ERICAGumaan ang pakiramdam ko dahil nalaman ko ang totoo, naging oa lang talaga ako kahapon, ewan ko kung bakit ako nakaramdam ng tampo nang malamang muntikan na pa lang ikasal noon ang lalaking mahal ko.Ngayon masaya ako dahil inamin na niya sakin ang totoo. Hindi ko rin masisisi ang Daddy niya kung bakit ginusto nitong ipakasal ang anak niya baka may matinding dahilan siya noon. Pero Nakaraan na yon ang mahalaga ay ang ngayon, at ako na ang nandito kaya ipaglalaban ko siya kung sakaling may balak na masama ang Lovina’ng yon.Pagkatapos naming mag-usap ay niyaya niya akong umakyat sa taas ng mansion kung saan naroon ang silid ng kanyang gym. Kumpleto sa kagamitan ang gym niya at dito sila palaging nagwo-work out ni Rix pati na rin si Fatima kung minsan ay si Dino rin.Kaya magaganda ang hubog ng katawan nila dahil alaga sa gym at libre pa. Pero nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong palagi ng nag-eehersisyo itong si Dino. Siguro ay may natitipuhan na kaya nagpapaganda na ng k
ERICA Pagkatapos nang pag-aayos samin ay pinagbihis na kami. Hindi na ako nagtaka kung bakit narito yung gown na pinasukat sa akin ni Fat. Baka ito yung sinasabi niyang surprise event na pupuntahan, pero kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Baka dala lamang ito ng excitement dahil sa wakas makikilala ko na ang magulang niya? Ang babaw ng dahilan ko para kabahan. Ipinagsawalang bahala ko na lamang yung nararamdaman ko baka mawala din ito mamaya. “Wow! Grabe! Sobrang ganda mo talaga Erica, hindi halatang nagdadalang tao ka, ang sexy mo pa rin,” puri sakin ni Fat na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Kaya nga po eh, nakakainggit ang babaeng ito, sinalo niya lahat ng biyaya noong nagpa ulan ang diyos at hindi man lang namigay,”nakangiting sang-ayon ng baklang nag-ayos sa amin. Ngumiti lamang ako sa kanila. Tumingin sa relo niya si Fat, “Mag alas dyes na pala! Pero maya-maya tayo lumabas mga 10:30, magpa-late lang tayo ng kaunti.” “Sige,” tugon ko. “Bakit nga pala ang aga
ERICAMula noong araw na iyon ay sinubukan kong iwaksi at kalimutan ang tatay ng anak ko. Tama si Elmo, wala akong mapapala kahit ipaglaban ko pa siya kung hindi naman ako ang pipiliin niya. Bakit ko pa ipaglalaban ang taong walang ginawa kundi saktan at lokohin ako? Pinaniwala lang niya ako sa tamis ng kasinungalingan niya yun pala ay sa ibang babae siya magpapakasal.Sinubukan kong burahin siya sa isip at puso sa pamamagitan ng paglilibang dito sa Italy. Maayos naman ang pagbubuntis ko kahit sobrang nahihiya na ako sa bestfriend ko dahil siya lahat ang gumagastos. Siya din ang namili ng mga bagong gamit ni baby Eric Travis, Yes, lalaki ang anak ko. At sinunod ko sa pangalan ko ang name niya.Oo, sobrang hirap sa simula dahil nag-aadjust ako pero kalaunan ay unti-unting naging maayos ang kalagayan ko sa tulong ng payo ni Elmo at ni Doc Ava. Mahirap tanggapin ang naging kapalaran ko, sa pangalawang pagkakataon ay niloko ako ng lalaking minahal ko ng sobra-sobra. At hindi ko alam kung
ERICA Dahil sa bilis ng pagtakbo ng panahon ay lumipas ang tatlong taon. At sa loob ng tatlong taong iyon ay nakakaraos naman kami kahit papaano. At sa loob ng tatlong taong iyon ay hindi din kami nagbakasyon ng Pilipinas at wala nang balita doon. Siguro nakamove on na ang lahat. Si Elmo ay hindi din nakauwi tanging si Agatha lamang ang nagbabakasyon at pinapadala na lang ni Elmo ang mga pasalubong niya para sa pamilya at para kay Lola Perla. Alam kong nalulungkot si Elmo at gusto niyang magbakasyon at dalawin si Lola Perla sa Pilipinas dahil may sakit ito. Kahit sinabihan ko siyang ayos lang kami ni Eric dito sa Italy na kaming dalawa lang ay hindi siya makampante lalo pa’t may napansin daw itong lalaki na umaaligid sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na lang rin siya pinilit. Marami naman daw nag-aalaga kay Lola Perla at nagpapadala din siya ng pera para sa maintenance nito. Minsan din ay nagvideo call kami at lalong tumanda si Lola Perla sa itsura niya ngayon. Noon
