JEFFERSON'S POVHinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko kaya hinalikan ko siya sa labi bago ako lumabas sa silid niya. Umupo ulit ako sa sofa ng may ngiti sa labi.Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasang ngumiti. Sobrang saya ko dahil nilambing niya ako.Lumabas ito sa silid niya na may dalang towel at damit. Pumasok ito sa banyo. Ayoko siya guluhin dito dahil baka magtaka ang nanay niya kaya lumabas na lang ako para tulungan si inay na kumuha ng mga gulay. Tinuruan naman niya ako kung paano mamitas kaya ayos lang."Ang swerte naman ng magiging asawa mo anak," saad sa akin ni inay."Naku! Hindi naman po inay," nahihiyang sagot ko sa kanya."Kung wala lang kasintahan ang anak ko ay ikaw ang gusto ko para sa kanya," nakangiting sabi nito sa akin.Lumawak naman ang ngiti ko dahil hindi ako makapaniwala na gusto niya ako para sa anak niya."Pinsan ko po si Cedrick nay.""Alam ko anak at pareho rin kayong mabait," nakangiti ito habang sinasabi ang salitang iyon. Kahit ako ay hindi
JEFF'S POVGabi na, at nakita ko na nasa labas ng bakeshop ang kotse ni Ced kaya pumunta ako para alokin sila na sumabay sa akin magdinner. Kinatok ko pa ang bintana niya nang sumilip ako ay nakita ko na nakaupo si Bea sa kandungan niya. Kung hindi pala ako dumating kaagad ay baka ano na ang ginawa nilang dalawa.Nauna na akong pumasok sa kanila sa loob ng restaurant. Dahil nainis ako bigla pero naisip ko sino ba ako para magselos. Pumasok na sila at umupo na sa harapan ko. Masasabi ko na mahal siya ni Ced dahil maasikaso siya kay Bea. Bigla na lang din sumagi sa isipan ko na kaya ko ba siyang agawin sa pinsan ko. Pinalaki ako ng magulang ko ng maayos pero baka ako pa ang kauna unahan sa pamilya na sisira ng matagal na namin na iniingatan, ito ay huwag mag-agawan sa iisang babae.Masaya din ako no'ng malaman ko na paborito niya ang kare-kare kaya nakuha ko pa na magbiro sa kanya. Natuwa naman ako dahil epektibo naman. Natapos kami at umuwi na sila kaya ako umuwi na rin sa condo ko.Um
BEA'S POVSinundo ako ni Cedrick dito sa bahay dahil ngayong gabi ang gimik namin kasama ang mga pinsan niya."Lets go bebe," nakangiting sabi niya. Ngumiti ako at kumapit sa braso niya. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ngayon.Masama ang pakiramdam ko kaya pumunta ako sa Cr pero paglabas ko ay nasa pintuan si Jeff. Lumapit siya sa akin para magtanong kung kumusta ako.Akmang hahawakan niya ako nang lumayo ako sa kanya. Sinabi ko na din sa kanya na layuan niya ako pero nagtapat siya sa akin ng tunay niyang naramdaman.Siguro kung kagaya pa rin ako ng dati ay masaya ako pero malungkot ako dahil huli na para amin. Sinabi ko din na gusto ko maging masaya sa piling ni Ced kahit ako sa sarili ko ay hindi rin sigurado sa sinasabi ko sa kanya.Bigla niya akong hinalikan kaya nagpumiglas ako hanggang sa biglang may humatak sa kanya nagulat ako at hindi ako nakapag react agad sinusuntok siya ni Ced. Pero hindi siya lumalaban. Lumapit ako at niyakap si Ced pinapatigil ko na siya."Ced t
JEFF'S POV"F*ck you kuya! girlfriend ko ang pinapapak mo," galit na galit si Ced at sinuntok ko. Hindi ko napaghandaan ang gagawin niya kaya natumba ako bigla.Hinila niya ang collar ng suot kong damit at sinuntok ako ulit. Habang si Bea ay umiiyak na at pinipigilan siya.Lahat ng galit ni Ced ay tinanggap ko pati na ang mga suntok niya. Dahil deserved ko ito pero ang hindi ko kayang makita. Ay kung paano umiiyak ng sobra si Bea at ang mga masasakit na salita na binitawan ni Cedrick sa kanya.Wala akong magawa dahil alam namin na nasasaktan si Cedrick ngayon.Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan ng lahat kaya lalong nadurog ang puso ko ng lumuhod pa si Bea sa harapan niya. Gano'n ba niya ito kamahal? Dahil handa siyang pagpakumbaba para lang mapatawad siya nito. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tignan ang sitwasyon niya.Parang sinasas*k ang puso ko. Sobrang nasasaktan ako ngayon para kay Bea.Galit na umalis si Ced gano'n din si Bea. Tahimik ko siyang sinusundan, naglalakad
Warning !! Matured Content!!JEFF'S POV"Aalis ka ba? Saan ka pupunta?""May pupuntahan lang ako at matatagalan akong bumalik," SAGOT KO SA KANYA.Lumapit siya sa akin at niyakap ako hindi ko na kayang pigilan ang damdamin ko dahil umiyak na ako. Siya ang unang babaeng iniyakan ko. Sa kanya lang ako naging ganito. Niyakap ko siya ng mahigpit gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Umiiyak din ito at niyakap ako ng mahigpit ng bumitaw kami ay nabigla ako sa ginawa niya tumingkayad ito at hinalikan ako.Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nang halik na ito pero buong puso ko itong tinugon. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang balikat ko at hinalikan ulit ako. "Jeff I want you," aniya sa akin. Hindi ko rin kayang pigilan ang damdamin ko ngayon."I want you also babe," tugon ko sa kanya at hinalikan ko siya saka binuhat ko siya. Naglakad ako papunta sa pinto para ilock ito at pinatay ko ang ilaw. Naglakad ako papunta sa kama niya ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin.
