TROY
Nandito ako ngayon sa bahay ng magulang namin ni Rix.I visited my parents for a while at nagpahangin muna ako sa hardin habang gumagawa ng meryenda si mommy.Nahagip ng paningin ko ang taniman ng red rose ni mom. My mom loves gardening and she used to plant different kinds of flowers.Lumapit ako at pinagmasdan ang matinik at mapupulang bulaklak ng mga rosas. Kumuha ako ng isang bulaklak at tinanggalan ng mga tinik inamoy ko ito. It smells good.Then memories of the past tragedy flashback on my mind at malinaw pa sa ala-ala ko ang mga nangyari. Dito ko natagpuan na walang malay si Rix.Tumingala ako sa pinakamataas na bahagi ng bahay.At the rooftop Rix commits suicide.Tumalon siya mula sa pinakamataas na bahagi ng bubong at dito siya bumagsak sa taniman ng rosas.Kung saan duguan ang ulo nito matapos tumama sa bato at bali ang dalawang binti at natusok din siya ng mga tinik ng rosas.Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nagkalasog-lasog na pala sa mga kamay ko ang kawawang bulaklak dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.Napakuyom ako ng kamao then I remembered Erica. It's her fault. All her fault.Malapit na akong magtagumpay Rix and I'll swear I will get even kahit anong mangyari kailangang may managot sa nangyari sayo basta't lumaban ka lang bro."Iho, come here, snack is ready sabayan mo na kami ng daddy mo." Naagaw ang pansin ko sa pagtawag sakin ni mom."Coming!" I answered.* * * *ERICAAraw ngayon ng linggo at himala na nasa bahay si Troy. Kadalasan kasi ay wala siya rito at naghahang-out sila kasama ang mga kaibigan niya.Nandito kami ngayon sa sala kung saan nakahiga ako sa sofa habang nakapikit ang mga mata katabi si Butter ang aso namin at siya naman ay nag pi-painting.Yes, he's good at painting isa yun sa mga hidden talent niya. At ako ngayon ang model niya.Pini-paint niya ako habang nakahiga at hindi pa rin pala siya nagbabago mahal pa rin niya ako.Baka tama nga si Fatima na nagkamali lang ako ng akala at masyado ko lang ata dinibdib ang mga sinabi niya kaya ako nag over react baka pagod lang siya noon.Babangon na sana ako ng pigilan niya."Hindi pa ako tapos wag ka munang gumalaw." Walang lingon na sambit niya kaya naman bumalik ako sa pagkakahiga at hinatak na ako ng antok.Naalimpungatan ako ng kumahol si Butter halos 15 minutos pala akong naka-idlip.Tiningnan ko si Troy sa pwesto niya ngunit wala na ito roon pati yung papel na ginamit niya sa pagpinta.Natapos kaya siyang magpaint? Saan kaya siya nagpunta? Hindi man lang ako ginising. Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan siya. After 20 seconds ay sinagot niya ang tawag ko"Babe, where are you?" Tanong ko."Nasa veranda lang ako preparing for a candle light dinner come here after you dressed up I will wait for you here don't be hurry." At pinatay na kaagad ang tawag ng hindi hinintay ang sagot ko.So rude of this man but I love him.Excited akong tumayo. "Don't be nervous Erica pinaint ka niya tapos may pa candle light dinner pa baka hihingi na siya ng tawad sayo its a peace offering common ito na yung hinihintay mo na magkabati na kayo." Pangungumbinsi ko sa sarili hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.Dali-dali akong pumasok sa kwarto naligo at nag-ayos ng sarili of course I made sure na maganda ako sa paningin ni Troy. I wore an off shoulder dress and above the knee. I also put a little make up and lip tint on my lips. Then boom l'm ready.Excited akong lumabas ng kwarto at pumunta sa veranda habang papalapit ako ay may mga naririnig akong nag-uusap."Finally we've got a positive outcome after so long I think this new one won't disappoint us." Boses iyon ni Fatima."And it's based on a research result and gone through some test but the rare material should be purchased