LUCY PEARL POINT OF VIEW Pagmulat pa lamang ng aking mga mata ay agad ng bumungad sa akin ang isang puting bestida. Dali-dali akong tumayo at tinignan ito nang malapitan at ss gilid nito ay may note na nakadikit. "Good morning my very soon to be wife. Gumayak ka na at iintayin kita dito sa baba." nakalagay sa note na galing kay Yvann. Para bang may paro-paro sa aking tiyan. Kakaibang excitement ang naramdaman ko. Pinilit kong bilisan ang bawat kilos ko kahit na hirap akong maggagalaw dahil sa aking pagbubuntis. Pero dahil Gustong-gusto ko nang malamang ang bagong palulo ni Yvann ay kaagad akong naligo at nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nang makuntento na ako sa aking itsura ay saka ako nagdesisyon na lumabas ng kwarto at bumaba. Wala si Yvann sa sala, wala din sa kusina. Wala siya rito kaya naisipan ko na lumabas. Baka kako natagalan sa akin at nainip kaya lumabas. Sa aking paglabas, napahawak ako sa tiyan ko dahil biglang sumipa ang aking dinadala sa aking sinapupunan. Parang nak
"Anak, hindi mo kailangan na bumalik sa showbiz. Marami kang pwedeng paglibangan. Ang kompanya natin na iniwanan ng Daddy mo, iyon, pwede naman doon ka na lang magtrabaho tutal ay ikaw rin naman ang magmamana noon. Huwag mo nang ibaba ang sarili mo para sa Role na alam ko naman na hindi mo gusto. Angelica, mas magandang Career ang business kesa sa shobiz." Bilang tumayong manager na rin si hailey sa anak ay alam niya na mataas ang standards nito pagdating sa pagtanggap ng Role. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Hailey na unti-unti nang bumabagsak ang Career ng anak. Marami ng stress ang pinagdaanan ni Angelica at halos ngayon pa lamang ito nakaka-recover. Hailey is trying all her best to convinced Angelica na huwag nang tanggapin ang Role na balak nitong gampanan. Instead ay kinukumbinsi niya ito na i-manage na lamang ang mga naiwang negosyo ni Justine. Si Justine at Hailey ay mga kilalang bilyonaryo sa bansa. Marami silang negosyo at mga ari-arian. Wala na si Justine kaya nais ni Hai
Yvann Point of view.Humiling sa akin si Lucy Pearl na baka raw kung pwede ay pumunta ako ng Maynila para makibalita ako sa mga magulang niya. Buhat kasi ng tumira kami sa Bulacan ay pareho na kaming walang balita sa mga ito. Since kailangan ko ring bumisita sa company ko ay nag-decide ako na maglaan ng araw para rito. Iniwan ko si Lucy Pearl at mag-isa akong lumuwas. Ang bilin niya sa akin ay kumuha ako ng litrato ng mga magulang niya pati na rin ng sa ate niya.Nasa office pa lang ako ay agad na akong nakasagap ng balita patungkol kay Angelica. Narinig ko kasing siya ang usap. I accidentaly heard them talking while i was about to enter my office."Balita ko may up Coming Movie daw si Angelica. Siya raw ang gaganap ng kontrabida."According to them, nakabalik na sa pag-arte si Angelica. Magandang Balita iyon kung ganoon. Dahil interesado ako sa pinag-uusapan ng mga staff ko at nag-abala talaga ako para huminto at hindi na napigilan ang sarili na tanungin. "Really? Is that legit? O
"Angelica, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo ito, sinubukan kong lumayo para maging maayos ang lahat. Hindi ako nagpakita sa 'yo para mabilis mong makalimutan ang nararamdaman mo Lara sa akin. Angelica, I don't know How to say this because i'm afraid na hindi ako makatulong sa paggaling mo o pag-move on mo pero... pero kailangan, e. Angelica, may iba na akong mahal. Hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na kailangan mo. hindi ako yung lalaki na yon. Maganda ka at may malaking puso at hindi mo deserve ang lalaking katulad ko na paulit-ulit kang sinasaktan. Pumunta ako rito para kumustahin kayo, lalo ka na. Alam no bang nag-aalala ako ako sa 'yo bilang may espesyal kang puwang sa puso ko? Masaya ako na makitang okay ka na at mas magiging mas masaya ako kapag nakita kong naka move on ka na rin sa akin. kung tatanggapin mo na pagiging magkapatid na lang ang kaya kong i-offer sa 'yo, palagi akong darating sa tuwing kailangan mo ako." nag lakas loob na si Yvann na sabihin kay Ang
