NAPAAWANG ang labi nito at nagtataka ng marinig ang sinabi ni Anton. Gustong matawa ni Anton sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa taglay nitong ganda at halos ilang taon niya na ring nakikita ito rito sa loob ng kompanya ngunit ngayon lang niya natitigan ito ng malapitan dahil tinawag siya nito at hinarang ang pagpasok nila.
“Ah...numero ko po ba?” kandautal na tanong nito at alanganing tinanggap ang telepono ni Anton.
“Ah hindi...telepono ng kompanya, kung ayaw mong ibigay ang numero mo,” asar na tugon ni Anton. Nagtawanan ng malakas ang mga kasamahan niya. At isa sa mga ito ay lakas loob na nagbiro.
“Miss receptionist, huwag kang mag-alala binata iyan. Saka malaki sahod niyan, kayang-kaya kang buhayin,”
BRIELLE felt pity for Mr. Yang. Naintindihan niya ang pagsisikap nitong bumangon dahil alam niyang galing ito sa mahirap na angkan noon ayon na rin sa kwento ng mga kakilala nila sa business world.Tanging ang ama lamang ni Ivana ang tumulong dito para magkaroon ito ng bahagi sa loob ng HUO GROUP. Bukal sa loob ng itinuring itong matalik na kaibigan ng namayapa niyang biyenan. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Brielle ng marinig niya ang pagsambit nito sa pangalan niya.“Hello, Brielle, Brielle, nariyan ka pa ba sa kabilang linya?” paulit-ulit nitong sambit.“Ah… yeah.. Yeah… sorry sir, I was just thinking about something a moment ago. Pasensya na, marami lang akong iniisip nitong mga nagdaang araw,” balik-tugon niya rito habang sinisipat ang oras sa relong pa
NAPALUNOK si Harold ng tumitig si Ivana sa kanya, tila tumatagos hanggang kaluluwa niya ang tinging ibinigay nito. Gusto niyang lumubog sa kinauupuan dahil sa tindi ng kabang naramdaman habang hinihintay ang sasabihin nito.Nababasa ni Ivana na kabado si Harold base sa galaw nito, bumalik ang mga mata niya kay Brielle, ngumiti ng matamis rito, “Hindi ba sinabi ni Harold sa’yo na tumawag ako ng ilang ulit? Hindi ka kasi sumagot kanina, at sabi niya nasa meeting room ka, kausap ang mga executives, pero mukha namang hindi business meeting ang pinag-uusapan ninyo at hindi rin executives ang kausap mo,” muling bumaling ang tingin niya sa mga tauhan ni Brielle na ngayon ay lahat nakatungo.Sabay-sabay na nag-iwas ng tingin ang mga ito at pakiramdam niya pinagkakaisahan siya ng mga ito.
HE wanted to scream to release his anger, however, he realized it won’t help at all. Marahil nga kulang lamang sila sa tamang komunikasyon dala na rin sa sobrang dami ng alalahanin na kinakaharap niya.Gusto niyang sisihin ang sarili dahil naging kampante siya sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Isang masaya at tahimik na pamumuhay ng nakalipas na mga taon, nakaligtaan niyang meron pang kamag-anak ang kaaway nila.His sister was the biggest target because she’s carefree. Ang panandaliang katahimikan na nakamit ng pamilya niya ay muling sinubok sa pagkakataong ito, ang masaklap lang ay nalalagay sa alanganin ang relasyon nilang mag-asawa. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang intindihin ang kung anumang dahilan ni Ivana para tulungan ang salarin na siyang responsable sa kaguluhang ito.
BRIELLE was silent. He walked to the center, settled on the chair. Tama ang sinabi ni Harold, iyon din ang tumatakbo sa utak niya. Noon pa man mabigat na ang loob niya kay Samantha, at hindi niya magawang patawarin ito.He just tried to be formal when dealing with that woman for the sake of his wife, but this time around, he wanted to kill Samantha.“Ivana niloko kana nga, nagtiwala ka pa rin” lihim na kastigo niya rito mula sa kanyang isip.“We don’t have much time left. Sige na Anton, ituloy mo na ang diskusyon natin para bukas ng umaga magawa na natin lahat ng iyan. Nanganganib ang kapatid ko sa kamay ng taong iyon,” madilim ang anyong tugon ni Brielle.“N
SHE gently ran her fingers on Nate’s hair, soothing her young boy’s sadness. Alam niyang dinamdam nito ng husto ang pag-alis nila palayo kay Simon ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakalayo muna.Duwag mang maituturing sa paningin ng ibang tao kapag nalaman na ang babaw lang ng dahilan sa pagtatago nilang ito pagkat kung tutuusin inosente silang mag-ina pero hindi niya kayang isugal ang kaligtasan nilang dalawa.She only has Nate over the past years that Simon was sent to prison. Her son was her strength, and she can’t afford to watch he will suffer once the situation got worse. Kilala niya si Brielle at aminin man niya o hindi nararamdaman niyang hanggang ngayon hindi siya nito napapatawad.“Don’t believe those bullies who talked bad against your dad,
IMPIT na napaiyak si Samantha, nanginginig ang labi niya. Ilang minuto ang dumaan na di sumagot si Reymond. Nang mga sandaling ito, nasa loob siya ng pribadong walk-in closet na pinagtaguan niya ng cellphone niya. Sa ibang lagusan siya dumaan sa halip na sa sariling kwarto dahil naroon si Denise.Hindi naging maayos ang buong maghapon nila ng dalaga, kaya’t umiiwas na rin siya rito. Ayaw niyang dagdagan ang galit nito sa kanya ngunit biglang bumigat ang loob niya habang nag-uusap sila ni Samantha.Reymond clenched his fists. He was bothered with those messages Samantha sent him. He appeared selfish from Samantha’s perspective.Yeah, I’m selfish because I chose to love her than to take my revenge. He repeatedly uttered these words thr
TININGNAN siya nito ng seryoso, bakas sa mukha ang pagtataka. Bahagya itong ngumiti sa kanya bago nagsalita.“Ivana, you should support your husband. Brielle has been dealing with a tough problem right now. I don’t have the right to tell you what to do, but as close to your late father, I would dare to suggest to you that Brielle should have your most support on his weakest moment,”Bumuntong huminga ito ng malalim, muling tumingin sa kanyang mga mata ng diretso, “Naiintindihan ko ang malasakit mo sa pinsan mong si Samantha pero sana timbangin mo rin ang lahat bago ka kumampi sa kanya. Marahil nga hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganyan ang reaksyon mo, pero nasabi ko na kay Brielle ang lokasyon ni Samantha,”“If your cousin wasn’t guilty, then why did she
ILANG distansya lamang ang pinagtataguan nilang mag-ina mula sa garden area. Sapat para marinig niya ang boses ni Brielle. Umangat bigla ang kamay ni Kyree at pinisil ang mukha ng Mommy niya.“Mommy, it’s bad!”“Hush! Silent little prince, Mommy needs to hear your dad’s conversation,” She covered Kyree’s mouth and murmured.Kyree’s eyes flew to Brielle’s back and then returned to his mother. Bahagya nitong kinagat ang kamay ng ina na nakatakip sa bibig niya. Napaigtad si Ivana ng maramdaman ang bahagyang pagbaon ng ngipin nito sa palad niya.“Aray! Pilyo ka talaga, ‘wag kang maingay mahuhuli tayo ng daddy mo,” muling bulong niya rito.