Share

Chapter 108:

Thrizel’s POV

Maagang umalis si Chef Sanchez sa aking apartment kaya ang nandidito nalang ay si Blue. Sinabihan ko siyang huwag magpapapasok ng kung sino-sino dahil siya ang maiiwan. Hindi ko napansin kagabi na may dala siyang bag, ang laman no’n ay puro damit niya. Mukhang sa akin siya makikitira. Ayaw niya raw muna kay Brooks dahil hindi siya pinapansin nito. Kapag daw kasi ganoon iyon, nagpapakalayo siya.

Naglakad na ako pababa ng hagdan. Tinanaw ko muna ang balkonahe ng aking apartment pero hindi dumiretso ang tingin ko roon, sa kabila. Balkonahe ito ng pintong katapat ko. Nakakapagtaka kasi dahil nakahawi ang kaniyang kurtina. Lagi kasi iyong nakasarado kaya napatingin ako. Alam kong lalaki ang umuupa riyan dahil napapansin ko siya minsan. Hindi ko nga lang kita ang kabuoan ng kaniyang mukha.

Ililihis ko na sana ang aking paningin doon nang may makita akong matang nakatingin sa akin. Ang mata niya ay napapagiliran ng mga sinampay. Hindi ko nakita ang kabuoan ng mukha. Dahil sa kab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status