"Lu-Lucy.... Lucy pearl... p-pa-paanong---"Halos manigas si Hailey sa kinatatayuan matapos na hindi inaasahan ang isang mahalagang tao sa buhay niya na matagal nang patay ngunit heto at maliwanag na maliwanag ang mukha na nagulat nang makita siya. Pareho silang nagkagulatan. Hindi rin inaasahan ni Lucy Pearl na isang araw ay makikita niya ang kaniyang ina. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. "M-mommy...." Halos mabitawan ni Lucy Pearl ang baso na may lamang gatas niyang hawak pagkakita na pagkakita sa ina. Nandoon yung gusto niya itong lapitan at yakapin ngunit naroon din yung takot dahil sa matagal niyang hindi pagpapakita."B-buhay ka? Hindi ka patay? Papaanong?" gulong gulo ang isipan ni Hailey at hindi mai proseso sa utak na heto at kaharap na niya ang bunso niyang anak. Mula ulo niya itong pinakatitigan ay tunay ngang buhay na buhay ito. Napako ang tingin ni Hailey sa tiyan nitong may kalakihan na kaya ang labis niyang pangungulila sa anak ay napalitan ng matindin
Napakalma lamang si Angelica nang pa amuyan siya ng panyo na may pang patulog kaya natigil siya mula sa pagwawala. Talagang hindi biro at hindi normal ang pagwawala no Angelica kaya ngayon ay muling umingay ang pangalan niya sa showbiz at social media. Si Angelica, bumalik ang kaniyang trauma dahil sa eksena kanina na ginawa nila na tila pamilyar na pangyayari sa kaniyang buhay. Bigla kasi niyang naalala ang mga mapait na nangyari sa kaniya. Kung kailan na siya gumagaling sa matinding trauma ay saka naman nanumbalik sa kaniya ang lahat. Bumalik ang matinding takot, depresyon, at pagkahirang ni Angelica. Nawala siya sa sarili.Nang makatulog siya ay saka naman nagdesisyon ang mga tao sa set na iuwi na lang siya sa bahay. Nang dalhin nila ito sa tinitirhan nito ay doon na lang nila nalaman na wala pala itong kasama doon gawa nga ng nasa labas ang ina nito. Mabuti na lang ay dumating si Yvann bigla at dito na lang nila ikinuwento ng buo kung ano ang nangyari sa set. Si Yvann na rin an
Bumaba si Angelica na tanging damit lamang ni Yvann ang suot. Wala siyang kahit na anong suot na pang loob kaya bakat na bakat ang kaniyang utong at hubog ng katawan.Ang mga katulong at takot at pag-aalala kaagad ang naramdaman nang makita si Angelica na gumagawa sa kusina. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang kalagayang pang kaisipan ni Angelica kaya naman sinubukan nilang tawagan si Hailey upang ipaalam ang nangyayari. At dahil nga nasa malayo si Hailey ay hindi nila ito ma-kontak. Minabuti na lamang ng mga katulong na tawagin ang guwardiya at dito magpapatulong na bantayan ang ikinikilos nito."Dito ka lang. Natatakot kami kay mam. Mukha siyang tinakasan na ng bait. Baka mamaya ay kung ano ang gawin niya." saad ng isang katulong sa guard."Luh! Bakit ganoon ang suot niya? Paano ko babantayan ang kilos niya? baka mamaya isipin ng iba na pinagmanasahan ko si Mam." Sagot naman ng guwardiya. Nawiwirduhan silang tatlo kay Angelica kaya hindi nila inaalis ang tingin nila dito. __
Ano nga ba ang mararamdaman ng isang ina na naniwalang patay na ang kaniyang anak ngunit isang araw ay makikita niya itong buhay pala at nagdadalang tao pa sa lalaking ex ng isa pa niyang anak. Halo halong sama ng loob ang nararamdaman ni Hailey habang pauwi. Hindi niya ikinatuwa na nalaman pa niyang buhay si Lucy Pearl. nakadagdag pa sa isipin niya itong si Angelica na siyang laman ngayon ng balita. Mapa-tv man o social media.Habang nasa byahe pa lamang si Hailey ay nabalitaan na niya ang kaliwa't kanan na issue na kumakalat. Oo. sobra ang naging galit niya at nagbanta siya sa mga ito sa pamamagitan ng kaniyang post. "See you all in court! Ipakukulong ko kayong mga nagpapakalat ng fake news sa anak ko. Ubusan pa ng pera kung gusto niyo." hamon pa niya. Pinipilit lang ni Hailey na tatagan ang loob kahit na patong patong na ang sakit na kaniyang nararanasan dahil sa kaniyang mga anak. Pagdating dating niya pa sa bahay ay nadatnan niya pa ang dalawa na magkayakap. Bagay na hindi niya