Share

Chapter 3

Best Friend 

"Iya there you are! "

Bigla naman akong natigilan ng marinig ko ang boses na yun. 

Sabay naming sinundan ng tingin ni iya ang pinanggalingan ng boses at ganun na lamang ang gulat ko ng makita ang lalaki kanina sa table 12.

 Kahit na kitang kita na naghahabol na siya ng hininga ay nagawa niya paring tumakbo papalapit sa direksiyon namin. 

Anong ginagawa nya dito? 

Teka? Mag kakilala sila? 

Wait!!  Baka sya yung boyfriend niya na inagaw ng Bestfriend niya!! 

Kailangan mapagtanggol ko si Iya!  Diba ganun naman yung gawain ng kaibigan?  Ipagtanggol at damayan ang isa't isa.

Kailangan hindi na siya makalapit kay Iya para hindi na masaktan ulit si Iya! 

Tama! 

Dapat hindi na to makalapit pa kay Iya! 

Nang medyo malapit na sya kay Iya ay lalong humagulgol ng iyak si Iya kaya naman bago pa siya tuluyang makalapit kay iya ay inipon ko ang lahat ng lakas ko para matulak siya ng malakas,  at hindi naman ako na bigo dahil na rin siguro sa alak na nainom niya kanina ay napaupo siya sa ginawa kong pag tulak. 

"What the heck is your problem!?" kunot na noong sigaw niya saakin dala ng galit sa ginawa ko sa kaniyang pag tulak.

Tignan mo itong gagong to!  Siya na nga itong may atraso kay Iya tapos ang lakas pa ng loob niya pumunta dito!  Para saan pa?  Para saktan ulit si Iya?  Hindi ako papayag!

"Hoy!!  Ang lakas ng loob mong mag pakita kay Iya pagkatapos mo siyang ipagpalit sa kaibigan niyang ahas! " malakas na sigaw ko sakaniya habang nakaturo ang kamay ko sa kaniya. 

Ang kapal ng mukha niya!  Saan niya nahiram ang ganoong ka-kapal ng mukha? 

"Are you out of your mind?" aniya at tumayo mula sa pag kakaupo at nanglilit ang mga mata niyang tumingin saakin. 

Unti unti naman siyang lumalapit sa direksiyon ni Iya kaya naman mabilis kong hinarang siya para hindi siya matuloy sa binabalak niya.

"Huh!  Ako pa talaga?  Baka ikaw!  Mahal na mahal ka ni Iya tapos sasaktan mo lang siya?  Gawain ba ng matinong lalaki yan?  Lalaki ka ba? "

"Of course i am" sagot niya na para bang walang kwenta yung tanong ko sa kaniya .

"Weh?  Lalaki ka?  Ano bang ginagawa mo pa dito?  Anong balak mo huh?!  Sasaktan mo na naman si Iya?  Nasan na ba yung babae mo para mapagbuhol ko kayong dalawa! "

"Iya what's the meaning of this? " di makapaniwalang nilingon niya si Iya ngunit hinarangan ko ulit para hindi nya makita si Iya.

"Aba bakit si Iya yung tinatanong mo?  Bakit hindi yung sarili mo yung tanungin mo? " 

Nanatili lamang siya tahimik kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko. 

"Tanungin mo yung sarili mo kung bakit ka pumayag na maagaw ka nung babae mo! Ang gago gago mo para pakawalan si Iya alam mo ba yun? " nangliliit ang mata ko para sa kaniya habang sinasabi ko yun. 

"Wait miss, I'm just here to fetch my Sister!" aniya habang nakataas ang dalawang kamay at umiiling na para bang sinasabi niya saaking tumigil na ako sa pagsasalita. 

"S-sister?" nauutal na tanong ko at tinignan ko naman si Iya na nasa likod ko habang tumatawa. Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig at gusto ko nalamang kainin ng lupa o ilibing ng buhay dito sa kinatatayuan ko. 

Sister? 