from overseas. It's just a problem of time we should also follow the rules when it comes to funds." Boses iyon ni Troy.Baka tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila nakarating na ako sa bukana at napansin kong naroon si Fatima at Ryan.At may lima pang kalalakihan na nakatingin sa papel, yan yung painting ni Troy.Hindi pa nila ako napapansin."Okay! now lets have a relax." Dagdag pa niya."Okay cheers!" Sagot nung mga kasama niya at kinuha ang mga kopita at sabay-sabay na uminom.Napapangiti akong lumapit sa kanila dahil nasa isip kong baka ipinagmamalaki ni Troy sa kanila kung gaano kaganda ang gawa niyang painting."Babe," Tawag pansin ko sa kanya.Napalingon siya lumapit sakin at hinawakan ako sa kamay."May bisita ka pala?" Tanong ko pero hinila niya ako palapit sa mga kasama niya."Troy, why don't you explain and introduce to us your new creation." Tanong ng lalaking nakaputi nasa harapan nila ang painting ni Troy at sinusuri.Excited at nakangiti kong tiningnan si Troy pero seryoso ang mukha ni hindi man lang ngumingiti."I think let the one who is most familiar with it introduce by herself." Walang buhay niyang sagot."Erica 'wag ka ng mahiya simulan mo na." Sabat ni Fatima."Such a good painting of Troy you should be happy and proud of him." Dagdag pa niya."Of course I am proud of my husband and he knew that." Nakangiti kong sagot sa kanya.Sa isip ko. Pero bakit hindi na lang si Troy ang magpaliwanag total siya naman ang nagpaint non?Familiar din naman siya sakin dahil asawa niya ako lumingon ako para tingnan si Troy sa mga mata at nagsalita na..."My husband Troy draws a painting of me. I think its because he loves me that much.." Hindi pa ako tapos magsalita dahil napansin kong nag-iba ang mood ng mga mukha nila lalo na si Fatima.Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ang bulong ng isa pang lalaki sa katabi niya."Even if he's not outspoken to us we all knew that he draws a picture of how it looks in his heart." Tumango lang ang katabi nito.Napansin ko din ang pagpalipat-lipat ng sulyap ni Ryan sa painting at kay Fatima.Teka may mali ba?pero hinayaan ko na lang iyon at binalik ang atensyon sa asawa ko."I love you, babe." Sabi ko sa kanya. Then I hugged and kissed him.But he removed my arms from his shoulder and pushed me away kinuha niya ang painting at hinila ako palabas."Well I don't know what's going on?" Si Ryan yun nahagip pa ng tenga ko.Pagkalabas namin ng veranda ay pabalang niya akong binitawan."Next time can you please speak after you see everything clearly!" He spoke at my face then he slowly showed me his painting.Nalusaw ang sayang naramdaman ko ng makita ang painting. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. It's not me.Hindi ako ang nasa larawan kundi si Butter a cute dog at tinitigan ko pa iyon saglit baka na malikmata lang ako pero hindi eh.Pinukol ko siya ng masamang tingin at parang mapapaiyak na ako anumang oras dahil sa galit at pagkapahiya sa mga bisita niya.Inagaw ko sa kanya ang painting at pinunit sa harapan niya. Sa tindi ng galit ko ay tumakbo ako papasok ng kwarto at nagkulong roon saka umiyak ng umiyak.TROY Bumalik ako sa veranda dahil naroon pa ang mga bisita ko. Sobran pinigilan ko ang sariling sundan si Erica. May parte sa puso kong nagi-guilty dahil sa ginawa ko sa kanya napakuyom ako ng kamao at tinungga ang natirang alak sa kopita. "It's not easy to make such breakthrough, everyone's efforts pay off." "Yes, it's worth it." Nakaupo lang ako at walang pakialam na nakikinig sa pag-uusap ng mga bisita ko. Panay ang buntong-hininga at malalim ang iniisip ko ngayon. Naiinis ako sa sarili ko kapag naiisip ang reaksyon ng mukha ni Erica. Sobrang napahiya talaga siya. Napansin kong panay ang sulyap sakin ni Fatima. Nagdadalawang-isip kung lalapitan ba ako o hindi. Naamoy niyang mainit na ang ulo ko mula ng bumalik sa veranda at gusto niyang kausapin at pakalmahin ako. Bote na ang hawak ko at hindi na kopita halos dalawang lagok lang ang ginagawa ko sa laman ng alak na parang tubig na lang sa pakiramdam ko. ‘Man, don't tell me naaawa ka sa kanya? Di ba plano mo to? Ang
