PARANG gustong lumubog ni Ester sa kanyang kinatatayuan nang ibaling sa kanya ng mga tao ang tingin. Hindi man nagsasalita ang mga ito, alam niyang marami sa mga ito ang naninisi sa kanya.
Wala siyang kasalanan, gusto niyang sabihin sa mga ito pero alam niyang kahit maniwala ang mga ito sa kanyang sasabihin ay nasa puso pa rin niya ang guilt. Ang nais lang naman kasi niya ay makaganti sa babaeng iyon na hanggang ngayon ay sinisisi pa niya kung bakit nawawala ang kanyang anak.
Kung hindi nito minahal at pinakasalan si Grayson ay masaya sana ang anak niya ngayon at siyempre, ganoon din ang mararamdaman niya. Kapag kasi pinakasalan ni Grayson si Jean ay siguradong aangat na ang kanilang buhay. Hindi na niya kakailanganin pang magkandakuba sa pagtatanim at hindi na niya kakailanganin pang maglabada tuwing Sabado at Linggo.
DAHIL sa pakiramdam ni Ester ay mas makapangyarihan sa kanya ang salita ng babaeng iyon ay umuwi na siya matapos siyang kumain. Kung kanina ay interesado pa siyang malaman kung anong nangyari sa babae na iyon, ngayon ay may takot na siyang nararamdaman. Sa salita pa lang ng matandang iyon ay parang sinasabi na nitong may makapangyarihang tao na kakampi ang babaeng iyon.Hindi lang basta taong may mataas na katungkulan sa lipunan kundi may alam sa mahika negra. Parang gusto na kaninang mapugto ng kanyang hininga nu'ng sabihin ng matandang babae na iyon na, sa susunod na araw ay siya na ang kakainin ng uod.Sa ipinahayag nito ay nakaramdam siya ng kilabot. Para kasing sinasabi nito na mamamatay na siya.Hindi. Hindi maaaring mangyari iyon. Kailangan mun
Kahit na sinabi na ng doktor na maaari na siyang i-released, hindi pa rin magkandatuto ni GB sa pag-iingat sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya. Pakiramdam tuloy niya'y baldado siya kung tratuhin nito.Napabuntunghininga siya sa kaisipang iyon.Alam niyang hindi ganoon ang dapat. Iyang maramdaman. Dapat pa nga ay matuwa siya sa pag-aasikasong ibinibigay ni GB sa kanya. Ibig sabihin ay talagang mahal na mahal siya nito."Kaya ko namang…" hindi na naituloy ni Hannah ang kanyang sasabihin ng bigla siya nitong buhatin papasok ng sasakyan."Para namang paralisado na ko kung makaasikaso ka," natatawa niyang sabi kay GB ngunit ang totoo, hindi siya nasisiyahan. Pakiwari niya kasi'y mahinang nilalang na ang tingin nito sa kanya.Sa buong buhay n
KAILANGAN daw magpunta ni GB sa Firm nito kaya nang mapag isa siya sa silid ay nag-umpisa na siyang mag-isip kung ano ang gagawin niya para hindi mainip nang bumukas ang pinto. Pagkaraan ay pumasok si Aling Adelaida, este, ang kanyang Ninang Adelaida. Ngiting-ngiti ito sa kanya."Ano hong ginagawa ninyo rito?" gulat niyang tanong tanong. Talagang ikinagulat pa niyang hindi niya nagawang itanong dito ang mga katagang nakalimutan yata ninyong kumatok? Ngunit, pagkaraan ay naipagpasalamat niyang hindi iyon ang kanyang naibulalas. Ayaw din naman kasi niyang ma-offend ito.Alam niyang sa kanya lang naman ito malapit. Ang mga tenants niya ay mangkukulam ang tingin dito kaya naman halos hindi rin ito lumalabas ng bahay. Naging malapit lang ito sa kanyang mga
AYAW na ayaw sana ni Adelaida na nakikipag-usap sa ibang tao pero hindi naman niya matanggihan si Luciano nang ayain siya nitong magmiryenda. Matapos kasi niyang hilutin si Hannah ay nakatulog ito. Ayaw na naman niya itong istorbohin pa sa pamamahinga nito kaya nagpasya na siyang lumabas ng kuwarto nito. Ayaw na ayaw din kasi niya nang naiinip. Ibig niyang gumagana ang kanyang isip at ang kanyang katawan. Iyon ang sikreto kaya nananatili siyang malakas at may matalas na isipan. “Kaibigan mo pala ang mag-asawa?” tanong nito sa kanya. “Yes,” wika niyang iniwas ang tingin dito. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa miryenda na ipinahanda nito sa tinawag nitong Nurse Samantha. “At hindi lang basta kaibigan, ninang nila ako ng sila ay ikasal.” Nang tuming
