“Danielle!”, mula sa pagkakapikit ay bigla siyang napadilat. May tumatawag sa kanya mula sa kung saan at ng tumingin siya ay nakita niya si Robin na malalaki ang hakbang palapit sa kinaroroonan niya.“Robin, bakit?”, agad niyang ikinubli ang nararamdaman at hinarap ito.“Naiwan mo yung coat mo, eto oh!”, turan nito sabay abot sa hawak na coat.“Oh, thank you! Kaya pala feeling ko kanina may kulang saakin. Maraming salamat ulit.”, sinserong pahayag niya at tumango iyon habang nakangiti.‘Pauwi kana?’, mayamaya ay tanong niya at tumango iyon.“Oo, mag-aabang ako ng taxi diyan sa labas.”, turan ni Robin na tila nahihiya dahil sa kawalan ng sasakyan.“Sabay kana saamin!”, bigla niyang pahayag at hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya.“Sure?”, paninigurado pa nito at nang tumango siya ay parang bata itong tuwang tuwa lalo na ng isenyas niyang don siya sa passenger seat sa harap. Nang buksan ang pintuan sa harap upang pumasok ay bigla itong napahinto dahil nakita niyang nakaupo sa liko
Nang makaalis ang sinakyan ni assistant Rey ay napabuntnghiniga siya ng malalim at pagkatapos ay napailing sa sarili. She’s been so dramatic lately at ayaw na niyang maramdaman pa ang ganitong feeling. Muli ay napatingala siya sa taas at ipinikit ang mata pagkatapos nagbuga ng hangin mula sa kanyang baga. Tinapik tapik ang hawak na parte ng sasakyan at pagkatapos ay patamad na tumayo at lumulan dito. Bago niya paandar ang sasakyan ay nasulyapan niyang panay ang vibrate ng kanyang cellphone na nakapatong sa dash board. Tinignan niya iyon ngunit ibinalik din agad sa dashboard ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. She had decided to cut off everything about him., maliban na lamang kung patungkol ito sa project and answering his calls beyond office hours will no longer be accommodated by her. Kinabukasan, hindi pa man nakakapanaog ang kanyang mga magulang ay umalis na siya sa bahay. Sa dami ng miss calls ni Wolverine sa kanya kagabi ay tiyak niyang dadaan na naman ito sa kanilang ba
Eksaktong ala siete ay dumating si Danielle sa Ace Hotel, ipinark niya saglit ang kanyang sasakyan pagkatapos ay tinignan ng kaunti ang mukha sa salamin. Hindi na siya masyadong nag-effort sa kanyang make-up, naglagay lang siya ng kaunting blush on to match her silver semi-formal dress. Ang mommy niya ang pumili ng kanyag susuutin. Maalam sa fashion ang kanyang ina at gustong gusto niya ang taste nito pagdating sa pananamit. Hindi magarbo ngunit namamaintain nito ang pagiging class and elegant. Mukhang ito pa ang naexcite sa kanyang dinner date. Nailing siya ng iremind nito na iwasan ang kanyang pagiging siga. Pagkatapos mainspect ang mukha sa salamin ay kinuha niya ang silver clutch bag na kamatch ng kanyang damit at tuluyan nang bumaba sa sasakyan.Pagbungad pa lamang niya sa entrance hall ng Hotel ay nakita niya agad si Dylan na tila hinintay ang kanyang pagdating at poging pogi sa suot nitong black suit. Kung hindi lang seryoso ang mukha nito ay mapagkakamalan itong celbrity kaysa
“Are you two fighting?”, si Lorin ng maabutang nagkakasagutan ang dalawa.Sa inis ay ilang ulit lumunok si Danielle habang tinignan niya ng napakasama si wolverine pagkatapos ay kinuha ang clutch bag na nakapatong sa mesa at walang lingong likod na umalis. Nagtungo siya sa comfort room at doon ibinuhos ang sama ng loob sa pamamagitan ng malakas na pagsuntok sa wall ng CR. Nang mahimasmasan ay halos di na niya maigalaw ang kamay sapagkat namaga na iyon. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bag at pagkatapos ay itinali dito. Pagkatapos kalmahin at ayusin ang sarili ay bumalik na siya sa mesa na kinauupuan ng kanyang mga kasama. Lihim siyang nagpasalamat dahil si Dylan na lamang ang naroon na tila hinihintay ang kanyang pagbabalik.“They went ahead in the car”. turan ni Dylan ng mapansing hinahanap ng kanyang mata ang mga kasama tumango siya dito.“Let’s go, we’ll follow them”, pahayag ni Dylan at mabilis naman siyang sumang ayon. Inoffer nito ang kanyang bisig at ngumiti naman siyang kumapi
