Share

Chapter 35:

Thrizelʼs POV

Nandito ako sa silid. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari sa kotse ni kuya, ang puso ko ay sobrang bilis.

“Lalim ng iniisip mo.” Bulong sa akin ni Amira. Sino pa nga ba?

“Medyo." Huminto ako. "Bigyan mo na lang ako ng cpr kapag nalunod ako.”

“Yuck, Thrizel, crush mo ba ako huh?” Sabi naman nito. Grabe, sobra na sa pagiging abnormal ang babaeng ito. Hindi ko na lamang siya sinagot at sinamangutan na lang siya.

“Hoy, baka humaba nguso mo, hahahaha.” Hays, nag-uumpisa na naman siyang mang-asar.

“Abnormal.” Sagot ko nalang.

Wala pang guro pero maya-maya ay dumating na ito. Mabilis na lumipas ang oras hanggang dumating ang breaktime. Naglabasan na ang iba habang si Amira naman ay sumilip sa pinto at mukhang may kausap ito. Parang tuwang-tuwa siya sa kaniyang kausap. Pagtingin ko ay si kuya pala ang kausap niya. Kaya pala tuwang tuwa. Narinig ko pa ang kaniyang sinabi kaya napasimangot ako rito.

“Hoy, Thrizel, magbreaktime na tayo kasama si Kuya Thrale.” Sabi nito sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status