupo siya sa sahig dahil sa biglaan kong pagbitaw sa kan'ya.

My bad. But I did that for his sake as well. Since, it won't do him any good if he gets into his bad sides just because of me.

Nang lingunin ko si North ay walang emosyon itong nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

"Kyaahh! Si Mr.President!"

"Oh my gosh! He knew that girl?"

"I guess so, but wait! Does it means he also knew that cute guy na kasama ni girl?"

"Ngayon ko lang sila nakita, are they new here?"

"For sure! Maybe they are transferee."

"Gosh! I'm so jealous! Ano kayang relas'yon ni Mr.President sa kanila?"

Napailing nalang ako dahil sa bulungan ng mga estudyante na nasa paligid namin kung matatawag mo pa bang bulungan ang mga 'yan when you can clearly hears it.

But I almost forgot na si North nga pala ang student council president sa paaralan na 'to.

"But wait! That cute guy is the guy who was with Mr.President yesterday, right?"

"O-oh my gosh, oo nga 'no!? Kaya pala he looks so familiar. Siya si Fawn, 'yong kasama ni Mr.President sa interview kahapon. Kyaahh!!! We're so lucky to meet him here too!"

I rolled my eyes.

Attentions. I truly dislike it.

Bakit ba kasi nagpa-interview pa sila kahapon?

"Let's go." Ani North bago tumalikod at naunang lumakad paalis.

Kumunot naman ang noo ko tsaka sumunod sa kan'ya pero napahinto ako nang sumigaw si Zior.

"Sandali! Hindi ka man lang ba mag-so-sorry? Ang sakit no'n ah!" Sigaw niya kaya nilingon ko siya at malamig na tiningnan.

"It's your fault." Kaswal kong tugon bago nagpatuloy sa paglalakad tsaka palihim na ngumisi matapos makitang napanganga siya.

"Hintay Dawn!" Sigaw ni Fawn tsaka tumakbo palapit sa akin at inakbayan ako.

Zior...

It's looks like that he don't remember me since hindi niya naman masyadong nakita ang mukha ko kahapon dahil sa hood ng jacket na suot ko and that's good.

Napatingin ako sa kamay ko as I shook my head.

Why did I even catch that guy when he's about to fall?

This is so unlike me. I am certain that if it's someone else I will just pretend not to see them nor will I care whatever happens to them.

Tsk, Tsk.

This is annoying.

.

.

|ZIOR's POV|

Napakurap at nang mabalik sa realidad ay wala ng mga estudyante sa paligid ko. Ako nalang pala ang naiwan sa hallway na kanina ay puno ng mga estudyante.

Takte! Wala man lang nagpaiwan para tulungan ako! Pero, ano nga ba'ng aasahan mo sa mga kagaya nila na anak mayaman?

Pero kasalanan 'to ng babaeng 'yon e.

"Ang sungit naman ng babaeng 'yon! Siya na nga 'tong nakasakit ay siya pa ang mayabang!" Inis na himutok ko tsaka yumuko at dinadampot isa-isa ang mga notebook na nahulog kanina sa sahig dahil sa pagkakabanggaan namin no'ng babaeng mayabang na iniwanan lang din ako sa ere.

Hindi na nga nagsorry ay hindi pa ako tinulungan! Gan'yan ba talaga ang ugali ng mga mayayaman? Akala mo ay kung sino sila kung umasta. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at magpakumbaba.

Mamamatay ba siya kung hihingi siya ng dispensa?

"Kairita!" Nasambit ko nalang pero napatigil ako nang maalala ang mukha niya.

Aminin ko man o hindi ay maganda siya. Kaya lang ang cold ng awra niya at nakakatakot.

Matapos damputin ang mga notebook na nahulog sa sahig ay umayos na rin ako ng tayo tsaka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Fighting! Kaya mo 'yan, Zior!" Pag-che-cheer ko sa sarili bago nagsimulang lumakad papunta sa library.

Hehe. Ang totoo kasi n'yan ay hindi naman ako matalino kaya kailangan ko ng libro para masagutan 'tong mga assignment nila.

Kailangan ko 'tong gawin dahil dagdag din 'to sa allowance ko. Sayang naman kung hindi ko papatusin. Isa pa, kailangan 'pag nagkita ulit kami ni Azure ay may pambayad na ako sa kan'ya. Kaya lang... HINDI KO MATANDAAN ANG ITSURA NIYA!

Paano ko siya nito makikilala?

Nakamot ko nalang ang ulo. Siguro naman magkikita pa kami ulit 'no? At paniguradong makikilala ko siya kapag nangyari 'yon.

Nang makarating sa library ay agad na akong naghanap-hanap ng mga libro na kakailanganin ko bago ako naghanap ng mapipwestuhan at may namataan naman ako sa hindi kalayuan.

Agad akong lumapit at naupo sa bakanteng upuan na nakita ko tsaka ko agad na binuklat ang mga libro na kinuha pero agad ko rin 'yong naisara dahil hindi ko maintindihan 'yong mga nakasulat lalo na't puro english at ang liliit pa ng letra.