ERICA Pagbaba ko ay nakita ko si Fatima at prenteng nakaupo sa sofa. Naka dikwatro ang paa na para bang nasa sariling bahay lang. Nakita niya agad ako. "Hi good morning." Bati niya sakin.Tumayo siya at lumapit sakin."Good morning." Sagot ko. "Balita ko hinahanap mo raw ito?" Sabay abot sakin ng wedding tape namin ni Troy.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kinuha ko sa kamay niya at nilagay sa dibdib na parang niyayakap ko. "Bakit na sayo to at san mo nakuha to? Paanong napunta to sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.Sobrang saya ko dahil nasauli na sakin ang tape napakahalaga nito sa buhay ko. Napangiti siya. "Oopps! Dahan-dahan lang someone told me to give it back to you." Sabi niya. Napaisip ako pinakiusapan siguro siya ni Troy na ibalik ito sakin kasi alam niya kung gaano ito kahalaga sakin. "I can't understand what's going on between the two of you guys hindi pa kayo ganun katagal na kasal. You guys are newly wed don't fight with each other always." Mahaba niyang litanya.
ERICA Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagsusulat lumingon ako sa bintana "Tanghali na pala." Usal ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mag-aalauna na ng hapon. Pagkatapos ko sa library ay pumanhik muna ako sa kwarto para magpahinga. Mamaya na lang siguro ako kakain pagbaba ko iidlip lang muna ako saglit dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan ko baka dala ng stress nitong mga nakaraang araw. Naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pintuan and I saw Fatima. She has access sa lahat ng sulok ng bahay na ito at hindi ko alam kung bakit okay lang kay Troy. Hinahayaan niya lang si Fatima kaya hinahayaan ko na lang din baka dahil siguro sekretarya siya ng asawa ko. Pumasok siya at umupo sa tabi ko sa may gilid ng kama. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama parang umiikot ang paningin ko."Anong nangyari sayo Erica? Bakit ang lamlam ng mga mata mo teka may sakit ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong." At saka malapit ng gumabi hindi ka pa
ERICA Dinalhan ako ni manang ng pagkain at gamot. Sumubo lang ako ng kaunti at pagkatapos ko ay tumungo ako sa kabilang kwarto kung saan nakadisplay ang mga branded at mamahaling wine ng asawa ko. Hindi ko ininom ang gamot na binigay ni manang dahil feeling ko hindi iyon ang kailangan ng katawan ko. Hindi ko rin pinakinggan si Fatima. I can't help it anymore hinahanap ng katawan ko ang alak. Simula ng maikasal ako kay Troy ay marami ng nagbago sa buhay ko.May limitasyon na ako bawal na sa ganito, bawal na sa ganyan. Sinunod ko lahat ng gusto niya kasi sobrang mahal ko siya. Gabi na pero hindi pa umuuwi si Troy. Hindi ka pa ba sanay sa asawa mo Erica? usig ko sa sarili. Tinungo ko ang cabinet at kumuha ng isang bote hindi ko na tiningnan ang label kung mataas ba ang dosage ng alcohol basta't bahala na. Bumalik ako sa kwarto at tinungga-tungga ang bote hindi na'ko gumamit ng shotglass para saan pa diba? mag-isa lang naman ako. Nangangalahati pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto at
