Share

Kabanata 23.2

Maxine's POV

NAPANGITI ako nang tuluyang makita ang sarili sa salamin habang suot ang napakagandang gown! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sino ba kasing hindi sasaya kung ganito kaganda ang susuotin mo sa isang okasyon?

Punong-puno nang diamante! Literal na namumuti na ito dahil sa mga diamante nakalagay sa gown na ito. Idagdag pa ang mababang V-neckline na talaga namang mag nagpalitaw ng korte sa aking dibdib.

Tama lang rin ang sukat sa aking bewang na hapit na hapit at talagang makikita kung gaano kaganda ang aking hugis! Ang kulay pulang gown na mas nagpalitaw nang aking magandang kutis.

Kinulayan rin ang aking buhok ng ash blonde dahil mas bagay raw ito sa akin kaya naman manghang-mangha ako nang makita ang resulta! Ito ang unang beses na pumayag akong magpakulay ng buhok, kaya malaking tulong talaga si Lexi pagdating sa mga ganitong bagay dahil marami s'yang alam.

Maging ang kuko ko ay pinalinisan rin nito at ginawa pang nail gel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status