Share

Chapter 5

“Oh, dear you can’t go home yet, I understand your feeling, homesickness strikes during the first week. But don't worry things are going to be fine. Think of your loved ones. You just need to be patient with him and bear his attitude you’ll be fine. He is not that easy to deal with but you will be used to it someday if you just be patient” mahabang paliwanag ng babae.

"Ayun ang putchang gala wala na siya naintindihan mahaba na eh saka bumilis na magsalitas si manang . No choice na si Trisha tumango tango at umiling iling na lang siya bahala na kung alin doon ang tamang sagot doon.

“Go in and rest. You must feed him by 7:00 pm. You better wear yung uniform he is very sensitive to bright colors and strong scents so make sure you wear no cologne powder or any fruit-flavored shampoo” Paalala nito. Ung lang at iniwan na siya ng dalawang matanda. Nagisip ng malalim si Trisha.

“You have to feed him by 7:00 tonight” parang biglang may naalala ang dalaga.

" Ting!" bumatingting sa utak ni Trisha ang salitang iyon. Sinabi iyon ni Martha sa kanya. So, ang boss niya kumakain ng 7pm hapunan siguro yun so mulit, ibig sabihin pakakainin niya ito mamayang 7:00 pm. So muli ulit times two, ibig sabihin makakalabas siya dito sa silid ng 7:00 pm.so muli ulit times three hindi pa siya dadalhin sa pulit ngayon. Biglang tumayo si Trisha at kinapa ang doorknob.

“Ay,p*tcha hindi nakalock? bukas oh, bukas ang pinto!!!" Bulalas ng dalaga saka binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Wala siyang makita kundi dingding lang din. Nakaramdam siya ng kahungkagan pero bigla ring balik sa kasalukuyan.

“Yes yes naman wowowin!” Pu'cha bukas ang pinto ibig sabihin hindi ako kinulong. At kung pakakainin ko ang amo ko mamaya ibig sabihin walang darating na pulis ngayon" nagtatatalon sa tuwa ang dalaga.

"Ay anak ng pating” bulalas ni Trisha ng makitang alas 6 na pala ng gabi. Agad na pumasok si Trisha sa loob ng banyo at naligo hindi siya gumamit ng shampoo. Binanlawan niya ring maigi ang katawan dahil ginawa niyang alcohol ang Jhonson baby colone nung bago siya pumasok ng eroplano. Baka maamoy ng amo niya bawal daw may cologne yun ang pagkakaintindi niya. Nakita ni Trisha ang unipormeng kulay light brown sa nakasabit tokador. Hindi makapaniwala si Trisha sa tabas ng unipormang hawak.

"Uniporme ba ng maid ito? Damit ata ni pocahontas na na biglang sinapian ng kalandian noong unang panahon. Exaggerated but true"

Ang hawak kase ni Trishia ay palda at blusa bagamat may makipot na manggas ang blusa. Masyadong mababa ang nekline nito at v-shape pa! hanging pa! at ang palda parang 11 year old ang magsusuot sa iksi may slit pa sa gilid.

"Anak ng pating GRO ba inaaplayan ko dito?" Naisip ng dalaga.

"Anak ng tukwa siguro matandang manyak ang amo niya? pero bata ang kumausap sa kanya sa speaker. Baka yung anak yun?tama tama baka nga?" Parang may tililing na kinakausap ni Trisha ang sarili habang sinisipat ang damit na isusuot. Bata pa kase ang boses ng kausap niya kanina baka mga ka edad niya lang o baka mas matanda lang sa kanya ng konti.

"Imposible naman na ito ang may gusto na ganun ang ayos ng maid nila ano manyakis lang? biglang nakaramdaam ng takot si Trisha bakit nga ba hindi? baka psycho? o kaya sex maniac.. tama ..tala baka nga..Inang ko apo ko ati ko pong singsing?

“Ay! butiking tiwarik! ano ba naman kayo bat kayo nanggugulat”sigaw ni Trisha sa matandang babaeng biglang pumasok sa silid niya.

“Ay I’m sorry po, so very very so many very sorry. me nabigla me I'm shocking shocking ” hinging paumanhin ni Trisha ng mahimasmasan sa pagkagulat.

