Share

Kabanata 58

Indie Emerson

"Aalis na ikaw?"

Napatingin ako kay Israel nang magsalita siya. Nasa Attic kami at katatapos lang mag-agahan. Andito na naman siya dahil weekend, imbes na sa playground o sa kamag-anak ng umampon sa kanya siya pumunta ay pabalik-balik na siya rito sa orphanage. Kaya natatawa ang yaya niya dahil ibang klase ang playground ni Israel. Buti nga mabait ang mga umampon sa kanya at hinahayaan siya na pumunta rito palagi. Minsan binabalikan na lang siya ng driver at yaya niya kapag uuwi na.

Tinanguan ko si Israel at ginulo ang buhok niya. Nagsalubong naman ang kilay niya sa pagtango ko at maya-maya ay may dinukot siya sa bulsa. Isang paper plane na halatang gawa niya o 'di kaya ni Dion dahil lukot-lukot na! Parang ang dami ng pinagdaanan ng papel bago pa nila mabuo.

Kinuha ni Israel ang isa kong kamay at binuka ang palad. Nilagay niya ro'n ang paper plane na kulay asul, colored paper pa ata ang ginamit nila. Nang malagay niya ay isinara niya ang kamay ko saka itinuro si Dion
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status