Share

Chapter 106:

Thrale’s POV

“Kuya! Kuya!”

Napalinga ako sa batang babaeng naghuhukay ng buhangin sa tabi ng dagat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglangoy kahit alam kong masakit sa mga mata ang tubig dagat. Kanina ko pa gustong umahon dito ngunit sigurado akong kapag tumapak ako sa buhangin, hahatakin ako ng batang babaeng ‘yon.

Napatingin ako sa langit dahil palubog na ang araw. Napatingin din ako sa tubig dahil malalim na ang dagat. Masyado ng hapon kaya high tide pero ito kami ngayon, nandidito pa rin. Mukhang wala kaming balak umalis sa dagat. Bukod sa mahangin at malamig, kaming dalawa lang kaya natutuwa ako dahil masyadong tahimik. Masarap naman sa pandinig ang paghampas ng alon.

“Kuya, bilis. May alimasag ditooooo!” Muling sigaw niya.

Wala akong nagawa kun’di umahon. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin ng malakas. Hindi ko iyon ininda para makarating lang sa p’wedto ng babaeng ‘to. Sa aming dalawa, ako lang ang basa. Ako ang nasabik sa tubig.

“Anong alimasag ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status