Thank you po sa inyong lahat! Ingat po kayo palagi :) :)
JEFF'S POV Sobrang pagkabitin ang nararamdaman ko. Hindi kami magkatabi ni langga ko dahil may umeksena dito sa kwarto. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga pinapakita ni Hanna. Hindi ako makatulog dahil hindi na ako sanay na hindi katabi si Bea.Bumangon ako at lumabas sa kwarto namin pumunta ako sa kusina para maghanap ng alak na puwede kong inomin.Mabuti na lang at mayroong beer in can. Kumuha ako ng dalawa at binuksan ko ito. Iniinom ko habang pabalik sa kwarto namin.Dumiretso ako sa terrace at doon ko ipinagpatuloy ang pag-inom nang beer. Nabigla ako ng may yumakap sa akin."What do you think you're doing Hanna?" Tanong ko sa kanya sabay tanggal ng kamay niya at lumayo ako sa kanya."Jeff, bakit hindi na lang ako? Kaya ko naman gawin ang ginagawa ni Bea," sabi niya sa akin."That bulls**t Hanna! Kapatid mo ang fianceé ko!" Galit na sabi ko sa kanya."We can do it naman without telling her." Sabi niya pa sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Parang hindi s
BEA'S POVSa totoo lang hindi ko alam kong saan ko ilulugar ang inis ko sa kapatid ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon kay Jeff. Pasalamat din ako dahil hindi naglihim sa akin si Jeff. Hanggang ngayon hindi ako maka move on sa ginawa ni Hanna.Kinatok lang naman niya kami sa banyo para sa walang kwentang bagay. Sinabi lang naman niya na wala naman trip lang daw niya. Umalis na si Jeff para pumasok sa trabaho ganoon din si papa pumasok na rin sa trabaho.Dito lang ako ngayon sa kwarto.Ewan ko ba pero wala naman akong ganang lumabas.Hindi ko namalayan ang oras hapon na pala at nakatulog ako sa sobrang pagbabasa ko ng mga novel. Naaaliw ako ngayon sa pagbabasa.Nagising ako dahil sa halik sa akin ni Jeff."Daddy, ang aga mo nakauwi?" Tanong ko sa kanya."Inagahan ko talaga langga dahil gusto ko magdate tayo ngayon," nakangiti niyang sabi sa akin."Really daddy?" Tanong ko sa kanya."Opo langga, alam ko kasi na nababagot ka dito. Bihis kana para makaalis na tayo."
JEFF'S POVBuong araw akong ginugulo ng mga kinikilos ni Hanna. Hindi ko na siya makilala.Habang nasa trabaho ay nag-aalala ako para kay Bea kaya maaga akong umuwi. Pagdating ko ay tulog na tulog siya. Habang pinamamasdan ko siya ay hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Bigla na lang sumagi sa isipan ko na what if pakasalan ko na siya.Tinawagan ko si Caye at Luke para ipaalam ang plano ko at pumayag naman sila .Naikwento ko na rin kasi ang ginawa ni Hanna.Nang-gigil si Caye sa galit mabuti at pinakalma ito ni Luke."Dapat lang na magpakasal na kayo dahil baka ano pang gawin ng malandi na 'yon!. Gigil na sabi ni Caye.Mabuti at may kakilala na judge si Luke. Iyon na lang daw ang kakasal sa amin. Nang tinanong ko si Bea ay pumayag naman siya.Maaga akong umalis sa bahay para ayusin ang ilang mga kailangan namin. Nakakuha kami agad ng mga requirements dahil na rin sa tulong ng mga pinsan ko.Bumili na rin ako ng wedding ring namin. Mamayang hapon gaganapin ang kasal namin at kaunti lang a
BEA'S POVPagkatapos ng honeymoon namin ay umuwi kami sa bahay nila papa. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay kitang-kita ko ang talim ng tingin sa akin ni Hanna. Hindi ko malaman kung nakita 'yon ng asawa ko dahil inaya na niya ako paakyat sa kwarto namin.Nagpaalam din ito na pupunta na siya sa restaurant. Lumabas naman ako sa kwarto para pumunta sa garden. Mahilig ako sa mga bulaklak kaya natutuwa akong pagmasdan ang mga nagagandang rosas sa paligid."Ayy! " nagulat na sigaw ko dahil may sumabog na tubig sa akin.Nang lingunin ko ay si Hanna pala ito may hawak siyang hose at nakatutok ito sa akin."Hanna ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong ko sa kanya."Sorry hindi ko kasi napansin nandiyan ka pala," maarteng sabi niya sa akin."Okay lang," sagot ko sa kanya."Hindi ko talaga alam kong bakit baliw na baliw si Jeff sa 'yo. Ngayon naman gusto ka niyang pakasalan pero syempre hindi ko 'yon hahayaan my dear sister," nakangising pahayag niya sa akin."Try harder Hanna, kasi kahit ako hindi
