Share

Chapter 44

Hindi pa rin makapaniwala sina Chelsea at Dion, matapos marinig ang sinabing iyon ni Seb. Dahan-dahan tuloy na lumayo si Chelsea kay Allyana, na ngayon ay alanganing ngumiti sa kanya. Hindi naman alam ni Chelsea kung ano ang kanyang sasabihin dito, dahil talagang nagulat siya sa kanyang nalaman at hindi alam kung maniniwala ba o hindi sa sinabing iyon ni Seb.

"I'm sorry, wala talaga akong maalala kung sino kayo..pero sinabi na sa akin ni Seb na darating kayo," mayamaya ay sabi ni Allyana.

"Wait a second, I need to breath," wika ni Chelsea at bumuga ng malalim na hininga.

Si Dion naman ay napakunot noo na nakatingin kay Seb. Tumango lang si Seb sa kanya na sinasabing ganoon nga ang nangyayari kay Allyana, maging ito ay hindi makapaniwala sa nalaman.

"You really lost your memory, Allyana?" pangungumpirma ni Chelsea dito.

Napatango si Allyana at bahagyang bumaling kay Seb.

"Maging ako ay nagulat, noong magising siya at sinabing hindi niya ako kilala. Kaya talagang wala siyang maalal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status