ERICA Maayos kaming nakabalik ng Pilipinas, ganun pa rin at walang pinagbago ang traffic sa kalsada ay hindi na naalis. Sumakay kami ng taxi at kina Elmo muna kami dederetso, baka bukas na kami ni Eric pupunta kina Tito Oscar. Si Eric ay tulog na tulog at nakakalong sa akin napagod siguro sa byahe. Hinayaan ko na lang muna siya. Mamaya ko na lang gisingin kapag nakarating na kami. “Grabe no, parang mas lalo atang lumala ang traffic dito sa maynila parang hindi na umusad eh,” untag ko kay Elmo na panay ang sulyap sa labas ng bintana. “Sinabi mo pa, hindi natin alam kung masusulusyunan pa ba ito,” tugon niya. “Siguro kapag maayos na ang pamumuno ng bansa,” tugon ko. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nadaan namin ang hotel na pagmamay-ari ng mga Sandoval ang hotel kung saan—-never mind. Ayoko nang balikan pa iyon. “May naalala ka ba sa hotel na yan?” Untag sa akin ni Elmo napansin niyang nkatitig ako sa hotel. “Uhm—ayoko ng alalahanin, El. Maayos na ang puso ko ngayon.” T
ERICAHabang nagmamaneho siya kanina ay hindi niya ako kinakausap ramdam ko ang panlalamig at iwas niya sa akin. Kaya nanahimik na lang din ako. Nasa likod ako nakaupo at katabi niya sa driver sit si Eric. Si Eric lang ang kinakausap niya.Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tito na wala siyang asawa. Paanong wala? diba nga nagpasurprise engagement party pa siya noon? Tsk! Baka nagsinungaling siya kina Tito Oscar.Dinala niya kami sa sa hotel, at dito sa suite na naman kami niya dinala kung saan nag— ahh ipinilig ko ang ulo ng maalala iyon. Ang laswa nang isipin.“Uhm— Eric, anak are hungry?” Tanong ko kay Eric na nakatanaw sa labas ng bintana kung saan tanaw ang karangyaan ng syudad.Lumingon ito. “No, mommy, why are you hungry?” balik tanong niya sa akin na ikinalingon ng ama niya sa gawi ko.Tiningnan ko rin siya. Pero nagsalita kaagad siya at kinuha ang cellphone.“Magpapadeliver na lang tayo,” aniya.“Huwag na sa baba na lang kami kakain.” sagot ko.“I already ordered the food, sayan
ERICA Dinaanan ako ni Elmo, hindi na ako nagpalit nang suot, ayoko nga bakit ako magpapalit gusto ko to at komportable ako dito. Halata ko ang disgusto niya sa dress ko. Iniwan ko muna sa kanya si Eric dahil tulog naman ito. Nagsabi lang ako na babalik kaagad ako. Wala na siyang nagawa pa. Nang makarating kami ni Elmo sa ospital ay dumeretso na kami sa room ni Lola Perla. Nadatnan naming natutulog pa ito kaya nilapag muna namin ang biniling mga prutas. Maya-maya pa ay nagising na ito at bakas sa mukha niya nang makita kami ni Elmo. “Hi, La mano po! Kumusta po ang pakiramdam ninyo?” tanong ko. “Iha? Narito ka na pala? Kaawaan ka ng diyos! Mabuti-buti na ngayon ang pakiramdam ko. Aba mas lalo ka atang gumanda? Nasaan na ang anak mo?” balik tanong niya. “Uhm— N-nasa daddy niya po iniwan ko muna!” “Ah ganun ba? Kagagaling lang dito ng asawa mo noong isang araw dinalaw niya ako, at alam mo ba? Wala akong ginastos dito dahil sinagot niya. Ang swerte mo sa asawa mo ang bukod sa mabai
ERICAPaggising ko ay wala na sa tabi ko si Troy. Bumalik siguro siya sa kwarto at tinabihan si Eric. Napangiwi ako ng kumirot ang pagitan ko. Mahapdi pa!Dahan akong bumangon at lumipat sa dating kwarto namin. Sinilip ko sila and they're still sleeping peacefully.Maaga pa naman kasi alasingko pa lang.Nasanay na lang talaga akong ganitong oras magising.Pagkatapos kong magtooth brush ay bumaba ako at naabutan ko si Fatima na umiinon ng gatas. Tumaba rin siya, dahil siguro sa buntis siya.“Uhm—hi Fat,” agaw pansin ko sa atensyon niya at lumingon naman ito.“Oh hi, Good morning! Aga mo ata nagising? Kape ka na,” aniya.Nagtimpla ako at umupo sa tabi niya.“Ilang buwan na ang tiyan mo Fat?”“Four months na besh! Ninang ka nito ha?”Napangiti ako. “Oo naman, sure!” tugon ko.Nag-usap pa kami ni Fat at nagpapasalamat ako na hindi sila galit sa akin. Sa pag-iwan ko sa kanila ng walang paalam. Nahihiya akong humingi ng tawad kay Troy. Pero susubukan ko pa rin.Maya-maya pa ay bumaba na sin