Share

Kabanata 18.2

Maxine's POV

Isinuot ko ang isang simpleng itim na blusa at maong na pantalon. Matapos ay isinunod ko namang suotin ang aking manipis na medyas at sapatos.

Sinulyapan ko ang aking sarili sa salamin at marahang muling sinuklay ang aking buhok. Napahinto ako nang maramdaman ang kabang namumuo sa aking dibdib sa mga oras na ito.

Ngayon ang araw na maghaharap kami ng mga Francisco. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko upang maipagpatuloy ang laban na kanilang sinimulan.

Kailangan kong ikalma ang aking sarili kaya naman huminga ko nang malalim at ibinuga ang hangin gamit ang aking bibig.

Matapos kong manalamin ay agad kong dinampot ang shoulder bag na ibinigay sa akin ni Lexi. Nandito ako sa isang apartment kung saan ito ang napili ni Rusty na aming rentahan upang pansamantalang palabas sa mga Francisco.

Sa aking katapat na apartment ay ang isang private apartment na inuupahan rin ni Rusty. Nais lamang ni papa na makasigurado na magiging ligtas ako rito kaya naman naisip n'yang kunin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status