Napahinto sa paglalakad si Precious nang makita niya si Jacob na nakatayo sa lobby ng condominium. Kauuwi lang nila ni Ziyad galing out of town. Ilang araw din silang wala sa Manila dahil sa importanteng bagay na inasikaso nila. Hindi niya kasamang umuwi si Ziyad sa penthouse, dahil dumiretso ito ng kompanya dahil sa ilang dokumento na kailangan niyang pirmahan. Kailangan ang mga iyon ngayong araw. Tumikhim siya at nagdire-diretso ng lakad. Sinalubong at hinarang naman siya ni Jacob kaya huminto siya. Nagkatinginan sila. Seryoso ang kaniyang mukha samantalang si Jacob ay malamlam ang mga mata na nakatingin sa kaniya. "How are you, Diamond? Or Jade?" His voice was so calm and gentle. Taliwas sa inaasahan niya. By now, dapat alam na ng lalake na niloko niya ito. Na hindi talaga siya si Diamond, kung hindi si Jade na kilala sa business world. Na may relasyon kay Ziyad Smirnov. Ngumiti lang siya ngunit hindi nagsalita. Titig na titig naman ang lalake sa kaniyang mga mata. Ang mga mata
Lahat ng tao sa loob ng conference room ay mangha at gulat na gulat na nakatingin kay Precious. Hindi sila makapaniwala na buhay ito at nagtataka din sila kung bakit iba na ang itsura nito. "Are you sure that you are Precious Real?" tanong ng isa sa mga shareholders. Magdududa nga naman talaga sila, dahil iba na ang itsura nito at ang tagal din niyang nawala. They thought she's dead. Walang makakapag-isip na buhay pa siya dahil sa pagsabog. "The one and only," sagot naman niya habang tinitingnan isa-isa ang mga tao sa loob, pero nilagpasan ng kaniyang tingin si Jacob na awang ang mga labi habang nakatingin sa kaniya. "Ibang-iba na ang itsura mo. Ayos lang sana kung..." Hindi matuloy ng isa ang gustong sabihin, dahil iniisip nito na baka ma-offend siya. "Kung pumayat lang ako?" dugtong ni Precious. Tumango sila. "Yeah. But you also changed your face.""Nagkaroon ako ng malaki at malalim na sugat sa mukha at ulo dahil sa pagsabog ng yacht..." Tumikhim siya at tumigil muna sa pags
Nang makaalis si Precious, sumunod ulit dito si Jacob. Tinatawag siya ni Cora para makapag-usap sila pero hindi man lang siya pinansin ng lalake. Naupo na din si Awi sa sariling cubicle at nagkunwari na walang pakialam sa paligid. Wala pa ding alam si Cora ngayon. Hindi alam na ang bestfriend nito na akala ng lahat ay patay na ay narito lang kani-kanina. Hindi niya alam kung ano ang plano ng kaibigan, pero pagdating sa bagay na ito, ayaw niya itong pangunahan. Alam niya na ginagawa ito ng babae, para maging okay na siya. She'll feel well or better after avenging herself, after the pain that they have inflicted her. Sana mahanap nito ang kapayapaan sa kaniyang puso. "Ang kapal talaga ng Jade na iyon!" sigaw ni Cora. Nagwawala na ito. Dahil sanay na ang mga empleyado sa babae, hindi nila ito pinansin. Ganito ito kapag nagagalit. She has a really bad temper, kaya nga nagtataka sila kung bakit nagustuhan ito ng asawa ng kanilang boss. Maganda nga ito, pero kung ganito naman ang ugali
Ziyad wanted to ask her about her plans about Jacob. Hindi niya mabasa ang nasa isip ng babae. O mas tamang sabihin na natatakot siya na baka tanggapin niya ito sa kabila ng mga nagawa nitong masasakit sa kaniya. He knew that she will never be happy if she will accept her again. She will be miserable again. Kahit ibang lalake na lang diyan, basta hindi lang si Jacob, kaya pa niyang tanggapin. Kasama nilang kumain ng dinner si Awi pero maging ang babae ay tahimik lang at nakikipagparamdaman sa kanilang dalawa. Palipat-lipat ito ng tingin sa kabilang dalawa pagkatapos ay magsusubo, may multo ng ngiti habang ngumunguya. Tumikhim ito nang hindi din siya nakatiis. "In-inform niyo na ang media tungkol sa pagbabalik mo?"Nagawa na ni Ziyad at lalabas iyon mamayang madaling araw, pero hinintay niyang si Precious ang sumagot. She just nod her head. Kunot ang noo at tila malalim ang iniisip habang kumakain. Napakamot na lang ng ulo si Awi, dahil napakatahimik ng dalawa. After dinner, umino
