JILLIAN'S POINT OF VIEW Sinama ko ang aking kapatid na si Nene patungong ospital. Dala na namin ang mga gamit na kailangan ng itay. Ayon sa mga nurse ay naoperahan na ang tatay at nasa recovery room lang ngayon. Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay naipagamot na nang maayos ang itay. Iyon nga lang ay hindi dito natatapos ang problema. Kailangan ko pang humanap ng malaking pera para pambayad dito."Nene, ikaw muna ang magbatay sa itay, ha. Hindi ako pwedeng umabsent sa trabaho. wala tayong ibabayad rito. Nene, alagaan mong mabuti ang itay," mahigpit na bilin ko kay Nene. Alas singko na kasi at hindi pa rin nadadala ang tatay. Kailangan ko nang umalis para magtrabaho.Pagdating ko sa bahay ay hinarap ko naman si duday. Masaya akong makita na masaya ang mga kapatid ko sa bagong tv nila na pinanonooran. Sa malambot na kama na kanilang hinihigaan ngayon at sa napakaraming pagkain na kanilang kinakain ngayon.Gusto ko silang kagalitan kung bakit basta nila tinanggap ang mga ito
"Hindi na p'wede boss. Hindi na pwede at ako naman ang mapapahamak. At talagang ngayon mo pa gusto umabsent, ha? May mga darating na investors. They want to see you tapos sasabayan mo ng absent. Hindi p'wede. Hindi p'wede. sorry," pagtanggi ni Adrian sa pakiusap ko. gusto ko kasing umabsent ngayong araw para samahan si Jillian sa ospital. Alam kong kailangan niya ako at kailangan niya ng tulong pinansyal. Halata ko kagabi na parang wala siya sa mood. Naintindihan ko iyon dahil alam ko ang nangyaring pagkaka ospital ng kaniyang ama. Naiintindihan ko rin naman kaya hindi ako magawang payagan ni Adrian. I am aware na may darating nga'ng malalaking Investor at hindi ko p'wedeng ipagpaliban dahil mga busy ns tao din ang mga iyon kaya kailangan kong tanggapin na hindi ko masasamahan si Jillian ngayon.Samantala, hindi na rin nagtagal at umalis na si Adrian. Ako naman ay ginampanan ng maayos ang aking tungkulin as acting CEO at kinita ang mga investors na nais akong makilala.Naging maayos
Si Mr. Oman, siya ang isa sa nga guest dito na galante mag-tip lalo na sa akin. kapag siya ang nagiging guest ko ay na-sesecure ko ang panggastos namin sa isang buwan. Pambayad ng bills, pagkain, at baon naming ng mga kapatid ko. sa lahat ng guest ko rin ay siya ang inaantay ko. Biruin mo, sasamahan mo lang uminom magkakapera ka na. Hindi gaya ng iniisip ng iba na kapag nagbigay ng malaking tip ang guest ay may hinihinging kapalit. Siya, masaya ba siya na may kakwentuhan kapag umiinom. Oo, may paghaplos sa kamay ko at paghalik sa pisngi pero hanggang doon lang yon. Kaya nga tinanggap ko ang raket na ito dahil alam kong makakatulong siya sa akin, e. Hindi dumating kanina di Jared sa Ospital gaya ng ipinangako niya. Sinabi niyang sasamahan niya ako at tutulungan ng pinansiyal. Hindi ko naman inaasahan na darating talaga siya dahil alam kong nay trabaho siya. Ayoko rin naman na iasa sa kaniya ang tungkol sa bayarin dahil sobra-sobra na ang naibigay niya sa akin. Samantala, Habang ka-t
"Sorry, sir. Hindi ko rin po alam ang problema ng anak niyo. Bigla na lang po siyang umuwi nang mainit ang ulo. Hindi ko po alam ang dahilan ng kaniyang pagwawala. Hindi po namin siya kayang pigilan." wika ni Adrian sa kabilang linya habang kausap ang ama ni Jared na si Yvann. Si Jared kasi ay bigla bigla na lamang na nagwala pagkauwi ng bahay. Lahat ng mahawakan nitong gamit ay binabalibag. lasing na lasing ito kaya naman walang tauhan sa mansyon ang nagtangkang umawat. Even Adrian ay nanibago sa ganitong asta ni Jarer. Kaya naman minabuti niyang tawagan ang ama nito."Paniguradong babae na naman ang dahilan. Umamin ka nga, Adrian. May alam ka ba rito? si o na namang babae ang kinalolokohan ng anak ko? My God, halos isang linggo pa lang siya sa Pilipinas at nagkakaganyan na kaagad siya?" dismayado rin si Yvann sa nabalitaan. Alam niyang hindi instant ay magbabago ang anak niya. Alam niyang hindi nito kayang alisin ang pambabae. Ang ipinagtataka lang ni Yvann ay kung bakit ito nagwaw