TROY Nakaubos ulit ako ng isa pang bote pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kumuha pa ulit ako ng isa pang bote sa cabinet at binuksan. Sumasakit na ang ulo ko ngunit iniinda ko lang ito. Tumambay muna ako sa wine room hindi ko inalintana kahit basa ang damit ko. Binuksan ko ang bluetooth speaker na nakapatong sa side table ng upuan ko. Then I connected it on my phone at pinatugtog ang VULNERABLE. Gusto kong lasapin ang pait na nangyayari sa buhay ko. Isa iyon sa mga paborito kong kanta. Hininaan ko lang ang volume dahil malalim na ang gabi. I love listening to old songs. Pero itong kanta na to ang tumatagos sa puso ko. Bawat lyrics nito ay nanunuot sa diwa ko. Bawat linya ay masakit pakinggan lalo na sa ganitong sitwasyon ko. At si Erica kaagad ang pumapasok sa isip ko. Ang lungkot ng kantang to para sakin. Ang hirap manimbang sa dalawang taong mahal mo. Kay Rix at Erica. What? Did I say it? Mahal? No, This can't be happening. Hindi mo siya dapat mahalin Troy kasi sa simula pa
ERICA Tumayo ako hindi na ako kumain inubos ko na lang ang gatas na timpla ni manang kahit malamig na. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa kwarto para kumprontahin si Troy. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay wala na ito doon sa kama. So gising na pala ang manloloko kong asawa. Tsk! Hinanap ko siya, wala siya sa banyo pumunta ako sa library ngunit wala rin, sunod kong pinuntahan ay yung rose garden pero wala pa din. Saan kaya siya nagpunta? And there, natanaw ko siya sa veranda may kausap itong lalaki hindi ko maaninag kung sino dahil nakatalikod ito sakin. Nakita niya ako at nagpang-abot ang mga mata namin. Nagtitigan kami pero ako ang unang umiwas. Pairap kong tinanggal ang mga tingin ko sa kanya. Naiinis ako, ay hindi nagagalit pala ako sa kanya.Dali-dali akong umakyat para tumungo sa veranda. Sino kaya ang kausap niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may naunang nag bukas nito galing sa loob. Pagkabukas nun ay lumabas si Atty. Galvez dala-dala ang attache' case niya. “Good morning, Mrs
ERICA Nangangawit na ang pwet ko kakaupo at kakahiga sa kama, kaninang umaga pa ako nagkulong dito sa kwarto kaya't naisipan kung lumanghap muna ng hangin mula sa labas naisipan kong sumilip sa bintana.Gusto kong e-exhale muna lahat ng mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Troy. Masyado ng mabigat sa dibdib baka sakaling mabawasan man lang o lumuwag-luwag ang pakiramdam ko kapag nakalanghap ako ng sariwang hangin. Nanalamin muna ako at pugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at nagitla ako sa natanaw ko mula sa rose garden. Si Troy at Fatima at anong ginagawa nila don?Nakalingkis ang mga kamay ni Fatima sa braso ni Troy at nakahilig ang ulo nito sa balikat ng asawa ko. At ito namang si Troy ay balewala lang sa kanya. Nakakainis!Padabog akong umalis sa bintana. Narito pala ang ahas kong kaibigan? Dali-dali akong bumaba at pupuntahan ko ang mga walang-hiya.Ngunit papunta pa lang ako ay nakasalubong ko si Fatima, paalis na siya. “Oh
ERICA Nang makalabas sa garahe ang kotse ni Troy ay dali-dali din akong lumabas para sundan siya, hindi na ako nagpaalam pa kay Manang. Dahil alam kong hindi niya ako papayagang lumabas o umalis. Siguradong uusisahin lang ako non. Napansin ako ni Kuya Arman na nagmamadali sa paglalakad. “Ma'am, saan ho kayo pupunta? Bakit hindi pa kayo sumabay kay Boss? Kakaalis lang niya ah?” Tanong niya sakin ng mapansing sa main gate ang direksyon ko. “Diyan lang ho ako,” sagot ko at tumakbo palabas. Dahil alam kong hindi niya ako papalabasin dahil bilin sa kanila ni Troy na kapag aalis ako kailangang itawag muna sa kanya para ipaalam. Dinaig ko pa ang preso sa bahay na ito. Sakto namang may dumaan na taxi pinara ko at sumakay. Nilingon ko si Kuya Arman, nakita kong napakamot ito sa ulo habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinasakyan ko. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Troy kung pagalitan man siya. “Uhm, Manong pakisundan niyo po yang puting kotse na nasa unahan." Utos ko sa driver.