Share

CHAPTER 80 ( KIDNAPPED )

JEFF'S POV

Walang pagsidlan ang saya ko ng malaman ko na nakakaalala na ang asawa ko.

"Langga, baka pwede na tayong lumipat sa bahay natin?" Tanong ko sa kanya dahil tapos na ang bahay na pinagawa ko para sa pamilya namin.

"Daddy, puwede ba sa new year na lang dalawang buwan na lang 'yon." Sagot niya sa akin.

"Okay langga," sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Ayos lang naman sa akin. Siya pa rin kasi ang boss ko. At maganda rin naman na new year kami lilipat para bagong bahay at bagong simula para sa amin. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Jackson na nahuli na ang nakabangga sa asawa ko kaya nagpaalam muna ako sa kanya bago ako umalis.

"Langga, may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanya.

"Saan naman ang lakad mo at gabi na?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Pupuntahan ko lang si Jackson," sagot ko sa kanya.

"Ganu'n ba, ingat ka daddy." Nakangiting sabi niya.

Mabuti naman at hindi na ito nagtanong pa. Ayaw ko kasi na mag-alala siya. Gusto kong protektahan ang asawa ko.

"
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status