"Paano na 'to? Yari ako nito panigurado." Kamot ulo kong sabi at kinakabahan pa.

Baka mamaya ay magalit sa akin 'yong mga may-ari nito kapag hindi ko nasagutan. Isa pa, sayang 'yong ibabayad nila.

Bahala na nga! Gagawan ko nalang ng paraan.

Binuksan ko ang mga notebook na dala ko at natigilan naman ako matapos makita ang mga assignment nila na pare-pareho at malapad nalang akong napangiti dahil madali lang naman pala 'yong mga tanong.

Mga bobo ba ang mga may-ari ng mga 'to? Ang dali na nga lang ng mga tanong ay hindi pa nila sinagutan.

O baka naman sadyang tamad lang sila? Pero hindi bale, atleast ay kikita ako dahil sa katamaran nila.

"What is DNA?"

Sus, Basic!

"DNA, Di Na Aalis." Napangiti nalang ako lalo matapos maisulat ang sagot ko sa mga notebook nila.

Mabuti nalang talaga at kahit papaano ay may alam ako sa mga ganito.

"2 Types of Sugar." Pagbasa ko sa sunod na tanong.

"White and Brown sugar." Pagsulat ko ulit ng sagot sa notebook nila.

Putik! Ang dali lang pala nito tapos nag-library pa ako. Nasayang lang 'yong ilang minuto na paglakad ko para makapunta rito at napagod pa ako.

Kung alam ko lang na hindi naman pala mahirap ang mga assignment nila ay sana roon nalang din ako nagsagot sa hallway.

Pero hindi bale, nandito na rin naman ako kaya itutuloy ko nalang dito ang pagsasagot.

Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay natapos ko na ring sagutan ang mga assignment nila kaya tumayo na ako at matapos ibalik sa bookshelves 'yong mga libro na hindi naman nakatulong sa akin dahil hindi ko naman nagamit ay muli ko na ring binuhat 'yong mga notebook at lumabas ng library tsaka nagsimulang lumakad papunta sa classroom ko.

Hindi ko akalain na madadali lang pala ang tanong sa assignment namin.

Nadaanan ko ang classroom ng ilan sa mga nagpagawa sa akin kaya inabot ko na sa kanila ang mga notebook nila na hinihintay nila at nang makapagbayad sila sa akin ay napangiti nalang ako.

"Salamat! Sa susunod ulit!" Sambit ko pero itinaboy lang nila ako pero masaya ako kasi may tiwala sila sa sagot ko dahil hindi na nila binuklat pa 'yong mga notebook nila para i-check 'yong mga ginawa ko.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom ko.

"Nasaan na 'yong assignment namin?"

"Iyong sa akin?"

Agad na bungad ng mga kaklase ko pagkapasok ko palang sa classroom namin kaya isa-isa ko ring ibinalik sa kanila ang mga notebook nila.

"Sigurado ka bang tama 'to?" Tanong nila kaya proud akong tumango.

"S'yempre naman!" Sagot ko pero inirapan lang nila ako.

Mga mayayaman nga naman.

Ano'ng tingin nila sa akin? Bobo?

Sigurado kaya ako na tama ang mga sagot ko. Kung mali man 'yon ay paniguradong si sir 'yong may mali dahil ano namang isasagot niya sa mga 'yon kung hindi 'yong mga isinagot ko 'di ba?

Napailing nalang ako tsaka dumiretso sa upuan ko pero nagtaka ako nang makita na may babaeng nakaupo sa dati ay bakanteng upuan na nasa likuran ng upuan ko at mukhang natutulog ito dahil nakadukdok siya sa armchair ng upuan niya.

Transferee kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita e.

Maingat akong naupo sa upuan ko at tsaka mahinang sumipol-sipol.

Ang totoo ay bago lang ako sa school na 'to pero present ako no'ng first day of school palang.

"Good Morning Class." Agad kaming napatayo at bumati pabalik sa adviser namin maliban sa babaeng nasa likuran ko dahil nanatili itong nakadukdok sa armchair niya.

"Take a seat."

Nang maupo kami ay tsaka ko nilingon 'yong babae sa likuran ko at akmang hahawakan siya para gisingin at impormahin na nandito na ang adviser namin at baka mapagalitan siya kapag nakita siyang natutulog pero napatigil ako nang hulihin niya ang pulsuhan ko.

"What do you think are you doing?" Napalunok ako sa lamig ng boses ito at nang unti-unti niyang i-angat ang kan'yang ulo ay nanlaki ang mga mata ko.

"I-ikaw!? Ikaw 'yong babaeng bumunggo sa akin 'di ba?" Gulat kong sabi pero blangko niya lang akong tiningnan tsaka binitawan ang pulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako.

Agad kong inalis sa kan'ya ang tingin ko at itinuon nalang 'yon sa harapan dahil nakakailang ang walang emosyon niyang mga mata.

Pinaglihi ba siya ng nanay niya sa yelo? Ang cold niya e.

