Share

Kabanata 24

Drunk.

"Good afternoon po," nakangiting bati ni Kylo kay Manang nang pumasok siya sa kwarto nito.

"Ay kay gwapong bata nga, apo..." Tuwang-tuwa na sabi ni Manang na nilingon pa ako.

Ngumiti na lang ako para itago ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko man lang naisip noon na darating ang araw na makikilala nila si Kylo. Hindi ko na rin kasi naisip na magkikita kami ulit sa tagal naming nagkahiwalay.

"Pogi. Pwede ko bang agawin?" Bulong ni Eros sa akin.

Pabiro kong inirapan si Eros na siyang ikinahalakhak niya. Hinatak kaming dalawa ng mga kaibigan namin kaya naiwan si Manang at Kylo sa loob ng kwarto. Nasa labas lang naman kami at nakikita ko ang ngiti ni Manang kay Kylo. May pinag-uusapan sila na hindi ko marinig dahil medyo malayo sila sa amin.

"Ang gwapo-gwapo niya, Chime. Bagay na bagay nga kayo," sabi ni Vivien na mahina pang kinurot ang tagiliran ko.

"Kaya pala gano'n magreact ang mga schoolmates mo sa inyo base sa kwento mo..." Tumango-tango si Yvonne. "Totoo ngang perf
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status