Share

Kabanata 24.1

Maxine's POV

NANG mahimasmasan ako sa mga bagay na pinaggagawa ko ay agad ko ng nilisan ang restroom at bumalik na sa event. Sa tuwing magkakatagpo ang aming mga mata ni Rusty, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya.

"Bakit ang tagal mo naman ata?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aria dahil mukhang kanina pa ako nito hinihintay.

Alanganin akong ngumiti upang hindi maipahalata rito ang kaba na kanina pa nagpapangatog sa aking mga tuhod! Kung alam mo lang, Aria! Baka mawindang ka rin!

"W-Wala lang, mukhang wala pa naman dito si president Verano. Saka naisip kong magtagal muna roon kesa naman awayin pa ako rito ni Liezel, 'no!" Pagpapalusot ko dahil wala yata akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang ginawa kong paghalik kay Rusty!

Mukhang napaniwala ko naman ito at agad s'yang napatango. Nakaramdam ako nang pagkailang at para bang may kung sinong mata ang nakatitig sa akin kaya dahan-dahan kong ipinilig ang aking ulo saka inilibot ang aking mga mata sa paligid.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status