Share

Kabanata 23.1

Maxine's POV

ILANG segundo kong pinakatitigan ito upang masigurado na si Manang Jocelyn nga ang taong ito.

"Manang Jocelyn?!" Pahayag kong at mabilis itong tumango. Agad ko namang binuksan ang pinto at dali-dali itong yumakap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mahigpit ko rin itong niyakap. Kasabay no'n ay naramdaman ko ang luha nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkahabag.

"Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko! Mabuti na lang at naisipan kong sundan kita!" Maluha-luha nitong sabi kaya kahit na naglalandas na ang aking mga luha ay nakuha ko pa ring ngumiti.

"Ang tagal ho nating hindi nagkita! Ang dami pong nangyari, manang!" Balik kong sabi at para akong isang bata na nagsusumbong sa nanay dahil sobrang bigat ng aking dibdib.

"Nalulungkot ako nang malamang wala na ang pamilya mo, hindi ko akalaing mawawala sila ng ganoon na lamang!"

Natigilan ako sa narinig dahil sa pagkakaalam ko ay umuwi ito ng probinsya kaya paano n'ya nalaman ang bagay na iyon?

"Pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status