CEDRICK'S POVSimula ng makilala ko si Bea ay nagustuhan ko na siya. Hinintay ko siya kung kailan siya handa na pumasok sa isang relasyon. Nagpapasalamat din ako dahil pumayag siya na ligawan ko.Ilang buwan ko siyang niligawan bago niya ako sagutin. Naging masaya ang relasyon namin at masasabi ko na handa akong magpatali sa kanya kung papayag siya.Masaya ako dahil natupad niya ang pangarap niya. Kahit na ang kapalit no'n ay magkakalayo kami. Palagi naman kaming may time para maghusap sa phone.Pero ang lahat ng ay nagbago na lang bigla. Habang nag-iinuman kami sa bar ko kasama ang pinsan ko ay nagpaalam si Bea na pupunta sa banyo dahil masakit ang tiyan niya . Pero hindi ako mapakali dahil matagal siya kaya sinundan ko siya.Medyo nakainom na rin ako kaya ng makita ko na pilit siyang hinahalikan ng pinsan ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang hinila sabay suntok sa mukha niya Lahat ng pangarap ko ay bigla nalang gumuho sa nalaman ko na sekreto nila siya ang nakaun
BEA'S POVIsang araw nagulat ako dahil dumalaw si Ced sa apartment ko. Hindi ko talaga inaasahan na nasa labas siya ng pintuan ko."C-ced ano ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Para sayo," saad niya sabay abot sa akin nang bulaklak.Tinanggap ko ito pero nagtataka ako kung bakit. May galit ba na nagbibigay pa ng bulaklak?"I'm here cuz, I want to talk to you Bea." Sabi niya sa akin."Pasok ka, sa loob tayo mag-usap." Alok ko sa kanya at pinapasok ko naman siya sa loob ng apartment ko. "I'm sorry, if I hurt your feelings. Sorry sa mga salita na nasabi ko sa 'yo. Kilala kita kaya alam ko na matino kang babae pero nasaktan lang kasi ako Bea," paliwanag niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko doon ang sakit at lungkot. May kung ano sa loob ko na nasaktan rin."Ako dapat ang magsabi sa 'yo niyan Ced. Tama ka naman eh malandi ako at manloloko ako. Hindi ko naisip ang feelings mo, nanaig ang init ng katawan ko. Hindi ko sinasadya na saktan ka Ced, minahal kita at t
BEA'S POVLumipas ang mga araw at buwan. At hindi ko namalayan na ilang na buwan na akong mag-isa. Masaya ako sa trabaho ko at minsan international flights na ang schedules ko. Marami na akong naging kaibigan. Lahat ng oras ko ay itinuon ko sa pagtanggap sa sarili ko. Wala rin akong balita kay Jeff. Si Cedrick naman ay nangangamusta sa akin paminsan-minsan.Day off ko ngayon at balak ko bisitahin si ate Caye dahil malapit na itong manganak. Hindi ako madalas makadalaw sa bahay nila dahil sa busy ako sa trabaho ko. Nagpapasalamat rin ako dahil sa lahat ng tao si ate Caye ang laging nakakaunawa sa akin.Bumaba ako sa taxi at nag dorbell sa may gate. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at lumabas si Cherry."Magandang araw Cherry, nandito ba si ate Caye?" Nakangiting tanong ko sa kanya."Magandang araw rin sa 'yo ate Bea. Nasa loob po sila pasok ka sigurado ako matutuwa ngayon si ate," natutuwang bulalas niya.Pagpasok ko ay nakita ko itong nakaupo sa sofa sa living room nila. Malaki