Maya-maya lang ay marahas na bumukas ang pintuan ng classroom namin at pumasok si Steve kasama 'yong tatlo niyang alipores kaya napunta sa kanila ang atens'yon ng lahat.

Kilala sila Steve sa buong Academy na mga siga at bully.

"Late na naman kayong apat." Sita sa kanila ng adviser namin pero dire-diretso lang silang pumunta sa likuran at naupo sa kadalasan nilang p'westo na para bang wala silang narinig.

Mga bastos talaga at walang modo.

Hindi naman na sila pinansin pa ng adviser namin na napailing nalang. Sanay na kasi ito sa ganitong gawain nila.

"Oy, may chicks pare oh."

Napasulyap ako sa kanila at napakagat nalang sa ibabang bahagi ng labi ko matapos mapagtanto na nakatingin sila sa likuran ko.

Paniguradong 'yong babaeng transferee 'yong tinutukoy nila.

Malas! Nakalimutan ko siyang balaan na umiwas sa mata ng mga alalay ni Steve.

Tumayo sila sa kanilang kinauupuan tsaka nagsimulang lumakad papunta sa likuran ko at nang huminto sila sa magkabilang gilid ng transferee ay napalunok nalang ako.

Anong gagawin ko? Paano kung pagtripan nila ang babaeng 'to?

Napailing nalang ako. Ano ba'ng pakialam ko kung gawin man nila 'yon? Hindi dapat ako nag-aalala sa babaeng hambog na 'to lalo na't may atraso pa siya sa akin.

"Anong pangalan mo Ms?"

"Single ka ba Ms?"

Rinig kong pagtatanong nila rito pero hindi ito umimik.

"Pipi 'ata 'to eh."

"Hoy kinakausap ka namin!" Malakas nitong hinampas ang ibabaw ng armrest ng babae kaya napapitlag kaming lahat.

Akmang sasawayin na sila ng adviser namin at akmang makikisali na rin dapat ako matapos makaipon ng lakas ng loob para ipagtanggol 'yong babae dahil kahit naiinis ako sa kan'ya ay hindi naman ako masama para magpanggap na walang naririnig at nakikita. Isa pa, kawawa naman siya. Paano kung matakot siya at hindi na pumasok? Isa pa, hindi ko rin kaya na hayaan lang na i-bully ang isang tao na nasa paligid ko lang dahil kapag nanahimik lang ako ay ano'ng pagkakaiba ko sa mga bully na 'to? Kapag hindi ako umimik ay parang katulong na rin nila ako kaya kahit alam kong mapapahamak lang din ako at walang magagawa dahil paniguradong isang sapak lang nila sa akin ay bulagta na ako, atleast sinubukan ko pa ring tumulong kaysa ang manahimik pero nang handa na akong tumulong ay isang kalabog naman ang narinig namin kasabay ng pagdaing ng alipores ni Steve na nanggugulo sa kan'ya.

*BOOOGGSHH*

Agad kaming napatayo at napalingon sa direks'yon nila pero sabay-sabay nalang kaming napanganga nang makita 'yong dalawang tauhan ni Steve na nakahandusay na ngayon sa sahig at d*******g habang hawak-hawak ang braso nilang namumula.

Mukhang pinilipit iyon ng babae.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ginugulo ako." Malamig na sambit no'ng babae kaya mas lalo kaming napanganga habang nanlalaki pa ang mga mata sa pagkabigla.

Mukhang wala lang para sa kan'ya ang mga nangyayari. Wala man lang kasing nagbago sa reaks'yon niya.

"Ikaw! Ang lakas ng loob mong saktan sila!" Galit na sigaw ng isa pang kasamahan ni Steve at akmang sasapakin 'yong babae pero s'wabe lang nitong inatras ang kan'yang ulo tsaka tumayo at hinawakan sa balikat ang lalaki tsaka tinuhod ang sikmura nito.

"A-ahh!" Hiyaw naman nito tsaka nagpagulong-gulong sa sahig habang hawak ang sikmura niya.

Paniguradong masakit 'yon.

"Interesting." Nakangising ani Steve na tila walang pakialam sa tatlo niyang tauhan.

Tumayo ito mula sa prenteng pagkakaupo sa kan'yang upuan at tsaka rin lumapit sa babae at hinawakan ang baba nito. Inangat niya ang mukha nito tsaka mangha na pinasadahan ito ng tingin.

"You got a mesmerizing beauty, huh? What's your name?" Tanong niya sa babae pero imbis na sagutin ang tanong niya ay bigla na lamang siya nitong sinapak sa mukha dahilan para matumba siya at mapahawak sa dumurugong ilong habang napasinghap naman kami lalo sa gulat.

B-babae ba talaga 'siya? Ang lakas niya.

"Dawn." Sambit no'ng babae tsaka nakapamulsang naglakad palabas ng classroom namin na para bang walang nangyari at iniwan kaming lahat na nanlalaki ang mata at namamangha.

Dawn?

Ayon ba ang pangalan niya?

"C-cool..." Naibulong ko nalang habang nakatitig pa rin sa pintuan na nilabasan niya.

END OF CHAPTER 03

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status