Share

Chapter 62

Leana’s POV

Pinanood namin kung paano halos umusok ang ilong at tenga ni mama dahil sa galit. Nakakatawa lang na sabay pa siyang tinawag ng mga advisers namin para kausapin kung ano ang dahilan kung bakit hindi kami pumapasok.

Alam kong hindi siya makapaniwala dahil hindi naman kami kailanman naging ganito. Lalo na si Chance na halos ilang linggo na hindi pumasok. Pumapasok pa naman ako. Tatlo o dalawang beses nga lang sa isang linggo. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang silbi ng pagpasok ko sa mga araw na iyon dahil wala rin naman akong natututunan.

Hirap na hirap na akong humabol sa mga lectures nila kaya wala akong maintindihan. At kung wala akong maintindihan, sasama lang ang loob ko at mas pipiliing tumulala sa teacher kahit pa hindi naman talaga ako nakikinig.

Nakaka guilty na rin dahil ginagawa lahat ni Nico para bumalik ulit ang motivation ko para mag-aral. Pinapahiram niya sa akin ang notes niya at minsan pang sinabi na willing niya akong samahan mag-aral kung gusto ko ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status