Share

LAB— 55

Agad na akong nagpalit ng damit pagdating ko ng villa. Mabuti na lang at may nilagay siyang pajama sa mga damit ko. Halos mga sexy na damit kasi ang in-empake niya.

Pagkahiga ko ay sakto namang dumating si Awi. Nakangisi siya ngunit walang sinasabi. Hindi ko alam kung bakit siya sumunod agad. At saka lumapit ba siya kay Ziyad? Pinansin ba siya ng lalake?

Nagpalit na din siya ng damit at tinabihan na ako sa malaking kama.

Akala ko matutulog na siya dahil pumikit na siya, pero bigla siyang humarap sa akin. Nakatitig sa akin ng seryoso bago nagsalita.

"What are you feeling right now?" tanong niya. I was expecting this. Siya pa! May pagka-tsismosa siya, e.

"Inaantok," sagot ko naman, kahit na alam ko kung para saan ang tanong niya.

"Ano'ng nararamdaman mo kanina nang makita mo si Ziyad?"

"Ang layo saka madilim kaya hindi ko naman siya gaano nakita."

Pumalatak siya at umiling-iling.

"Ano nga?"

Seryoso kong tiningnan ang aking kaibigan. Tingin ko naman walang malisya sa tanong niya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
Update po Ma'am
goodnovel comment avatar
Krist
Malapit na cguro tong matapos. Go precious hoping your heart loved who's deserving.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status