Share

Chapter 47.1

Chapter 47.1

Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko ngayon at tanging si Papa lang ang may kakayahang bigyan iyon ng kasagutan. Gusto kong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kuwarto nila pero hindi ko kaya, wala akong lakas para gawin iyon.

Pero hindi ko akalain na bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon na kausapin si Papa ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila.

Napaangat ako ng ulo at doon iniluwa sina Mama at Papa. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata nang matagpuan nila akong nakaupo sa sahig at umiiyak.

"T-trixie..." si Mama at bakas sa boses niya ang pag-aalala. 

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago binalingan si Papa. After all these years, mula sa malamig niyang ekspresyon ay ngayon ko lang ulit siya nakitaan ng emosyon. Para siyang tinakasan ng dugo dahil sa pamumutla habang nakatitig sa akin. 

Dahan-dahan akong tumayo gamit ang nanghihina kong mga tuhod. Pinunasan ko ang mga luha kong walang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status