Share

Chapter 63

Leana’s POV

Masaya na ba ako?

Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang malakas na simoy ng hangin na tumama at gumugulo sa buhok ko. Hinayaan kong lamunin ako ng mga iniisip ko dahil magandang gawin na pakinggan ko rin naman ang sarili ko kahit minsan lang. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Nagbago ang buhay ko dahil sa paghihiwalay ng mga magulang namin. Parang bumaliktad ang mundo. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magpatuloy. Nahihiya ako sa nangyayari sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko ng sobra dahil bakit ba hindi ko na magawang pilitin ang sarili ko?

Noon, kahit pagod na pagod ako mentally ay hindi iyon sapat para tumigil ako na gawin ang best ko. Pero ngayon, napabayaan ko na ata ang sarili ko lalo na ang pag-aaral.

Recognition kahapon. At sa kauna-unahang beses ay hindi ako nakaabot sa honors. Hindi na ako nagtaka pero nakaramdam pa rin ako ng matinding kirot sa dibdib ko. Habang pinapanood ko ‘yung ibang mga estudyante na umaakyat sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status