“Oh, you're shocked. Is that how to say shocked in Filipino?” Tumawa ito.

“I’m sorry if I startled you. But you have to dress up and follow me to the kitchen. Sinadya yata ng matanda na bagalan ang pananalita kayat kahit papaano ay medyo na gets niya yun. Ang sabi nito magbihis na siya at sundan siya sa kusina .

"Yun tama! yun yun nga, na gets ko yun! galing mo Trish.Iba ka talaga repapips ..Lupet mo tol Trisha three points" Agad na kumilos ang dalaga isinuot ang damit na kanina pa tinititigan, maging ang flat doll shoes na kapares din nito. Natawa na naman siya sa flat ahoes kulang na lang lagyan niya ng bilog na bulak sa dulo tingker bell na ang drama ng buhay niya.Dios ko.Clown ata ang labas ko dir9 bago ikulong diyos ko day, super inday at manang biday"

Muni muni ni Trisha saka masigla ng sumunod sa matanda sa kusina. Diyos miyo, parang dalawang hallway ang dinaanan nila makarating lang sa kusina. Dalawa ang pinto roon ang nasa kaliwa daw ay kitchen ang nasa kanan ay dining area. Sabi ng matanda na nagpakilala sa kanyang si Mrs, Belle.

"Sabi na eh Disney movie talaga tong napasukan niya eh" Nangingiti si Trisha dahil sa Belle na pangalan ng mayordoma. Pagdating sa kusina ay tinanong siya ng matanda kung ano ang masustansiyang dapat lutuin.

Para daw kay si Jeon. Ewan ni Trisha kung paano niya naiintindihan ang tanong pero nakatulong kase na mabagal ito magsalita at itinuturo nito kung ano ang mga sinasabi kaya siguro na ge gets niya kahit papaano. Ung nga pala ang inaplayan niya dito personal maid at ayun sa biodata niya isa siyang nurse. Pocahontas na nurse lumilipad tulad ni thinker bell at makukulong tulad ni Rafunzel?

Anak ng puting tuko oh, paano na to dapat talaga hindi niya pinairal ang pagka ano mandurugas niya nya eh. Ay apo dios ko Bahala na.Marami namang uri ng putahe ang nakita ni Trisha. Sa totoo lang kahit hindi man siya nakapagtapos bilang propisyunal at nabuhay man siya sa isang impiyernong kapaligiran ay mahilig siya magluto. May isa siyang kaibigan na cook sa isang chinese restuarant sa Tutuban kaya alam niya ang mga masusustansiyang pagkain.

Itinuro ni Trisha ang isang breast chicken, miswah at saka onion leaves, tapos itinuro niya ang kakaibang hugis ng soimai at meatballs.

"We cook the cooking this good him dinner” sabi ni Trisha

“A soup for dinner? Are you sure miss?” nagtatakang tanong ng matandang babae.

“Yes, soup o misuwa whatever. Mix mix soup the siomai and bola bola ay pu'cha meatballs pala. It's mabigat bigat on stomack you know because its carbon hydrates ba yun.Basta masustansya yan lintek na yan” Sabi ng dalaga. Nagkibit lang ng balikat ang matandang babae at tinungo na ang kusina.

“Ah, Mrs. Bell, I cook. me please cook?" tanong ni Trisha.

Mas kampante siguro kung siya ang magluluto baka maiba ang diskarte at masisipa pa siya.Iba kase kapag may tulo ng pawis at laway niya eh mas malimanman baga.Yun ang pamatay niyang secret recipe para sa masarap na meatball miswah. Hindi naman nagdalawang isip ang matanda at payagan siya marahil mas pabor iyon sa matanda.

Kanina pa kase niya nakikitang nagaalangan ito sa ipinaluluto niya mukhang hindi nito alam ang gagawin at wala itong idea. Natawa pa ang dalaga sa naisip. Grabe hindi nila alam ang ulam na iyon samantalang lahi ng insik ang amo nila. Ahay...dios ko.

 

 

 

 

 

 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
trissshhhj ano ba hahahah kulit may naaalala Ako Sau
goodnovel comment avatar
m_🏹
kulit ni trisha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status