DAHIL sa matinding selos ay gustong hablutin ni Gray kay Hannah ang pizzang hawak nito ngunit kapag ginawa niya iyon ay siguradong mag-aaway lang sila. Magdaramdam pa ang kanyang misis at makakasama pa sa kalagayan nito. Sabi nga ng doctor, huwag bibigyan ng anumang problema ang buntis. Huwag hahayaang ma-stress ito.Kahit kasi sabihin pang siya naman ang nagbayad ng pizza na ipinadala ni Silver, hindi pa rin mababago ang katotohanan na si Silver ang nagpadala noon at hindi siya. Mararahas na buntunghininga pa ang kanyang pinawalan dahil muli niyang naisip ang ikinumpisal sa kanya ni Silver.May gusto ito kay Hannah at parang nagbabanta ito na kung magiging pabaya siyang asawa ay pagsisisihan niya iyon. Mariin pang sinabi sa kanya na kapag sinaktan niya si Hannah ay hindi ito magdadalawang isip na ilayo sa kanya ang kanyang asawa. Hah, para namang h
"ARAY ko!" Hindi napigilang isigaw ni Samantha dahil biglang nanakit ang kanyang tiyan. Para tuloy gusto niyang magsisi na kumain siya nang kumain ng pizza.Bilang nurse naman kasi ay alam niyang hindi makabubuti kay Hannah na kumain nang kumain ng pizza kaya minabuti nilang huwag ibigay lahat kay Hannah ang pizza. Iyon nga lang isang box din ang binigay niya rito. Bahala na ito kung uubusin ba nito ng pizza.Ngunit, parang siya ang sumama ang pakiramdam sa kakakain ng pizza. Tatlong pizza lang naman ang kanyang kinain samantalang dati ay kayang-kaya niyang umupos ng isang box sa isang upuan.Napangiwi siya sa sakit na kanyang nararamdaman kaya naman napa-inhale-exhale siya. Ngunit, alam niyang hindi sapat iyon para maging maayos ang kanyang pakiramdam. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagdududa. Sigurad
“SANA naman ay hindi ka nagsasawang nakikita ako palagi rito,” nakangiting sabi sa kanya ni Ninang Adelaida.Matamis na ngiti muna ang ibinigay ni Hannah sa matandang babae bago sumagot. “Nakakatuwa nga pong makita ko kayo rito palagi. Naaalala ko ang mga lola ko,” nawala lang ang ngiti niya nang maisip niya ang sinabi.Pagkaraan ay napakunot ang noo niya. Naalala kasi niyang napanaginipan niya ang kanyang Lola Lucia at Lola Salome kaso nga lang hindi niya matandaan ang eksaktong panaginip niya. Basta ang alam niya’y mayroong ibinibilin ang mga ito sa kanya kaso hindi niya matandaan kung ano iyon.“May problema ba?” nag-aalalang tanong nito. Buong tiim pa itong nakatingin sa kanya na para bang gustong alamin kung anong tumatakbo sa kanyang isip.
"MASAMA ba akong tao?" masama ang loob na tanong ni Hannah kay GB."No," mariing sabi ni GB na nagtatangis ang bagang. Alam niyang sobra itong nagagalit.Siya rin naman ay nagagalit sa taong parang gustung-gusto napahamak siya pero mas nangingibabaw ang takot na kanyang nararamdaman. Hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang anak. Kaya naman nayakap niya si GB. Sa palagay kasi niya'y talagang kailangan niya ng proteksyon nito."May mga tao lang talagang gustung-gusto ng gumawa ng masama sa kanyang kapwa. Ngunit, hindi ko siya hahayaang magtagumpay." Kinuyom pa nito ang kamao na parang sinasabing hindi nito hahayaang magtagumpay ang sinuman ang nanggugulo sa kanila."Sino kaya siya?" Nahagilap niyang itanong. Kahit kasing anong isip a