Pagdating niya sa SMC ay agad niyang hinarap ang trabaho, naguguilty siya sa ginawang pagtakbo kanina pero parang hindi niya kayang harapin ang mga magulang dahil sa nasaksihan ng mga itong pakikipaghalikan kay Wolverine. Ngayon lang talaga nangyari sa tanang buhay niya sapagkat kahit ni isang lalaking ipinakilala niya sa mga ito ay wala kung kayat madalas pinag-iisipan siyang member ng LGBT.Halos nakalimutan na niya ang mga pangyayari kaninang umaga ng bigla siyang ipatawag ng kanyang ama. Atubili siyang pumunta sa office nito dahil baka komprontahin siya tungkol sa kanila ni Wolverine. Nang makita siya ni assistant Rey ay sumenyas lang ito sa kanya na pwede na siyang pumasok sa private office ng ama. Kumatok siya ng tatlong bese pagkatapos ay maingat niyang binuksan iyon. Nag-angat ng mukha ang kanyang ama at sumenyas din sa kanya upang tuluyang makapasok.“Dad, pinatawag niyo po ako?”, halos hindi marinig ang sariling bose na turan sa ama ng makalapit siya sa mesa nito.“Uhmmm, ta
Pag-uwi niya sa bahay kinahapunan ay hinarang siya ng kanyang ina bago pa man maihajbang ang mga paa para pumanhik sa hagdan. Bigla ay rumehistro sa kanyang utak ang pagtakbo niya kaninang umaga ngunit patay malisya niyang hinalikan sa pisngi ang ina pagkatapos ay kakaripas sana ng takbo papunta sa taas.“Baka may meron kang sasabihin saakin bago ka pumanhik sa kuwarto mo?”, turan ng ina at pasimple niyang kinagat ang bibig saka ngumiti at umiling dito.“Are you sure?”, nanantiyang pahayag ng kanyang ina at pinag-ikutan niya ito ng mata.“Hindi ba kayo kinausap kanina? I’m sure we have the same explanation”, turan niya habang positive ang kaisipan na hindi ilalagay ng binata ang sarili sa alanganin. Sa palagay niya mas magaling magpalusot si Wolverine kesa sa kanya.“So, it’s true?”, paninigurado ng kanyang ina at alanganin siyang tumango sapagkat namimilog ang mga mata nito.“Yeah! Whatever he said is true.”, pagcoconfirm niya ngunit ang hindi niya maintindihan ay naitakip ng ina an
Sa mansion ng mga Sandoval ay hindi magkandaugaga ang mga kasambahay sa paghahanda para sa isang espesyal na hapunan. Iba’t ibang uri ng pagkain ang inahanda at kapansin pansin din ang pagpapalit ng mga kurtina at iba pang palamuti sa loob ng bahay. Nagtaka si Danielle, isang simpleng family dinner lang ang inaasahan niyang salusalo ngunit bakit parang may mga bisita namang inaasahan?“Salamat naman at nakinig ka saakin na umuwi ng maaga”, narinig niyang turan ng kanyang ina palabas sa dining room. Agad siyang binigyan ng halik sa pisngi pagkalapit nito sa kanya pagkatapos ay tinignan ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang paa. Hindi siya sanay na tinitignan siya ng ina ng ganito kung kayat naitaas niya ang kanyang kilay."Mom, is there something wrong with me again?”, turan niya sa ina habang ininspection din ang sarili. Ngumiti ang kanyang ina at malambing na hinaplos ang kanyang pisngi.“Wala anak, I’m just happy for you.”, pahayag nito pagkatapos kung kayat napailing siya sa kawei
Hindi napigilan ni Danielle ang matawa sa sinabi ng binatang wala itong girlfriend, pati ba naman ang taong ito pinagloloko din ang life niya sa gabing ito?“Huwag ka nang mashowbiz diyan, whether you have a girlfriend or none, I don’t mind. After all, hindi naman magwowork ang kahibangang ito ng ating mga magulang.”, sagot niya sa binata, what’s the point of not telling the truth kung face-to-face itong nagbabalandra ng girlfriend?“Kung hindi ka naniniwala, it’s fine me. But let’s try to consider their cravings with us; if it doesn't work, let’s say five or six months, then we quit.", saad ng binata at naitaas niya ang dalawang kilay habang inaanalyzed ang sinabi nito.“Deal, 5–6 months is okay with me. After that, we were going to break the agreement.", deklara niya pagkatapos. Ano ba naman ang lima o anim na buwan, okey din na pagbigyan ang kanilang mga magulang upang maiwasan ang pagiging nagger ng mga ito kung minsan.“Shoot! So, you’re my fiancée now, starting this hour?”, naka