Magkapatid sila? 

Pano sila naging mag kapatid? 

Syempre pareho sila ng mga magulang!!  Ano ba namang pag iisip yan Airi!  

"M-mag kapatid kayo? " nauutal na tanong ko kay Iya.

"Acctually—"

"Yes." naputol ang sasabihin ni Iya ng sumagot si— ano ba pangalan nito? 

Kung mag kapatid sila, gusto ko nang mag palamon sa lupa ngayon na! 

"A-akala ko ikaw yung boyfriend— i mean ex boyfriend ni Iya kaya ko nagawa yun" paliwanag ko habang parang lahat ng dugo ko ay umakyat lahat sa pisngi ko. 

Bakit ko nga ulit ginawa yun? Napasapo nalang ako sa noo at pilit na pumapasok sa utak ko yung mga ginawa at pinag sasasabi ko kanina. 

Pinahiya ko lang ang sarili ko!  Bago pa nga lang kaming mag kakilala ni Iya tapos may atraso na agad akong nagawa sa kapatid niya.

"Iya bakit hindi mo sinabi agad?" maliit na boses kong tanong kay Iya at natawa naman siya. 

"I like you, and from now on we're  best friends na" aniya na kinagulat ko naman.

I mean alam kong mahirap ulit pumasok sa pagkakaibigan dahil sa ginawa ng ex bestfriend niya sa kaniya at kapag pumasok ka ulit sa pag kakaibigan ay kailangan may tiwala kayo sa isat isa. 

Teka ibig bang sabihin nito pinag kakatiwalaan niya na ako? Dahil ba sinabi kong magtiwala siya saakin o kusa siyang nag tiwala saakin?  

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pero isa lang ang pumasok sa utak ko, Ang

Bestfriend! 

"You know—" naputol na yung iba niya pang sasabihin ng biglang may sumigaw.

Lahat naman kami ay natigilan at tinignan ang pinanggalingan ng boses. 

"Love!! " tumatakbong pumunta si Renz sa direksiyon ko at nang makalapit sya ay sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Nandito ka lang pala!  Kanina pa kita hinahanap! Pinag alala mo ko alam mo ba yun? " aniya at ramdam na ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng puso niya.

"T-teka Renz di ako makahinga" sabi ko sa kaniya kaya naman niluwagan niya iyon bago dahan dahang umalis sa pag kakayakap saakin.

"Ay sorry!  Nag alala lang talaga ako sayo akala ko may hindi nang magandang nangyari! " paghingi niya pa ng paumanhin. Hindi ko nalamang iyon pinansin at hinawakan ko ang kamay niya tsaka tumakbo paalis sa lugar na yun.

Duhh!  Sobrang nakakahiya yung ginawa ko kanina kaya hindi ko sila kayang harapin ngayon. Kung pwede nga lang ay, Sana hindi na muli mag tagpo ang mga landas namin dahil hindi ko kakayanin.  Pero kung sakaling mag tagpo ulit ang mga landas namin ay manghihingi nalang ako ng sorry pero sana kung magtatapo man ulit ang mga landas namin ay hindi ngayon,  hindi bukas o sa makalawa. 

Pareho naming hinahabol ang hininga namin nang tumigil na kaming pareho sa pagtakbo.

"Ano bang problema love? " hinihingal niya tanong habang nakaharap saakin. 

"W-wala.  Nasaan na yung motor mo?" nauutal kong tanong at winala ko nalamang ang usapan dahil hindi ko kayang i-kwento sa kaniya kung paano ko pinahiya ang sarili ko sa taong kakakilala ko palang.

"Ayun oh! " turo niya sa may hindi kalayuan at sinundan ko naman ng tingin kung saan iyon naka turo at nakitang nandoon nga ang motor niya.