Bago pa makalabas ng silid si Jacob ay biglang dumating si Cora. Sumisigaw ito at nagwawala. "Jacob, tanga ka ba?! At inuwi mo pa talaga si Jade dito!" sigaw nito na dinig sa buong kabahayan. Nagpunas ng mukha si Jacob upang tuyuin ang kaniyang mga luha. Si Precious naman ay napabuntong hininga na lamang. Ayaw niyang makita si Cora, pero talaga namang ang kapal ng mukha ng babae dahil nagpunta pa talaga dito. Sana kaya niyang magpigil, dahil baka masakal niya ito. At sumugod pa talaga dito! "Jacob!" Hinihingal pa ang babae nang makapasok sa silid. Matalas ang tingin na pinukol niya kay Jacob, bago nilipat kay Precious ang mas matalim na tingin. Nakatayo lang ito habang hawak pa din ang picture frame. "What are you doing here, Cora?" tanong ni Jacob sa babae. "Nagpunta ako dito para pigilan ka sa plano mo!"Mukhang hindi pa din na-r-realize ng babae na siya si Precious. Tumalikod si Precious at muling tinanaw ang garden mula sa bintana. Naalala niya ang kaniyang ama. Nang bata s
Kahit alam niyang desidido ng makipaghiwalay sa kaniya si Precious, Jacob still tried to pursue her. He'd send her flowers and chocolates but Precious didn't receive any of it. Dahil nalaman ng mga magulang niya ang tungkol kay Precious, nagsabi ang mga ito na gusto nilang makausap ang babae, pero sinabi niya ang sitwasyon sa mga 'to. Naiintindihan naman ng Mommy ni Jacob ang pasya ni Precious. Babae siya at hindi din siya isang martir kaya alam niyang tama lang ang ginagawa ng kaniyang manugang. She was sad but what can she do? Pinalaki naman niya ng maayos ang anak, hindi siya nagkulang sa pangaral dito ngunit sadyang mapaglaro ito sa babae. Sawa na siyang manermon kaya iniwan na lang niya ang anak niyang maluha-luha habang nagkukuwento. Naaawa at naiinis siya dito. Kasalanan din naman ng kaniyang anak kung bakit miserable siya ngayon. Hindi na pumapasok sa trabaho si Jacob. Habang lumilipas ang mga araw, ay pabigat naman nang pabigat ang dala-dala niya sa kaniyang dibdib. Ar
Precious woke up with the same pain that she's been feeling for how many months now. Bumangon siya at ilang sandali na napatulala. She prayed and then write her thoughts on her journal that Ziyad gave to her. Sabi ni Ziyad baka makatulong daw ito sa kaniyang healing. Nandito pa din siya sa penthouse ng lalake. Plano sana niyang mag-rent ng ibang unit, habang pinapalinis pa lang niya ang mga properties ng kaniyang ama, pero sabi ng lalake na dumito na lang muna siya habang hindi pa siya umaalis. Kasabay niyang kumain ng agahan ang lalake at kasalo din niya ito sa hapunan. Ayaw sana niya dahil baka mas lalo lang madagdagan ang kaniyang iniisip, dahil alam niyang pag-alis ng lalake, makakaramdam siya ng lungkot. Ilang buwan na silang magkasama kaya maninibago talaga siya kapag umalis na ang lalake. He's always been there for her lalo sa mga panahon na lugmok siya at walang-wala. Hulog ito ng langit."Oo nga pala," sambit niya nang may maalala siya. "Iyong bayad sa—" Mabilis na umi
Hawak ko ang aking noo habang papasok ako ng aking opisina. Galing ako sa lunch meeting kasama ang investor. May binubuo kasi kaming bagong project. Medyo madugo ang proseso kaya na-stress ako. Tinataas ko lang ang isang kamay ko sa mga empleyado na bumabati sa akin ngayon. Hindi ako ngumingiti dahil hindi na iyon kusang gumuguhit sa aking mga labi. Pagdating ko sa aking opisina, nadatnan ko pa ang tambak na mga papeles. Parang gusto ko tuloy iyong inaalok na bakasyon ni Awi sa akin. Kaso, hindi ko naman puwedeng pabayaan ang mga negosyo namin. Uminom ako ng tubig bago ko sinimulan ang trabaho. At kung kailan mag-alas tres naman ay dumating si Awi. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko sa aking kaibigan. Ang ganda-ganda ng ayos niya pero bad mood siya. "Hindi ko bet iyong lalake," nakangiwi niyang sagot. Galing siya sa isang blind date. Pinipilit pa nga niya akong sumama, pero sinabi ko na lang na madami akong trabaho. Which is true! Nagtaas ako ng kilay. "Masyado sigurong mataas