Nagmamadaling sumadya si Adrian sa opisina ni Yvann dahil sa isang mahalagang balita. Lakad takbo pa ang ginawa niya para kang makarating agad sa opisina ni Jared at makausap ito.Si Yvann kasi ay nagsabi kay Adrian na uuwi ng Pilipinas. Hindi na kasi nito kayang magsawalang bahala dahil lumalaon ay palala nang palala na ang anak. Bilang kilala niyang mabait naman at maaasahan si Yvann pagdating sa mga responsibilidad nito bilang anak ay ayaw niyang mapahamak ito. Hindi normal kay Yvann ang pag gastos ni Jared sa isang babae bilang alam niya na ang mga nagiging babae nito ang gumagastos dito.Himihingal pa mg makarating si Adrian sa may pintuan. Nagtaka siya dahil wala si Maria sa upuan nito. Sinubukan niya ring buksan ang opisina ni Jared ngunit naka-lock ito. "Naloko na!" wika ni Adrian sa may pintuan dahil parang alam na niya ang nangyayari sa loob. Imbes na gamitin ang susi na mayroon siya ay ifinikit ni Adrian ang kaniyang tenga sa pintuan para siguraduhin na tama ang hinala ni
JILLIAN'S MALIGALIG POINT OF VIEWSa sobrang excited ko ay madaling araw pa lamang ay gumising na ako. Kaunti lang ang naging tulog ko dahil hindi ko maalis sa isipan si Jared. Daig ko pa ang na-broken hearted. biruin mo wala naman kaming relasyon pero ganito na ako nasaktan? Iniwan niya ako sa ere at hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal itong kirot sa dibdib ko.Samantala, Dahil maaga akong nagising ay marami pa akong oras para mag-ayos ng sarili. Talagang gusto kong maging karapat-dapat sa posisyon na inapplyan ko kaya dapat ay una itong makikita sa aking kasuotan at sa aking pag-aayos. From hubadora to office girl real Quick.Sa kalagitnaan ng aking pag-aayos ay bigla akong tinawag nh itay. hinahanap nito ang kaniyang salamin."Anak, pakihanap mo nga muna. Hindi ko kasi mabasa itong binabasa kong diyaryo, e." pakisuyo ng itay.Agad ko namang itinigil ang pag aayos at sumunod sa kaniyang utos. Sigurado akong naiuwi namin ang salamin niya kaya nandito lang dapat iyon sa bahay
Masayang masaya si Jillian na lumabas ng naturang kompanya. Naubusan na siya ng ag-asa at hindi niya lubus na maintindihan kung bakit siya natanggap samantalang ganoon ang itsura niya. Inaasahan niya ay mga magaganda o may itsura ang tinatanggap sa ganitong trabaho. Talagang may mga kumpanya pa rin na hindi tumitingin sa panlabas na itsura kung hindi ay kakayahan o pinagtapusan.Sa kabila ng tuwa ni Jillian ay naroon din ang pangamba pa rin. Bigla niyang naalala si Jared. Amg sabi kasi nito sa kaniya ay isa itong driver ng CEO. Komo nakita niya rito si Adrian ay iniisip niya na malaki ang posibilidad na ang CEO na magiging boss niya at ang CEO na boss ni Jared ay iisa. Tama lang talaga na nag-disguise siya. Hindi siya nakilala ni Adrian kaya sa Malamang ay hindi rin siya makikilala ni Jared sakaling Tama ang iniisip niya.Papauwi na sana si Jillian nang bigla niyang maalala na kailangan niyang magtanggal ng make up. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganoon ang itsura dahil baka hindi rin s
"Nakakainis! Nakakainis!" angal ko sa isipan ko. Napangiti na lang ako ng mapait habang nakaupo dito aking pwesto. Sa labas ng opisina ng Jared na iyan. Sobrang yabang! Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko siya nagustuhan.I heard it clear. Sa daddy niya na mismo nanggaling. babaero siya at hindi na raw normal ang pagiging babaero niya. How funny it is? Nagawa niya akong paniwalain na totoo siya sa mga sinasabi at ipinaramdam niya sa akin iyon pala ay marami kaming ginagawan niya ng ganoong klaseng treatment? Ako naman itong si tanga, nagawa pang iyakan siya. Na habang na-mimiss ko siya ay may nagpapaligaya naman sa kaniyang iba. Ang tanga ko para mahulog sa isang gaya niya. At kung hindi pa ako matanggap rito at magpanggap na pangit ay hindi ko malalaman ang katotohanan. Ang katotohanan tungkol sa totoo niyang ugali. Na kaya nag-hired ang daddy niya ng pangit is para matigil na ang pakikipaglandian niya rito sa opisina. At tama nga ang daddy niya, the whole day na pagtratrabaho ko r