"Tara na pagod na ko.  Umuwi na tayo" Aya ko sa kaniya at agad naman siyang tumango tsaka patakbo niya iyong pinuntahan. At pinaandar niya naman iyon tsaka ako sinalubong para makasakay ako at umandar na iyon para makauwi na kami.  

~~~

Habang nag lalakad papasok sa building ay biglang pumasok sa isip ko kung bakit iniwan ako ni Renz ng walang paalam kanina. 

Muntik ko ng makalimutan ang tungkol dun dahil sa pagkakapahiya ko sa sarili ko kanina. 

"Ahm love yung tungkol kanina, gusto ko mang ipaliwanag ngayon kaso ang sabi mo kanina ay pagod kana kaya pwedeng bukas nalang? Lalabas naman tayo dahil day off natin diba? " aniya at tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya.

Aaminin ko medyo nag tampo ako dahil sa ginawa niya kanina dahil hindi niya naman gawain yun.

Gusto ko ngayon ko na marinig yung paliwanan nya kaso tama naman siya Pagod na ako ngayon.  Kaya bukas nalang tutal marami pa naman kaming oras para pag usapan ang tungkol doon.

Or kahit wag na niyang i-kwento saakin lahat kung personal na yun, maiintindihan ko naman eh.  Ang sakin lang sana nag text o tumawag man lang siya para hindi ako nag aalala.  

Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng unit ko ay hinarap ko siya at nagpasalamat.

"Basta bukas love huh!  Maaga pa ako bukas pupunta dito kaya dapat maaga ka rin gumising" aniya at tumango naman ako.

"Sge na love mag pahinga kana!  Love you!"

"Love you too" nginitian niya nalang ako tsaka tumalikod para umalis.  Ako naman ay sinara ko na ang pinto ng unit ko at nag pahinga saglit bago mag linis ng katawan at natulog. 

~~~

"Ahmm love yung tungkol kahapon, Una sa lahat gusto kong malaman mo na hindi ko sinasadya yun Ok?" Nandito na kami sa Mall ngayon at naglalakad lakad dahil kakarating palang namin. Sa Mall naming napagkasunduan na pumunta ngayong day off namin dahil lagi naman kami dito.

"Pangalawa, kaya hindi ako nakapag text o missed call man lang,  dahil lowbat ako." tumango lamang ako habang nakikinig sa kaniya. 

"Pangatlo alam mo naman yung sakit ni nanay diba? Si nanay kasi tinakbo sa hospital kaya nag mamadali akong umalis kagabi.  Hindi ko talaga sinasadya love. Sorry! talaga!!"

What?! Si nanay yuna sinugod sa hospital?

"Ba't di mo sinabi agad?"  tanong ko sa kaniya at nilingon ko siya.

"Kasi pagod kana kahapon? " aniya at hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya!  Dahil lang pagod ako kahapon kaya hindi niya sinabi sakin?  

"Kahit na Renz! Tinuring ko na ring nanay si nanay Yuna! " sabi ko at huminto naman ako sa paglalakad para hampasin siya ng mahina sa braso.

"Promise hindi na mauulit" aniya habang nakataas pa ang kanang kamay niya. Inirapan ko nalamang siya at nag patuloy sa pag lalakad.

"kamusta na si nanay Yuna? "

"Pag alis ko kagabe sa hospital ok na siya kaya sinundo agad kita.  Kaso pagbalik ko hindi naman kita makita sa waitress room dun ako sinimulang kabahan kaya hinanap agad kita." aniya. Hindi nalang ako sumagot. 

"Love anong gusto mong unahin natin? Arcade o mag sine o kumain muna? "

"Hmmmm" sabi ko habang nakalagay ang isang kamay ko sa baba at tila nag iisip "Arcade" sagot ko habang naka ngiti

"Tara na!" aya niya at masaya kaming pumunta sa arcade. 

Sobrang dami naming nilaro at nakakapagod. Nag laro din kami ng basketball, claw machine,  racing games at marami pang iba.  Hanggang sa nagutom kami at bumili muna siya ng ice cream bago kami pumunta ng restaurant para kumain.

"AIRI!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status