Share

Kabanata 20.1

Maxine's POV

NAGING usap-usapan ang mga naging pasaring sa akin ni Donya Sylvia at Liezel sa buong kompanya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang dahil halata sa aking kasamahan na may mga opinyon ito patungkol sa mga nangyayari.

"Maxine?" Pagtawag sa akin ni Aria kaya naman agad ko itong nilingon kahit na abala ako sa aking binabasa. "Totoo ba talagang naging asawa mo si Mr. Lawrence Francisco?" Muli na naman nitong tanong na ikinabuntong hininga ko na lamang.

Panay kasi ang tanong nito sa akin kung totoo ba talaga ang bagay na iyon. Mukhang hindi kapani-paniwala para sa kanilang lahat ngunit iyon ang katotohanan.

Isa pa, si Donya Sylvia naman ang nagpakalat ng bagay na ito. Talagang gumagawa s'ya ng paraan para masiraan nila ako sa ibang tao ngunit wala akong pakialam. Hahayaan ko silang gawin ang gusto nilang mangyari.

"Siguro kailangan ko na lang irecord ang sagot ko sa bagay na iyan, ano?" Naiiling kong tugon kaya napangisi naman ito dahil sa narinig.

Wala nama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status