BEA'S POVUmakyat na kami ng asawa ko sa kwarto namin."How's your day langga?" Tanong sa akin ng asawa ko."Masaya ang araw ko daddy. Nakilala ko ang lola ko. Mabait naman siya akala ko talaga kagaya sa mga teleserye na aayaw siya sa akin," masayang kwento ko sa kanya."Hahaha! Masyado ka lang nadadala sa mga napapanood mo langga. Pero I'm happy for you dahil finally nakilala mo na iba mo pang relatives at sino ba naman ang hindi gugustuhin ka langga. Eh binihag mo nga ang puso ko," nakangiting sabi ng asawa ko."Daddy naman! Pinapakilig mo ako. How about you, kumusta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya."Also good langga, medyo busy kami ngayon dahil maraming reservation.""Wow! Maganda 'yan daddy. Daddy, puwede ba akong pumasok sa company ni papa? Nababagot kasi ako dito sa bahay kung okay lang naman sa 'yo." Paalam ko sa kanya.Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin. Baka hindi pumayag dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya sumagot."Langga, ask muna tayo sa ob mo. Baka kasi m
BEA'S POVAt nangyari talaga ang singilan pag-uwi namin. Akala ko ay hindi siya seryoso pero talaga namang ginawa niya talaga. Pasalamat na lang talaga kami kasi natapos na kami bago ulit kami bulabugin ng kapatid ko.Kinukulit niya si Jeff na magtatrabaho siya sa Griffin's. At dahil advance mag-isip ang asawa ko ay hindi siya pumayag.Natawa na lang din ako sa dahilan niya. Ayaw daw niya na bigyan pa si Hanna ng dahilan na lalo siyang magustuhan. Sobrang confident talaga niya na sabihin na ang gwapo daw niya kaya habulin siya.Nang ako na ang nagbiro ay bigla na lang ito nagtampo. Nagselos talaga siya kay Steven dahil nagpapaalala talaga siya na huwag ko kausapin si Steven.Nasa trabaho ako ngayon at tanghali na.Tinatapos lang namin ni Aika ang ibang mga papers. May bago kaming kasama ngayon si Cherry.Pinili ni Cherry na mag OJT dito kaysa sa company ni Kuya Luke. Nahihiya na raw siya sa dami ng naitinulong nila ate Caye sa kanya. Hindi ko rin kasi inaasahan na makikita ko siya rito
Lahat ay ginagawa ni Hanna para mapansin siya ni Jeff. Halos araw-araw na siyang pumupunta sa Griffins para makita lang ito.Kinukulit na rin nita ang bestfriend niyang si Steven para tulungan siyang makuha si Jeff. Balak niyang gamitin ito para masira si Jeff at Bea.Minsan wala na siyang tulog sa kakaisip kong paano niya aagawin si Jeff kay Bea. Napansin rin niya na lumalaki na ang tiyan ni Bea kaya naisip niya na malaki na ang pag-asa na maakit niya si Jeff.Simula ng dumating si Bea ay ang buong atensiyon ng daddy niya ay naka Bea lang. Lagi na lang bukambibig ng daddy niya ang pangalan ni Bea.Napag-usapan nila ng mommy niya na kailangan na niyang pumasok sa company dahil baka mapunta lang daw kay Bea ang lahat ng kayamanan ni daddy.Hindi namin alam kong may nalalaman ba si Dad sa tunay kong pagkatao.Tanging kami lang ni mommy ang nakakaalam na hindi ako tunay na anak ng daddy ko.Si ninong Harold ang tunay kong ama. Sinikreto ito ni mommy ng matagal na panahon. Sobrang yaman k
BEA'S POVAraw ng Lunes ngayon at pumasok na ulit ako sa kumpanya. Tuwing dumadating ako ay lagi akong binabati ng nerd na secretary ni papa.Binati ko rin ito at sa totoo lang magaan ang loob mo sa kanya. Minsan ito ang naghahatid sa akin ng pagkain.Siguro gwapo ito kapag nag-ayos ng kaunti. Minsan kasi nahuhuli ko itong nakatingin kay Aika. Pakiramdam ko may mutual feelings itong dalawa."Hi sa 'yo, alam mo medyo matagal na ako dito pero hindi ko pa alam ang name mo?" Tanong ko sa secretary ni papa."Hi Ma'am, I'm Jackson Go—Rivera po, Jackon Rivera." Pakilala niya sa akin."Ngayon alam ko na ang name mo," sabi ko sa kanya."May ipag-uutos po ba kayo?" Tanong niya sa akin."Wala naman akong iuutos sa 'yo, gusto ko lang magpasalamat sa milk na binigay mo palagi." Saad ko sa kanya.Ngumiti lang ito sa akin at lumabas na sa office ko. Kagaya lang lagi kong ginagawa ay kasama ko ang dalawang makukulit na babae.Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasang isipin ang asawa ko na sobrang stre